19

290 74 10
                                    

Caile's POV

Nang makapasok kami sa forest park ay talaga namang manghang mangha ako. Parang mas maganda pa sakin ang lugar na to, panong hindi ko man lang nalaman na may ganitong lugar dito?

Kaso ay bako bako ang daan, mas lalong nagpahirap ang napakalaking maletang hila hila ko. Dumagdag pa iyong malaking bag na nakapatong dito. Pakiramdam ko nga ay kulang pa ang mga dala ko. Balak ko sanang dalhin ang buong closet kaso itong si Aqui kung makareklamo akala mo'y sya ang pag bubuhatin ko tks!

Nang papalapit na kami sa campsite ay agad kaming pinagtinginan ng mga studyanteng nauna na don. Syempre kami ata ang grand entrance!

Ang iba ay kunot noong nakatingin samin, habang ang iba ay puno ng pagtataka marahil ay ipinagtataka nila kung bakit kasabay namin ang faculty members. Habang ang iba naman ay masamang masamang nakatingin, syempre hindi ako mag na-name drop, ano lang strand drop hehe mga stem students kasi iyon.

Satin satin lang to ha? Pero feeling ko talaga nasobrahan sila sa bilib sa sarili tho matatalino naman talaga sila.

Pero may kasabihang "Manner is better than educated" basta something like that, kayo nalang ang umintindi.

"Pak, hindi nila kineri ang grand entrance ng Humss 2" ani ni Tetet habang isinusuot sa kanyang sarili ang beach hat na kanina nya pa dala dala. Pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan nya, naka suot sya ng beach polo shirt na panglalaki at black short.

Napailing nalang ako, aware naman silang hindi kami mag be-beach noh?

"Hays iba talaga kapag gwapo, tinititigan, Chill guys! Lahat kayo ay makakapagpapicture mamaya ok?" ani ni Mark, itinaas nya pa ang kamay nya habang sinasabi iyon! Feeling nya talaga artista sya noh?

Agad nagtawanan ang buong klase maliban sa hindi namin kauri, panay ang iling nila at pagsimangot tks!

"Humss 2 anong pang hinihintay nyo? Sumunod kayo kay Ms. A, sasamahan nya kayo sa area nyo" ani ni sir Niex, agad naming nilingon si Ms. A na pagkaganda ganda ng ngiti samin ngunit hindi man lang iyon umabot sa kanyang mata.

"Let's go" ani nya bago maglakad, agad naman nagsipag sunudan ang mga kaklase ko bitbit pa din ang naglalakihang bag at kung ano ano pang dala dala.

"Aqui bilisan mo---" bumaling ako sa aking likudan upang tawagin sana si Aqui ngunit wala sya!

Asan yon?

Inilibot ko ang mata ko sa paligid ngunit bukod sa mga kaklase at teacher ko ay mga asungot lang ang nakikita ko.

Don't tell me naligaw sya??

Hindi! Hindi! Imposible! May lahing engkanto yon! Imposibleng maligaw sya noh!

"Caile tara na" si Aliyah kasama si KC, Keith at Adi. Sinabi ko bang hintayin nyo ako? Joke!

"Ano na teh? Magpapa iwan ka dito? Baga lapain ka ng mga asungot" biro ni KC patungkol sa mga hindi namin kauri. Pinagtaasan ko lang sya ng kilay bago muling ilibot ang mata ko.

"Sino bang hinahanap mo? Hindi na dadating yon, mag move on kana" kunot noo kong nilingon si Keith! Bwesit na mga to!

"Manahimik ka nga!" singhal ko agad dito, agad naman syang nanahimik ngunit ang nakakaasar nyang ngiti ay nagdulot nang pagkulo ng dugo ko!

"Sino bang hinahanap mo?" tanong ni Aliyah na ang paningin ay naglilibot din.Agad ko syang hinarap bago bumuntong hininga.

"Si Aqui, bigla syang nawala eh" problemado kong saad sa kanila. Bwesit naman kasi si Aqui ngayon pa naisip maglaro ng tagu-taguan maliwanag ang buwan! Pano ang gamit ko? Baka mamaya maihulog nya yon!

Forbidden Connection Where stories live. Discover now