"Mama! Mama, bakit mo ako iniwan?" Sinabi ng babaeng umiiyak habang nakatitig sa yumao na para bang hinihintay niya na siya ay sumagot kahit na patay na ito.
'Ma, ikaw nalang natitira sa buhay ko kahit na iniwan na tayo ni papa, pero mas lalo kong hindi kakayanin ngayon na wala ka na' Sinabi ng babae sa kanyang isipan habang umiiyak ng maraan.
▪︎▪︎▪︎
"Kakayanin mo bang tumira doon, Jane?" Tinanong ng babae sa kanyang kaibigan.
"Sa Barcelona ko lang mahahanap si papa, Luna. Kailangan ko siyang hanapin, siya nalang ang naiisa kong pagasa." Sinabi niya sa kanyang kaibigan upang hindi na siya mag-alala sa kanyang pag alis.
"O siya, kailangan ko ng umalis. Baka hindi na ako makapasok sa eroplano." Sinabi niya at niyakap ang kanyang kaibigan bago sila maghiwalay.
"Mag-iingat ka, ha? Tawagin mo lang ako kung kailangan mo ng tulong." Paalala niya sa kanyang kaibigan bago niya tuluyan na paalisin.
Lumakad na siya papunta sa eroplano habang pinipigilan ang kanyang mga luha. Dahil pa nga dito sa mga luha na ito ay may nakasalubong pa siya na lalaki. Buti na lamang ay nasalo siya ng lalaki.
"Miss, are you okay?" Tinanong ng lalaki na may pag-aalala na nakabakas sa kanyang mukha.
"Mukha bang okay ako?" Inis na sabi ng babae.
"Miss, tinatanong lang kita. Bat ka nagagalit sakin?" Medyo inis na sabi ng lalaki sa babae dahil hindi niya mawari kung bakit ito biglang nagagalit kahit na tinulungan pa niya ito.
"Ay sorry kuya, na dala lang ako sa emosyon. Pero, thank you sa pagtulong sakin!" Paumahin na sabi ng babae sa lalaki at umaasa na sana ay tanggapin nito ang kanyang paghingi ng pagpapatawad.
"Okay lang miss, I understand what you are feeling. I am Lian by the way." Nagpakilala ang lalaki at inilapad ang kanyang kamay sa harap ng babae.
"Ako naman si Jane. Nice to meet you!" Nagpakilala din siya sa lalaki at nakipagkamay sa kanya.
'Ano ba Jane!? Iyak ka kasi ng iyak, ayan may na sagi ka pang tao' Galit na sabi niya sa kanyang sarili.
Pagkatapos ng nangyari ay lumakad na ang babae pa punta sa kanyang eroplanong sasakyan. Ibinigay niya na din ang kanyang tiket at dumaan na sa tulay na nakadugtong sa eroplano. Hinanap na niya ang kanyang upuan sa eroplano at upo na upang hintayin na sila ay maka alis na.
Nang asa itataas na sila, naisipan niyang matulog muna sapagkat matagal pa ang biyahe pa punta doon. Ngunit biglaan na lamang siyang na gising ng may narinig siyang pahayag na galing sa mga opisyal ng eroplano na humihingi ng tulong.
Hindi siya nagdalawang isip na ipakilala ang kanyang sarili kahit na kaunti lamang ang kanyang mga kaalaman tungkol sa medisina sapagkat hindi siya nakapagtapos sa kadahilanan na sila lamang ay mahirap.
"Good Morning po! Maari po ba akong tumulong?" Tinanong niya sa mga opisyales habang sumisilip sa taong kailangan niyang tulungan.
"Good Morning din Miss! Salamat at ikaw ay dumating! May babae kasing buntis, sa pakiramdam ko ay manganganak na siya." Tarantang sabi ng isa sa mga opisyales.
Mabilis na lumakad siya pa punta sa babaeng manganganak. Na pansin niya na pumutok na ang patubigan nito at nakita na ang ulo na malapit ng lumabas.
"Miss, magiging okay ka lang. Hinga ka ng malalim and then push." Nagbigay siya ng mga panuto sa babaeng manganganak na.
Ginawa ng babaeng manganganak ang mga sinabi niya, habang hinahawak ng babae ang bata upang tulungan ang babaeng nanganganak ng mas maging mabilis ang kanyang panganganak.
Nang mahawakan na niya ang bata sa kanyang mga kamay, lumukso ang kanyang puso sa tuwa dahil buhay ang bata.
"Miss, ito na ang anak mo. Napaka ganda niyang babae." Sinabi niya ito sa ina nito habang naka ngiting ibinibigay ang bata.
"Salamat sa pagtulong sa aken miss. Ikaw ay hulog ng langit!" Sinabi ng ina sa babae habang tumutulo ang kanyang mga luha.
"Wala yun miss. I would always help someone in need." Sagot niya sa ina.
Habang sila ay nag-uusap, may bigla silang narinig na kalabog sa likod. Mayroon na palang nahimatay. Agad-agad naman tumakbo siya upang tumulong muli.
"Sir, sir!? Okay lang po ba kayo?" Tinatanong niya habang inilagay niya ang dalawang daliri nito sa kanyang leeg upang malaman ang pulso nito.
"Okay lang yung pulse niya. Siguro na shock lang siya sa nakita niya kanina." Sinabi niya sa mga opisyales tungkol sa kalagayan ng lalaking nahimatay.
Pagkatapos niya maghugas ng kamay ay bumalik na siya sa kanyang upuan. Habang siya ay lumalakad pa punta sa kanyang upuan ay pumapalakpak ang mga pasahero sakanya. Bigla silang natahimik ng may narinig sila nagbigay ng pahayag.
"Good Morning to all! I am Lian Asher Zamora, your pilot. We want to give our greatest gratitude to the woman who help save the pregnant woman and successfully delevering her child. And also for making sure I was also okay when I fainted. Once again, thank you! And to celebrate this day, I offer you all free meals for this flight. Thank you!" Muli silang pumalakpak nang marinig ang piloto ng eroplano na nagsalita sa mga ispiker.
BINABASA MO ANG
The Love in Barcelona
RomantizmSi Jane ay napaka ganda at mabait na dalaga. Nagtra-trabaho upang suportahan ang kanyang pag-aaral at upang may maikain sila ng kanyang ina. Ngunit bigla nalang na wala sakanya ang lahat ng mamatay ang kanyang ina at sinunod pa ng pagkawalan niya ng...