24

179 24 16
                                    

Aqui's POV

"Ano ba! Ano ba!" alma ni Caile nang bigla ko syang hinila palayo nang asta syang papasok sa reception area.

Dinala ko sya sa may kusina bago muling sumilip sa pinanggalingan namin.

What the heck was that!? Bakit sya andito? P-panong!?

"P-panong andito si sir Mathew?" naguguluhang tanong nya. Muli nya ding sinilip ang hallway na para bang makikita nya ang lalaking iyon sa ganong paraan.

Pabuntong hininga kong inilipat ang paningin ko sa kanya ngunit agad ding natigilan nang makita ang nagtatakang muka ng mga kasambahay namin.

Mukang abalang abala sila sa kanya kanyang trabaho. Natigil lamang sa bigla naming pagpasok. Agad din silang bumati sakin nang makitang nakatingin ako sa kanila.

"Iwan nyo muna kami" utos ko sa kanila. Nagkatinginan pa sila at mukang nagdadalawang isip na iwanan ang kani-kanilang trabaho.

"Now" seryoso kong dagdag dahilan upang wala silang magawa at mabilis na magsipag alisan.

Muli kong hinarap si Caile na noon ay halatang naguguluhan din sa sitwasyon. Sino bang hindi?

"M-magkakilala si sir Mathew at Tito?" naguguluhan pa ding tanong nya sakin. Tinitigan ko sya bago umiling.

"Hindi yon si sir" ani ko sa kanya dahilan upang mangunot ang noo nya.

"Ha?"

"Si Sam yon" maikling dagdag ko at biglang nanlaki ang mata nya. Muli pa syang napalingon sa hallway bago muling ibalik sakin ang paningin.

"P-pano?" kunot noong tanong nya. Maging ako ay nahawa sa kanya dahil hindi ko sya maintindihan.

"Anong pano?" naguguluhang tanong ko.

"Panong naging si Sam yon!?" mahinang singhal nya. Sabagay kailan lang nang malaman nyang may kamuka si sir at hindi madaling mahulaan kung sino sa kanila si sir Mathew at Sam maliban sakin.

"Walang salamin si Sam, palangiti, palatawa at mukang maamo. Magkaiba din sila ng pananamit; Casual manamit si sir Mathew habang si Sam ay palaging naka pormal" mahabang eksplanasyon ko sa kanya ngunit mukang hindi sya kumbinsido.

"Paniwalang paniwala ka talagang magkaibang tao sila ano!?" singhal nyang muli. Pinagkunutan ko sya ng noo. Ibig sabihin hindi pa din sya naniniwalang magkaibang tao sila? Pano ko ba to makukumbinsi!? Tsk!

"Dahil magkaibang tao naman talaga sila" malumanay kong sagot sa kanya. Sigurado ako...siguradong sigurado.

"Dahil lang don? Dahil palangiti kesho si Sam at si sir Mathew ay hindi? Dahil magkaiba silang manamit?" inis nyang tanong sakin. Hindi ko sya sinagot at nag iwas na lamang ng tingin.

"Pano kung nagpapanggap lang sya?" tanong nya dahilan upang lingunin ko ulit sya. Mababasa ang pag aalala sa mata nya at hindi ko alam kung saan iyon nagmumula.

"Malamang kung gusto nyang mag panggap na ibang tao ay iibahin nya talaga ang lahat sa kanya. Hindi naman pwedeng nagpapanggap sya tapos iisa lang ang kilos nila diba?" ani nya dahilan upang unti unting may mamuong pagdududa sa akin.

May punto sya...Malaking punto. Bakit nga ba hindi ko naisip yon?

"Bakit naman sya magpapanggap?" tanong ko sa kanya. Kung nagpapanggap man sya, bakit nya naman gagawin iyon?

"Hindi ko alam pero..." tumigil sya at tumitig sa mga mata ko. Napalunok ako ng ilang beses dahil sa kabang unti unting namumuo sakin.

"Malaki ang posibilidad na may kailangan sya sayo" dagdag nya. Kailangan? Sakin? Ano naman yon?

Forbidden Connection Where stories live. Discover now