03

496 145 29
                                    

Aqui's POV

Agad kong iniyuko ang muka ko, hindi dahil sa nahihiya ako sa pwede nyang isipin kundi dahil baka mamukaan nya ako. Bakit ba lapitin ako ng malas?.

" Aqui " Nilingon ko si Caile, kasunod nya si Aliyah at mga kaibigan nito. Nasa likudan sila nung lalaki sa bar na teacher pala dito. Sa tuwing babanggitin ko sya ay iyan ang term na ginagamit ko.Napakahaba! Ano ba kasing pangalan nya? Mateo?. SA sobrang taranta ay hindi ko naintindihan ang isinigaw na pangalan ni KC!.

" What are you doing?" Bumalik ako sa reyalidad nang marinig ang boses na iyon. Hindi ko alam kung ano bang meron sa boses nya pero talagang makatindig balahibo ito. I must say ang gwapo ng boses nya. Pero hindi ito ang tamang oras para magisip ka ng ganyan Aqui! Think! pano mo lulusutan ngayon tong lalaking to!.

" Sir minanyak nya po ako!" Gulat akong napatingin nang isigaw nya iyon habang nakaturo pa sakin! A-anong?

" W-What? Ilang beses ko bang sasabihin sayo na hind-- "

" Hindi ka manyak? " Putol nya sa dapat ay sasbihin ko. Magsasalita sana ulit ako pero biglang nagsalita yung lalaki sa bar na teacher pala dito.

" Go to the faculty room after lunch" Matapos sabihin yon ng lalaki sa bar ay tinalikudan na nya kami. Inis akong tumingin sa lalaki kanina.

" You're dead " Mayabang na pagkakasabi nya. Inilapit nya pa ang muka nya sakin na biglang hinawi ni Caile.

" What the.." Galit syang tumingin kay Caile ngunit agad ding napahinto sa pagsasalita.

" Y-you! " Itinuro nya si Caile, ang tono ng pananalita nya ay mukang kilala nya ito.

" Bakit ba lapitin ako ng manyak " Mayabang na pagkakasabi nya pa. HA! Ang kapal talaga ng muka nya. Ngunit ang ipinagtataka ko ay kay Caile sya nakatingin.

" Do you know each other?" Hindi ko na napigilan ang sarili kong itanong iyon.

" Hindi " Ani ni Caile

" Oo " Ani naman nung lalaki

" Ang gulo nyo ha " biglang sabat ni Keith

" Hoy! Ano bang sinasabi mo? " Mayabang na tanong ni Caile dun sa lalaki.

" Talagang itatanggi mo matapos mong hawakan ang kayamanan ko!" Gulat akong napatingin sa lalaki. Kayamanan?

" A-anong--" Hindi na natuloy ni Caile ang sasabihin nya, biglang nanlaki ang mga mata nya. Natahimik kaming lahat, nag aabang kung sino ang babasag sa katahimikan. Sa inis ay nagsalita na ako.

" Let's go Caile " Aya ko sa kanya dahil kung magtatagal pa kami dito ay baka mabigwasan ko na tong lalaking to.

" Teka " Pigil nya samin. Ano na naman ba? Hindi pa ba sapat na makakaharap ko mamaya yung lalaki sa bar ng dahil sa kanya?.

" Don't tell me magkaibigan kayo? " Turo nya samin ni Caile.

" So? " Inis kong tanong dito. Mas lalo pa akong nainis nang bigla itong tumawa.

" No wonder parehas kayong pervert " Mapangasar nyang sabi samin. Idiniin nya pa talaga yung pervert.

" Pervert? " Tanong ni Aliyah

" Yap! Sya ang humawak ng kayamanan ko" turo nya kay Caile. " At sya naman ang pumasok sa banyo para pagnasaan ako! " Turo nya naman sakin. Ang kapal talaga ng muka nya. Anong tingin nya sa sarili nya si Daniel Padilla?Magsasalita na dapat ako nang biglang sumigaw si Caile.

Forbidden Connection Where stories live. Discover now