Pinagmasdan niya ang kanyang mga paligid. Ito na ang simula ng panibagong kabanata ng kanyang buhay. Nawa't maging simula ito ng pagbabago ng kanyang buhay pagkatapos ng lahat ng mga nangyari sakanya sa Pilipinas.
Naglakad na siya dala-dala ang kanyang maleta pa punta sa labas ng erodromo upang hanapin ang kanyang mga kaibigan na naghihintay sakanya.
Habang naglalakad, bigla niya na alala ang taong kanyang na sagi bago siya umalis sa Pilipinas at ang piloto ng eroplanong kanyang sinakyan.
'Parang parehas yung mga names nila, iisang taong lang kaya sila?' Napatanong siya sa kanyang isipan. Dahil aaminin niya sa kanyang sarili na hindi siya gaanong kagaling sa pagkilala sa mga taong hindi pa niya gaanong kakilala.
"Huy!!!" Lakas na sigaw ng dalawang babae sakanya.
"Ay bakit?" Pa sigaw niyang tanong.
"Ano na naman ang iniisip mo? Kanina pa kami nagsasalita pero hindi mo naman kami pinapansin." Sabi ng isa sa mga babae.
"Ay sorry, may iniisip lang ako." Sagot niya sa kanilang tanong.
"Lalaki ba yang iniisip mo?" Pa birong tanong ng isa sa mga babae na nagpakulay rosas sa kanyang mga pisngi.
"Uy, lalaki nga!" Napahiyaw ang isa sa mga babae.
"Tama na yan. Baka mas lalo pa siyang mag blush!" Pabiro ding sabi ng isa sa mga babae at tumawa pag katapos magsalita.
"Anyways, tayo na baka kanina pa naghihintay si kuya sa atin." Sinabi niya ng matigil narin ang pag aasar sakanya ng mga kaibigan niya.
Tumawa na lamang ang kanyang mga kaibigan at tinulungan siya sa kanyang mga gamit ng mailagay na ito sa kanilang sasakyan pa punta sa bahay ng isa sa kanyang mga kaibigan.
▪︎▪︎▪︎
"Okay lang ba talaga na dito muna ako sa inyo? Pumayag ba sina tito at tita?" Tanong niya sa isa sa mga kaibigan niya.
"O Catalina, nandito na pala kayo nina Jane at Sara!" Sinabi ng isang babaeng na asa limampung ang kanyang edad.
"Hello po Tita Isabel! Thank you po sa pag payag na dito muna ako tumira!" Sabi niya upang magpasalamat sa ina ng kanyang kaibigan sa pagpapatira dito sa kanyang tirahan.
"Hindi ka na iba samin Jane. O siya mag meryenda muna kayo. Mahaba pa naman ang binyahe mo pa punta dito." Sinabi ng may edad na babae bago siya umalis at pumunta sa kusina ng kanilang bahay.
▪︎▪︎▪︎
"Mamaya pala may pupuntahan tayong kasal." Sabi ni Catalina at ininom ang kape sa kanyang tasa.
"Wag mo lang subukan na tumanggi, Jane. Kailangan mo ding lumabas para naman malibang ka." Sabi ni Sara sa kanyang kaibigan na umaasa na sana ay pumayag ito.
"Well, I guess I need some fun naman. So, sige sama ako." Sumasang-ayong sabi niya.
"That's it!" Sabay na sabi nina Catalina at Sara at pagkatapos ay tumawa.
"Anyways, tara and let's get ready!" Sabi niya sa dalawa at sila ay tumakbo sa kwarto ni Catalina upang maka pag ayos na sila ng kanilang mga bestida at mga kailangan nilang mga pampaganda.
BINABASA MO ANG
The Love in Barcelona
RomanceSi Jane ay napaka ganda at mabait na dalaga. Nagtra-trabaho upang suportahan ang kanyang pag-aaral at upang may maikain sila ng kanyang ina. Ngunit bigla nalang na wala sakanya ang lahat ng mamatay ang kanyang ina at sinunod pa ng pagkawalan niya ng...