ꜰᴏʀʙɪᴅᴅᴇɴ ᴄᴏɴɴᴇᴄᴛɪᴏɴ

266 56 8
                                    

Unknown POV

Nanlilisik kong tinitigan si Aquiah mula sa malayo. Bawat ngiti at tawa nya ay nagdudulot sa akin ng kakaibang galit. Mahigit isang buwan ko na syang pinaglalaruan pero heto sya't muka pa ding tanga kakaisip kung sino ang nasa likod ng mga pagbabanta sa kanya.

Ang akala ko'y mahihirapan akong makalapit sa kanya dahil isa syang kriminal. Ang mga kriminal na gaya nya ay mailap sa tao ngunit ano itong ipinapakita nya? Mapagpanggap, ani ko sa aking isipan. Tingnan natin kung hanggang kailan mo maitatago ang tunay mong pagkatao.

Huminga ako nang malalim nang marinig ko na naman syang tumawa. Nakuha nya pang maging masaya matapos nang ginawa ko kanina lang? I couldn't help but question myself, my heart heavy with a seething, relentless anger that coursed through my veins like molten lava.

Hindi ko magawang ituon ang atensyon ko sa teacher nagsasalita. Nanatiling nasa kanya ang atensyon ko. Ang mga kilos nyang araw araw kong pinag aaralan, pinagmamasdan nang mas madali ko syang mapaglaruan.

Kanina pa syang kunwaring nasa kausap ang atensyon ngunit ang paningin ay lumalampas sa kanila.Sinundan ko nang tingin ang tinititigan nya.

Mathew...tss...

Akalain mo nga namang nakuha nya pang lumandi? Palihim akong tumawa, All of the people bakit sya pa ang nakakuha ng atensyon mo?

You're such a flirt...fuck you Aquiah!

Muli ko syang pinagmasdan, paanong ang ganyang muka ay nakapatay ng tao? I smirk, Hindi lang ako...hindi lang si Aquiah ang nagpapanggap sa lugar na ito. Marami...maraming marami.

Huminga ako nang malalim bago ngumiti. Nakangiti akong naglakad papalapit sa kanya and as I expected she smiled back. I wish I had the power to erase that smile; it ignites a fire within me, boiling my blood with rage.

Nagsimula na ang huli naming activity pero dahil wala akong napakinggan kanina ay hindi ko alam ang gagawin. Halos lahat ng kaklase ko ay nagsimula nang tumakbo upang pumunta sa kanya kanyang pwesto. Sadyang napakalaki ng forest park na ito paano nila mahahanap ang flag na syang magpapatunay na kami ang mananalo.

I gritted my teeth, sabagay hindi naman ako nandito para makipaglaro sa kanila. Hustisya ang ipinunta ko...hustisya.

Mabagal akong naglakad, hindi gaya nila ay hindi ako tanga. Nang malaman kong dito gaganapin ang fieldtrip ay agad kong kinabisado ang pasikot sikot ng lugar. Mayroon akong matalas na memorya.

Tinungo ko ang area namin. May daan doon papunta sa kinaroroonan ng asul na watawat na syang sadya ng lahat.

Prente akong naglakad sa masusukal na damo. Nang makalampas sa matatabang puno ay bumungad sakin ang isang napakalaking bato sa tabi noon ay may malaking asul na box kung saan nakalagay ang asul ding watawat.

Paano ko nalaman kung nasaan ang watawat namin? Simple lang...

Dahil hindi ako bobo katulad nila.

Naghanap ako ng pwedeng pagtaguan. Puwesto ako sa isa pang malaking puno malapit sa bato at doon hinintay si Aquiah.

Sabi ko naman sa inyo wala akong panahong sumali sa walang kwentang activity na ito. Pero ang makipaglaro kay Miller ay ang pinakagusto ko.

Dahil mga bobo sila ay ang tagal nilang makarating dito. Sinabi sakin ni Nicks na si Aquiah ang nakatalagang kumuha ng flag habang ang ibang humss 2 ay taga protekta at taga bantay. Balewala iyon sakin dahil pare pareho naman silang walang kwenta.

Ilang sandali lang nang marinig ko ang humahangos na si Aquiah. Mukang sobrang layo ng itinakbo nya. Huminto sya sa bandang gitna ng pathway at doon naghabol ng hininga habang nakatingin sa watawat.

"Here comes the bitch" sinabi ko iyon nang mahina ngunit nanggagalaiti sa galit.

Matapos nyang maghabol ng hininga ay tinakbo nyang muli yung kinalalagyan ng watawat. Inabot nya iyon at pinagkatitigan. Kitang kita sa mata nya ang saya marahil ay iniisip nyang nanalo na sila gayong hindi pa naman sya nakakabalik. What a stupid!

Dahan dahan akong naglakad palapit sa kanya. Bago pa man sya makalingon ay buong pwersa kong pinalipad ang aking paa papunta sa likudan ng kanyang ulo dahilan upang walang malay syang bumagsak.

Kung hindi ka natatakot sa pagbabanta ay dadaanin kita sa dahas.

Iniluhod ko ang isa kong tuhod upang mailapit ang sarili sa kanya. Hinigit ko ang buhok nya gamit ang isa kong kamay at inilapit ang kanyang tainga sa aking bibig.

Nanginginig ang aking kamay habang nakasabunot sa buhok nya at alam kong bunga iyon ng galit.

It wasn't just about revenge; it was about justice. She had taken something precious from me, from us, and she had the audacity to act as if nothing had happened.

Sisiguraduhin kong hindi mo na ulit makukuhang tumawa.

"Habulan ang pinakagusto kong laro sa lahat" may diin kong bulong sa wala pa ding malay na si Aquiah.

"In this game, I'm the threat you can't outrun" galit kong inisa isang binanggit sa kanya ang bawat salita. Galit ko syang tinitigan bago basta nalang kinalas ang kamay ko sa kanya mula sa pagkakasabunot dahilan upang muli na namang tumama ang kanyang ulo sa semento.

Ngumisi ako nang makitang may dugong lumabas mula sa kanyang noo. Nang marinig ang boses ng iba naming kaklase mula sa malayo ay agad kong nilisan ang pwesto kong iyon.

Forbidden Connection Where stories live. Discover now