"Why didn’t you tell us na you were married already!?" Kilig na kilig na tanong ni Sara sa babae.
"Ang dami kaya nangyari, so hindi ko na nasingit." Pagpapaliwanag ng babae sa kanyang mga kaibigan.
"Hindi mo ba pupuntahan yung husband mo?" Kilig pa ring tanong ni Sara sa babae.
"Kawawa naman, naghihintay sa labas." Sinabi ni Catalina mula sa kusina habang tinuturo ang lalaki at kanyang kapatid sa may sala ng kanilang bahay.
"Let's make something for them muna." Masayang sabi ng babae habang kumukuha ng mga tinapay at inilalagay sa isang plato.
"Wow! So caring naman na asawa!" Kilig pa rin hanggang ngayon na sabi ni Sara sa babae.
Tinulungan siya ng kanyang mga kaibigan upang mag ayos ng kanilang pang meryenda na tinapay at malamig na inumin. Nang matapos ito ay ka agad naman nila itong inilabas at inilapag sa maliit na lamesa sa harapan ng sopa sa may sala.
Sa may isang sopa magkasama ang magkapatid, habang ang isang sopa naman ay ang tatlong Maria. Ang babae ay sa may kaliwa, habang ang lalaki naman ay sa may kanan. Tila para isa silang goma na kahit ipaghiwalay mo ay babalik at babalik ito sa kanilang orihinal na pwesto.
"So when did you started falling for her?" Naka ngiting tanong ni Catalina sa lalaki at napa ngiti naman ang lalaki.
"It was actually love at first sight." Naka ngiting sagot ng lalaki sa tanong ng kaibigan ng babae at napa hiyaw naman ang mga kaibigan ng babae dahil sa sinabi ng lalaki.
"I never actually fallen for a woman before other than my mother." Pagpapaliwanag ng lalaki sa kanila.
"Love at first sight tapos first love pa. Ikaw na girl!" Kilig na sabi ni Sara sa babae.
"Mamaya na tayo mag usap, I still have to pack my stuff." Sinabj ng babae dahil hindi na niya kinakaya ang hiya. Hindi na naka sagot ang kanyang mga kaibigan dahil kinuha ng babae ang kanilang mga braso at umakyat sila sa may silid ng babae.
"Pack your stuff for what?" Takang tanong ni Catalina sa babae.
"I'll be living with him." Kalmadong sagot ng babae sa tanong ng kanyang kaibigan.
"I almost forgot, so you will leave us na?" Medyo malungkot na tanong ni Catalina sa babae.
"I will still visit pa rin naman. Please don't cry." Sagot ng babae at niyakap ang kanyang mga kaibigan.
Nang natapos na ang kanilang pagdadamdam ay tinulungan na siya ng kanyang mga kaibigan upang ayusin ang kanyang mga gamit na kailangan niya.
Nang ma ayos na nila ang lahat, sila ay bumaba na rin dala-dala ang mga gamit ng babae pa baba ng hagdanan. Niyakap muli nila ang babae habang umiiyak.
"Don't forget us, okay?" Pa iyak na sabi ni Sara sa babae.
"Hindi naman ako mag iibang bansa, sa ibang bahay lanag ako titira. Don't worry." Sagot ng babae, habang bahagyang lumalabas ang kanyang mga luha mula sa kanyang mga mata.
Humiwalay na rin sila sa yakap dahil oras na upang umalis na ang babae. Hinatid ng dalawang Maria ang babae patungo sa labas kung saan na sila sasakay sa kanilang sasakyan upang umalis na.
"Are you alright?" Pag aalalang tanong ng lalaki sa babae nang maka pasok na sila sa may sasakyan.
"I am fine." Paniniguro ng babae sa lalaki upang hindi na ito mag alala sakanya.
"And also, I really feel fine now, so I think I would be able to work as soon as tomorrow." Sabi ng babae na nagpa saya sa lalaki.
"That's good to hear. I would just bring you home muna, since I have work pa with Liam." Sagot ng lalaki sa sinabi ng babae at tumango lamang ang babae.
"About your room, it is the the door next to my father's room in the left." Pagpapaliwanag ng lalaki sa babae at tumango lamang ang babae.
Sa buong biyahe ay tumungin lamang ang babae sa may bintana habang pinagmamasdan ang mga kanyang nakikita sa may bintana ng sasakyan.
Hindi rin nagtagal ay na hatid na rin ang babae sa kanyang bagong bahay, habang ang magkapatid naman ay umalis na rin upang gawin na rin nila ang kanilang trabaho.
Dinala na ng babae ang kanyang mga gamit patungo sa pinto na ibinilin sakanya ng lalaki.
Pumasok na siya sa silid niya. Tila ay parang kinuha ang lahat ng hangin sa kanyang katawan dahil sa ganda ng kanyang kwartoAng mga pader ng silid ay mala kahoy ang kulay. Osang malaking bintana na mayroong mga kurtina sa bawat gilid. Sa ibaba ng bintana ay mayroong sopa na mayroong puting kumot, pati na rin mga hugis parisukat na mga unan na asul na mala luntian ang kulay.
Mayroong mga istante ang naka palupot sa bintana sa itaas at sa mga gilid nito na puno ng mga halaman, libro, at iba pang disenyo. Sa harapan naman ng may sopa sa bintana ay mayroong asul na mala luntian ring karpet.
Sa gilid ng mga istante na ito ay mayroong mga pader. Ang pader sa may kaliwa ay isa pang maliit na silid kung na saan naroroon ang banyo ng kwarto.
Ang natitirang ispasiyo sa kaliwa ay naririto ang kama na may puting mga kumot at unan. Mayroong ring mga maliit na mga lamesa sa magkabilaan ng kama at mga lampara sa may mga lamesa.
Sa harapan naman ng kama bago ang pinto mayroong pader na kurba ang itaas na naghihiwalay sa lamesa at upuan na ginagamit pang opisina.
Ang pader naman sa may kanan sa harapan ng bintana ay matatagpuan naman ang mga kabinet kung saan maaring ilagay ang mga damit.
Siya ay isang empleado lamang, ngunit parang pang prinsesa ang kwarto. Kaya naman hindi siya maka paniwala sa lahat ng mga nilalaman ng kanyang bagong kwarto sa kanyang bagong tahanan.
"Did you like your new room?" Nakangising tanong ni Lian sa babae habang nakasandal sa may pintuan. Ang lalaki ay napaka maiyag na tignan dahil sa kanyang polong suot na ngayon ay lahat ng bitones ay naka bukas.
"Its really nice. I really like it." Masayang sabi ng babae sa lalaki, habang ang lalaki naman ay dahan dahang naglakad patungo sa kanyang kinaroroonan. Kinuha ng lalaki ang bewang ng babae gamit ang kanyang kamay upang ipaglapit ang kanilang mga katawan.
"I know something you would like more than this room." Naka ngisi muling sabi ng lalaki at hinawakan ng lalaki ang leeg ng babae upang maipaglapit ang kanilang mga mukha.
BINABASA MO ANG
The Love in Barcelona
RomanceSi Jane ay napaka ganda at mabait na dalaga. Nagtra-trabaho upang suportahan ang kanyang pag-aaral at upang may maikain sila ng kanyang ina. Ngunit bigla nalang na wala sakanya ang lahat ng mamatay ang kanyang ina at sinunod pa ng pagkawalan niya ng...