CHAPTER 2

40 3 0
                                    

"Ayie!!!" Kilig na sabi ng halos lahat ng mga bisita dahil itong dalawa na ata ang susunod na ikakasal. Habang ang iba naman ay inis na inis dahil sa kanilang pagseselos.

"We meet again Miss Jane." Sinabi ng lalaking sumalo sakanya ng buong tuwa sa muli nilang pagkikita.

"Really?" Tanong niya sa lalaki na may bakas sa kanyang mukha ang hindi pagkapaniwala sa mga sinambit sakanya.

"I am Lian. Do you not remember me?" Tanong niya sakanya habang iniisip kung ano kaya ang dahilan kung bakit hindi siya nito ma alala kahit na ito na ang pangatlo nilang pagkikita.

'Lian na naman. Ilang Lian ba ang meron dito sa mundo?' Tanong niya sa kanyang isipan na naguguluhan sa lahat ng mga nangyayari sakanya lalo na sa lalaking nagpapakilala na kilala niya ngunit hindi niya maalala kung sino nga ba siya.

"Well, I guess, I should be thankful din sayo for saving me out of the embarrassment I was about to have." Pagpapasalamat niyang sabi at inilapad ang kanayng kamay sa harapan ng lalaki.

Itinanggap naman ng lalaki ang kanyang kamay at nakipagkamayan.
May sasabihin sana ang lalaki ngunit na tigilan siya ng may marinig silang magsalita sa harapan.

"Anyways, baka madami na ang naghihintay kumain. Tayo na at kumain na!" Sinabi ng host ng kasal sa harapan ng lahat ng mga visita.

Hindi nagtagal ay ang mga visita sa kasalan ay kumuha na ng kanilang mga pinggan at kanilang mga kubyertos na gagamitin nila sa pagkuha ng kanilang pagkain, at pagkatapos ay bumalik na sa kanilang mga lamesa at upuan.

Hindi na muling naka pag-usap ang dalawa ng kunin ang babae ng kanyang mga kaibigan at ganoon na rin sa lalaki.

"Don't tell me na siya yung guy na you were thinking back then. Siya nga ba?" Pabirong sabi ni Catalina.

"Feel ko may crush sayo yun. Isipin mo pa naman, nagkita kayo ulit." Sinabi naman ni Sara at tumawa habang sila ay kumukuha ng kanilang mga pagkain. 

Sa lahat ng mga sinabi ng kanyang mga kaibigan ay hindi man lamang siya lumingon upang sagutin ang kanilang mga sinasabi at patuloy lamang ang pagkuha niya ng mga pagkain sa kanyang plato.

Habang ang mga babae ay nag-uusap, ang mga lalaki rin ay nag-uusap rin. "Yung babae kanina, siya ba yung sinabi mo noon that saved you?" Tanong ng lalaki sa kanyang kapatid.

"Siya nga, Liam. I am very thankful to her for saving me, pero what I don't understand is hindi niya ako makilala." Paliwanag niya sa kanyang kapatid at naglakad na upang sila ay kumuha na ng kanilang mga pagkain.
                 

▪︎▪︎▪︎

"O, bakit hindi mo man na galaw yung pagkain mo?" Pag aalalang sabi ni Catalina sa kanyang kaibigan.

"Inisip niya siguro yung gwapong lalaki kanina." Kilig na sabi ni Sara sa kanyang mga kaibigan. At pagkatapos ng mahabang pagkatahimik niya ay nagsalita na rin siya.

"You know me, guys. I am not good at recognizing people's faces tapos ngayon may magsasabi sakin na kilala ko siya, which I also think, but at the same time hindi." Inis niyang paliwanag sa kanyang mga kaibigan.

"Kaya nga hindi ko alam bakit pa siya nagpakita dito, edi sana I would not be stuck like this." Patuloy niyang sabi na may pagkasiphayong bakas sa kanyang boses.

"Ayaw mo yun, may love life kana!" Patawang sabi ni Sara sakanya.

"Parang sa mukha palang ay maloloka ka na." Muling inis na sabi niya.

"Kasi gwapo siya?" Pabirong tanong ni Catalina sakanya.

"Its not what I meant. I mean yung mukha niya ay nakakainis na." Hindi na inis ngunit galit na ang bumakas sa kanyang boses. Tumawa na lamang ang kanyang mga kaibigan dahil ayaw nilang sumabog pa ang bulkan.

Sa sobrang inis ay na patingin siya sa likod upang hindi niya maka harap ang kanyang mga kaibigan. Ngunit lalo lang pala madadagdagan ang langis sa apoy, dahil dito niya na silayan ang lalaking inis na inis siya.

Nakita niya siyang uminom sa kanyang basong may champagne habang tinataas ang kanyang ulo na nagpapakita ng kanyang mahabang leeg upang ubusin ng lalaki ang laman ng kanyang baso. Hindi man na malayan ng lalaki ang tumititig sakanya na napalunok pa dahil sa kanyang ginawa.

Nang ma pansin ng lalaki ang tumititig sakanya ay kinindatan niya ito na nagpata likod sakanya upang hindi niya makita ang nagkukulay rosas niyang mga pisngi.

Sa sobrang pag-iisip niya ay hindi na niya na malayan ang mga nangyayari sa kanyang paligid. May biglang humila sakanya at ini harap siya sa taong nagpapa kulay rosas ng kanyang mga pisngi.

"Sa lahat ng tao, ikaw ang gusto ng bride na maka sayaw ko." Sinabi ng lalaki at ngumisi.

Kahit na parang may inis ang kanyang mga salitang binitawan ay hindi naman siya iniwanan nito. Inilagay ng lalaki ang kamay niya sa kanyang baywang. Inilagay rin niya ang kamay ng babae sa kanyang balikat at ipinag isa ang kanilang mga kamay.

Nagsimula na silang sumayaw sabay ang mga ibang visita at ang musikang lumalabas sa biolin. Sinabayan na lamang ng babae ang lalaki sa kanyang mga galaw sa pag sayaw at hindi man siya nagreklamo sa kanilang mga ginagawa.

Habang ang lalaki naman ay hindi maka paniwala sa kanyang mga ginagawa at bakit kaya ayaw niya bitawan ang babaeng asa harap niya. Na tila siya ang na wawalang pahina sa libro ng kanyang buhay.

Sila ay sumayaw na para bang sila lamang ang asa mundo. Inikot ng lalaki ang babae at gumawa ng paikot din na aksyon ang kanyang bestidang suot-suot.

Sa pag ikot ng kanyang bestida ay muntik na ulit siya matapilok, buti na lamang ay andyan ang lalaki umaalalay sa kanyang baywang.

Sila ay gumagalaw ng pa ikot hanggang sa naikutan na nila ang lahat ng ispasiyo sa gitna ng silid, ganoon din ang lahat ng mga bisitang sumasayaw rin.

Nang matapos na ang kanilang pagsayaw bilang na tigil ang lalaki na tila siya ay isang bato. Mayroon siya tinititigan na isang bagay na hindi mawari ng babae kung ano ba ang bagay na ito.

Bago pa man tanungin ng babae ang lalaki ay bigla na itong umalis pa pumunta sa bagay na kanyang tinititigan. Hindi na rin na sundan ng babae ang lalaki sa kadahilanan na may mga taong sumalabat sakanya kung saan ang dinaanan ng lalaki.

Ano kaya ang bagay na nagpa alis sa lalaki?

The Love in BarcelonaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon