04

469 148 14
                                    

Aqui's POV

Sa sobrang taranta ay hindi ko namalayang naihakbang ko na ang mga paa ko upang magsimulang tumakbo.

Ngunit hindi pa man ako nakakalayo ay naramdaman ko na ang kamay nyang dagling humawak sa braso ko. Kabado akong pumikit. Nag iisip ng marapat kong gawin ngunit bago pa man ako makapag isip ay bigla nya akong hinila dahilan upang mapaharap ako sa kanya at maglapit ang muka naming dalawa. Malapit... malapit na malapit.

Agad kong iminulat ang mga mata ko at sakto iyong tumama sa labi nya!. D*amn it! Anong silbi ng tangkad ko kung hanggang labi nya lang ako?. Tuloy ay nakita ko kung gaano kaganda ang hugis ng kanyang labi. Ang mamula mula nitong kulay ay hindi mo aakalaing lalaki ang nagmamay ari.

Napalunok ako nang bigla syang ngumisi! Mula sa labi ay dahan dahan kong iniangat ang paningin ko hanggang sa tumama iyon sa mata nya. Ang mga mata nyang mukang kanina pa ako pinagmamasdan.

"I didn't expect that we'll cross paths again Ms. independent " Sinabi nya iyon ng hindi inaalis sakin ang paningin. Nangunot ang noo ko. Hindi nya ineexpect na magkikita kami? kung makapagsalita sya parang hindi kami nagkita sa campus.

"H-ha?" Naguguluhang tanong ko.

" Ha?" Panggagaya nya sakin, Mas lalo pa akong nagulat nang bigla syang tumawa!. Daig pa nya ang yelo kung makitungo sya sakin at sa mga studyante sa campus. Ano't tumatawa sya?

"I suppose you've forgotten." Tumingin sya sakin. Hindi ko alam kung anong itsura ng muka ko pero sadyang wala akong masabi. Hindi ko alam kung ano bang nangyayari sa kanya.

" We met at the bar last night " Dagdag nya pa. Ibig sabihin naaalala nya ako? Pero bakit wala syang sinabi sa campus kanina? At kung tingnan nya ako kanina parang normal na studyante lang na hindi nya kilala. Tapos ngayon uungkatin nya yung pagkikita namin sa bar? WTF??

Kumunot ang noo ko nang bigla nyang kapain ang sarili nya. Sinampal nya pa ng mahina ang pisnge nya. Anong?

" A-anong ginagawa mo?" Hindi ko na napigilan ang sarili kong itanong yon.

"I was just making sure I'm still alive. You don't talk much, maybe I'm a ghost and I just don't realize it." Tumawa sya matapos non. Seriously?

Ang paraan ng pakikipag usap nya sakin ay ang paraan ng pakikipag usap nya sakin sa bar. Malayo sa pakikitungo nya sakin sa campus kanina.

"Could you please stop staring at me like that? It's unsettling." Agad akong natauhan. Iniyuko ko ang ulo ko ngunit agad din akong tumingin sa kanya nang bigla ulit syang tumawa. WTF?? bakit ba tawa sya nang tawa eh wala namang nakakatawa? Sa campus ay para syang yelo tapos ngayon ay daig nya pa ang baliw.

"It seems like you've already forgotten about m--"

"N-natatandaan kita " Putol ko sa sinasabi nya.

"Hindi lang ako makapaniwala na kinakausap mo ako ng ganyan ngayon samantalang kanin---- " Bigla akong tumigil sa pagsasalita. St*pid! Bakit hindi ko agad naisip na baka magkaibang tao sila! Baka yung teacher sa campus ay hindi sya! Pero bakit magkamukang magkamuka sila?.

"Samantalang? " Ulit nya sa dapat ay sasabihin ko.

" Ah...W-wala, Ano nga palang ginagawa mo dito? "

" Why are you asking? " Bigla syang sumeryoso!

" Exclusive village kasi to. I mean hindi basta basta nakakapasok dito ang hindi naman dito nakatira "

" Alam mo naman pala bakit tinatanong mo pa " Nakangiting sagot nya.Biglang nanlaki ang mga mata ko!

"Dito ka nakatira!? "

Forbidden Connection Where stories live. Discover now