12

372 119 10
                                    

Aqui's pov

Agad nagsitakbuhan palabas ang mga kaklase ko kabilang na sina Keith at KC matapos tumunog ang bell hudyat na tanghalian na. Agad naman kaming sumunod ni Caile at Aliyah habang si Adi ay preskong naglalakad sa unahan namin.

Kung ano ano pa ang pinagchismisan nila Aliyah at Caile na naging dahilan upang maging mabagal ang paglalakad namin. Nang makarating sa palagi naming kinakainan ay nakabusangot na nakatingin samin sila Keith at KC habang si Adi ay parang wala namang pakeelam. Tsk! sisihin nyo tong dalawang kasama ko.Agad din kaming lumapit sa kinaroroonan nila at umupo. Bakit hindi pa sila umorder??

"Grabe gutom nakoo" angal ni KC

"Bakit hindi pa kayo umorder?" nakataas na kilay na tanong ni Caile. bakit nga?

"Hindi talaga na order yang mga yan hangga't hindi nakukumpleto" si Aliyah ang sumagot.

"Ang sweet nyo ha" ani ni Caile, umasta pang kinikilig. baliw

"Eh bakit ba ang tagal nyo?" nakasimangot na tanong ni KC

Agad naman akong natawa dahil malamang ay magsisimula na naman silang mag bardagulan.

"Nagdaldalan pa kasi yang dalawa, ang bagal nilang maglakad" ako na ang sumagot dahil kung si Caile ang sasagot ay papaikutin nya pa muna ang usapan hanggang magmukang hindi nya kasalanan tsk!

"Kami pa? Ikaw nga dyan lingon nang lingon. Kung sino sinong hinahanap mo!" pinangkunutan ko sya ng noo, l-lumilingon?? ako??

"S-sinong lumilingon!? ako!?" inis na tanong ko sa kanya! Sa pagkakatanda ko ay sa daan lang ako tumitingin!

"Kakasabi ko lang diba!? Ang hilig mong manigurado ano!?" Inis ding tanong nya sakin! Ang lakas pa ng boses nya gayong katabi ko lang sya!

"Dahil ang hilig mong magbintang!" inis na singhal ko dito. Sabay naming nilingon ang mga kaibigan namin nang sabay sabay silang tumawa maliban kay Adi na ngingisi ngisi lang! Agad ko silang pinagkunutan ng noo!

"Normal sa inyong mag usap ng ganyan no?" tawa tawang ani ni Keith

"Hindi na kayo nagbago" tumatawa ding ani ni Aliyah dahilan upang ismidan sila ni Caile!

"Baka pwedeng mamaya na yan at gutom na talaga ako!" Nakabusangot na ani ni KC! Sino bang may sabing makinig sila tsk!

"Oorder na muna kami" ani ni Keith matapos nyang tumayo na sinabayan naman ni Adi.

"Libre mo?" nakangiting tanong ni Caile.

"Oo para manahimik kana, ang ingay mo!" tawa tawang asar sa kanya ni Keith dahilan upang matawa kami.

Sinundan ko sila ng tingin habang naglalakad sila papalapit sa counter. Palagi nalang nila kaming nililibre, gusto man naming magbayad ay hindi nila tinatanggap. Mga walang magawa sa pera

"Si sir Mathew hinahanap mo no?" biglang tanong ni Caile! Ang tono nya pa ay nang aasar!

"Ano!?" Inis na tanong ko! Nanatili syang nakangiting nakatingin sakin! Mukang kinikilig pa sya! Anong nakain neto?? Pasimple kong nilingon si KC at Aliyah ngunit mas lalong nangunot ang noo ko dahil animo'y kinikilig na nakatingin din sila sakin! What the hell is wrong with these people??

"Hinahanap mo si sir Mathew kaya ka lingon nang lingon kanina" animo'y siguradong saad ni Caile! Ang ngiti sa muka nya ay hindi pa din nawawala!

"Ano!?" inis ulit na tanong ko dahilan upang ang ngiti nya ay unti unting mapalitan ng pagkasimangot!

"Kailan ka pa naging bingi!?" ayun at mukang sya pa ang napikon matapos nyang mag imbento!!

Forbidden Connection Where stories live. Discover now