08

417 132 6
                                    

Aqui's POV

Ilang araw bago mag sinct-in sakin ang lahat, ilang linggo kong inisip ang bagay na iyon, ilang linggo din ang ginugol ko para maging ayos ulit. Pakiramdam ko ay bumalik ako sa dati nitong mga nakaraang linggo. Naliligo, kumakain at nag aaral ng wala sa sarili. Ang bangungot na gabi gabi kong nararanasan ay mas lalong lumala, may mga pagkakataon pang nilolock ko ang sarili ko sa banyo. Napuno ako ng takot lalo na kapag nasa labas ako ngunit ang lahat ng emosyong maaari kong maramdaman ay nahigitan ng konsensyang unti unting bumabalot sa aking pagkatao.

"Asan na kaya sila?" Bumalik ako sa reyalidad nang marining mula kay Caile ang tanong na iyon. Bigla ay unti unting binalot nang malakas na tugtog ang aking sistema. Sa sobrang lalim ng pag iisip ko ay nakalimutan kong nasa bar nga pala kami.

"Bakit hindi mo tawagan?" Suhestyon ko dito.

"Eh ang lakas nung tugtug baka hindi ako marinig" problemadong saad nya, inilapit pa nya ang sarili nya sakin upang masiguradong naririnig ko sya gayong ang lakas lakas naman ng boses nya tsk!

"Edi lumabas ka! Ang laki ng problema mo!" Singhal ko dito.

"Eh pano ka?"

"Anong pano ako?"

"Iiwan kitang mag isa dito?"

"Alangan namang isama mo pa ako? Tatawag ka lang naman!"

"Sure ka?"

"Oo nga! Mabilis kalang naman diba?"

"Oo"

"Sige na"

"Dyan ka lang ha" Habilin nya pa, As if namang tataguan ko sya.

Nagkaayaan sila na mag bar at dahil nasa bahay lang naman daw ako ay pinilit na ako ni Caile na sumama. Ang ending nauna pa kami dito, nays!

Kinuha ko ang alak na nasa table namin at nagsalin sa baso ko. Nagmasid ako sa paligid habang iniinom ito. Nandito kami sa bar na pinuntahan namin ni Caile bago magpasukan. Ang pinagkaiba lang ay nasa Vip lounge kami ngayon. Nagulat pa ako ng malamang pamilya pala ni Keith ang may ari nito. Hindi ko tuloy maiwasang isipin kung bakit naisipan naming mag bar ni Caile noon gayong kakalipat lang namin. Ang totoo ay masyado akong problemado noon at ang alak ang naging takbuhan ko. Kung saan saang bar kami nagpupunta sa Manila hanggang sa pilitin akong tumira dito sa probinsya. Ang naimagine ko pa noon ay madaming kalabaw at palayan ang dadatnan ko pero nagkamali ako. Ang lugar na pinagtitirahan namin ay hindi nalalayo sa Manila, ang pinagkaiba lang ay mas maliliit ang buildings dito pero meron din silang mga Malls, fastfood, resto at higit sa lahar bar!

"You drink too much for your age" Napa igting ako nang may magsalita mula sa likuran ko. Agad ko iyong nilingon at nagulat ako nang makita si sir Mathew doon! His eyes scanning me with a mix of concern and curiosity.

"S-sir M-Mathew" I uttered, nangunot naman ang noo nya.

He smirked, raising an eyebrow. "I wonder who's that Matthew you always mistake me for."

Napamaang ako!

"Sam"

"There!" Nakangiting tumuro pa sya sakin, animo'y tumama ako. Agad syang umupo sa tabi ko gayong hindi ko naman sya pinapaupo!

"This is our fifth meetup, and yet you still don't recognize me at first glance" malungkot na ani nya! Ngumuso pa sya sakin dahilan upang mapatitig ako sa kanya! Ang cute nya! Imagine mala Daniel Padilla ang kaastigan nya tapos bigla syang mag pa-pout!? WTH?

Forbidden Connection Where stories live. Discover now