"Ang tagal na rin na hindi tayo nagkikita." Masayang sabi ng babae kay Luna, habang naglalagay ng mga inumin sa may lamesa kung saan naka upo si Luna at pati na rin ang babae ay umupo na sa isa pang bakanting upuan.
"Dito ka ba tumitira? Bat hindi kina Lian?" Takang tanong ni Luna sa babae, habang tinitignan ang bawat sulok ng bahay ng babae.
"Medyo complicated kasi situation namin ngayon and I feel more comfortable being alone. So for the meantime, I live here alone." Sagot ng babae sa tanong ni Luna sakanya at napa tango na lamang si Luna sa sinabi ng babae sakanya.
Wala ng na sabi pa si Luna sa babae dahil naiintindihan ni Luna ang paki ramdam na hindi talaga maiiwasan ang mga pagkakataon na kailangan din nating magkaroon ng oras para sa ating sarili upang maka pag isip na magisa.
"How about you live with me? I feel lonely din kasi sa apartment ko, kaya being with you would help to put me at ease. At the same time, I heard from Lian na buntis ka, so you can't just live alone like this." Sinabi ni Luna sa babae.
Ang babae naman ay hindi alam ang kanyang isasagot sa sinabi ni Luna sakanya. Napa inom naman si Luna sa kanyang baso habang hinihintay niya ang babae na sumagot sa kanyang mga sinabi.
"I don't actually know if I can. I currently don't have a job, so magiging pabigat lang ako sayo." Sagot ng babae sa sinabi ni Luna sakanya at napa baba naman ang basong iniinom ni Luna sa may lamesa.
"Please, don't think like that." Sinabi ni Luna sa babae, habang kinukuha ang kanyang mga kamay nang maka harap na niya ang babae.
"Nung mga time na nawala na parents ko, nan dun kayo ni tita to comfort me. Hinayaan niyo akong tumira sa inyo for many years and pinag aral pa ako ni tita. Sobrang dami ko ng utang na loob sayo and kay tita, and this is the least I can do for you para maka bawi ako sa lahat ng tulong niyo sakin." Pagkukumbinsi ni Luna sa babae na pumayag sa kanyang gustong pagtulongsiya.
"Please, just say yes." Pagpapatuloy na pagkumkumbinsi ni Luna sa babae.
Ilang segundo din ang itinagal bago pa man maka pagsalita ang babae sa kung ano ba ang kanyang sagot sa gustong mangyari ni Luna.
"Sige na nga, matitiis ba kita." Naka ngiting sabi ng babae kay Luna.
Napa tayo naman si Luna mula sa kanyang upuan nang ma bitawan na niya ang mga kamay ng babae at tumatalon talon pa nga dahil sa saya. Na tawa naman ang babae sa ginawa ni Luna sa kanyang harapan.
"Hindi ka pa rin nagbabago throughout the years. Gayan pa rin reaction mo pag masaya ka." Tawang sabi ng babae kay Luna.
Na alala lamang ng babae ang mga alaala niya kasama si Luna nang mga bata pa sila. Kahit sandali lamang ang pag tawa ng babae, ay na ramdaman niya muling maging masaya pagkatapos ng mga nangyari sakanya.
Kahit ilang segundo lamang ay kahit papaano ay nakalimutan niya ang kanyang mga pag aalala sa mga bagay-bagay.
Hindi rin nagtagal ay kinailangan ng umalis ng babae sa kanyang pan samantalang bahay.
Kahit papaano ay naging masaya siya na tumira dito dahil ito ang naging pala tandaan na dapat maglaan siya ng oras para sa kanyang sarili upang maka pagpahinga at maka pag isip.
"Ang ganda naman ng apartment mo. Are you sure ikaw lang talaga mag isa tumitira dito?" Hindi maka paniwalang sabi ng babae kay Luna ng maka pasok na sila sa bahay ni Luna.
Pagkapasok sa may pinto ka agad matatagpuan ang hagdan sa may kaliwa. Sa kanan naman ng pinto ay ang kusina. Sa harap ng kusina ay isang malaking lamesa na mayroong walong upuan.
Mayroong mga istante kung saan naka lagay ang telebisyon at mga halaman na kung saan ito ang naghihiwalay sa lamesa at mga sopa ng bahay sa may kaliwang sulok.
"Gusto ko kasi malaki yung bahay para at least feel ko na may kasama ako." Sagot ni Luna sa sinabi ng babae.
Medyo biglang na lungkot ang babae para kay Luna nang malaman niya na ganoon pala ang naranasan ni Luna pagkatapos ng ilang buwan.
"Don't worry. Nan dito na ako sa tabi mo ngayon." Naka ngiting sabi ng babae kay Luna, habang kinukuha ang mga kamay ni Luna at pagkatapos naman ay ni yakap ng babae si Luna upang pagaanin ang kanyang loob.
"Okay na, tapos na ang drama. Let's cook muna." Naka ngiting sabi ni Luna sa babae nang humiwalay na siya sa yakap ng babae at tumungo na ang dalawang Maria sa may kusina upang magluto.
"Are you sure na kaya mong magluto?" Medyo alalang tanong ni Luna sa babae, habang sinusuot ang kanyang tapis.
Sa pagkaka alam kasi ni Luna ay sa pagsisimula pa lamang ng pagbubutis mg isang babae ay medyo sensitibo ang kanilang pang amoy.
Kaya naman nag aalala si Luna na baka masuka o sumama lamang ang paki ramdam ng babae kung magluluto pa siya.
"I actually don't know if iba lang ako, pero hindi naman sensitive ilong ko pag nagluluto ako." Pagpapaalam ng babae kay Luna upang hindi na ito masyadong mag alala tungkol sa kanyang kalagayan.
Napa ngiting naman si Luna sa babae dahil na wala na ang pag aalala niya sa babae. Lumapit na ang babae sa may kusina at nag suot na rin ng kanyang tapis.
"Luna?" Tawag ng babae kay Luna.
Tumigil naman si Luna sa kanyang pagkain upang tignanang babae at humini lamang ito bilang sagot.
"Thank you." Naka ngiting sabi ng babae kay Luna, dahil sa pagpapatira nito sa kanyang bahay.
"Ano ka ba? Its nothing." Naka ngiting ring sabi ni Luna sa babae, dahil alam niyang kulang pa ang kanyang mga ginagawa upang ma bawasan ang kanyang utang na loob sa babae.
"Don't worry about the dishes. I'll do them. I'll just take this call." Naka ngiting pa ring sabi ni Luna nang biglaang tumunog ang kanyang gadget at tumayo na mula sa kanyang upuan upang sagutin ito sa may labas.
BINABASA MO ANG
The Love in Barcelona
RomanceSi Jane ay napaka ganda at mabait na dalaga. Nagtra-trabaho upang suportahan ang kanyang pag-aaral at upang may maikain sila ng kanyang ina. Ngunit bigla nalang na wala sakanya ang lahat ng mamatay ang kanyang ina at sinunod pa ng pagkawalan niya ng...