'This is all my fault!' Galit na sabi ng babae sa kanyang isipan.
'If I have just stayed by his side. Kung sana na isip ko lang na baka saktan siya ulit. Hindi sana mangyayari to. Masyado ko kasi inisip ang nakaraan at hindi ang pwede mga mangyari." Puno ng pagsisi na sabi ng babae sa kanyang isipan.
Mula nang malaman ng babae na naaksidente pala ang lalaki, wala siyang ginawa kundi ang sisihin ang kanyang sarili sa masamang sinapit ng lalaki. Iyak siya ng iyak, hindi niya alam kung ano ba ang dapat niyang gawin.
Wala siya magawa kundi ang panoodin na nag aagaw buhay ang lalaki sa kanyang harapan. Hindi na niya alam kung ano pa ba ang dapat iisipin hanggang sa sumasakit na ang kanyang ulo.
Napa sarado na lamang siya ng kanyang mga mata nang maka upo na sila sa mga upuan kung saan maaring maghintay ang mga kapamilya ng taong mayroong operasyon.
"Drink this first." Sabi ni Liam sa babae nang maka upo na siya sa tabi ng babae habang mayroong ibinigay na bote ng tubig si Liam sa babae.
Kinuha naman ng babae ang bote ng tubig mula kay Liam, habang pinupunasan ng babae ang kanyang mga luha sa kanyang mukha.
"Ihatid muna kita sa bahay. You have to rest na for the sake of your baby." Sinabi ni Liam sa babae.
"But..." Hindi na tuloy ang mga dapat na sanang susunod na sasabihin ng babae dahil biglaan siya nag alinlangan.
"Sige na, Jane." Pangungumbinsi ni Liam sa babae.
Sa huli ay walang na gawa ang babae kundi ang umuwi na muna. Marami ring mga nangyari ngayon, kaya naman kailangan na magpahinga rin ang bawat isa. Lalo na ngayon na siya ay nagdadalang tao.
"Are you sure kaya mo mag isa? Pwede ka naman sa house natin." Alalang sabi ni Liam sa babae, dahil mas pinili ng babae na hindi na lamang uwi sa kanilang bahay.
"Don't worry, I would be find alone. Besides, hindi ko kakayanin na maka harap mom mo, especially mukhang medyo ma init dugo niya sakin." Sagot ng babae sa sinabi ni Liam.
"Hayaan mo na si mom, ganun lang talaga yun. Baka siya pa nga mag alaga ng baby pag lumabas na siya." Sinabi ni Liam upang hindi na masyadong mag alala ang babae tungkol sa kanilang ina.
'Kung alam mo lang Liam.' Biglang napa sabi ng babae sa kanyang isipan.
"I'll pick you up tomorrow para sabay na tayo pumunta sa hospital after ko sa office." Naka ngiting sabi ni Liam sa babae.
"Thank you talaga... sa lahat!" Pagpapasalamat ng babae kay Liam sa lahat ng mga tulong na ginawa niya para sakanya, mula nang siya ay tumira sa kanilang bahay hanggang ngayon.
"Ikaw pa ba. You're like a sister to me." Naka ngiting sabi ni Liam sa sinabi ng babae.
"I'll get going." Masayang sabi ng babae kay Liam at lumabas na rin ng sasakyan.
Mukhang masaya ngunit sa totoo lamang ay wasak na wasak na talaga siya. Mga luha ang tuloy-tuloy na lumalabas sa kanyang mga mata. Pagkapasok sa kanyang silid ay napa upo siya sa may sahig.
Inilapit niya ang kanyang mga tuhod sa kanyang dibdib at niyakap ang kanyang mga tuhod habang ipinatong ang kanyang ulo, mahinanag umiiyak.
Kung ano anong mga katanungan ang pumapasok sa kanyang isipan.
Bakit niya kailangang maghirap ng ganito?
Ganito na lamang ba talaga ka malas ang kanyang buhay?
Araw-araw na nagluluksa. Walang araw na walang siyang iniisip na nag papa alala sakanya.
"Baby sorry... if iyak ng iyak si mommy. I am sorry for making you suffer this kind of pain." Malungkot na sabi ng babae, habang hinihimas ang kanyang tyan at tinititigan ito.
Ipinangako niya sa kanyang sarili na hindi na muli siya iiyak, ngunit pagkakita pa lamang ng babae sa lalaki na mayroong tubo na naka pasok sa kanyang bunganga upang siya ay maka hinga at mga bendahe na naka palupot sa kanyang ulo, hindi niya na pigilan ang kanyang sarili na umiyak muli.
Hindi pa maaring maka lapit ang babae, ni nino man sa lalaki, dahil hanggang sa may salamin lamang ng silid maaring masilayan ang lalaki dahil medyo kritikal pa ang kundisyon ng lalaki.
"He is out of danger, but we still need to do some other tests to make sure there are no other damages in his body. For the meantime, we just have to wait for his fast recovery." Pagpapaalam ng doktor sa babae at kay Liam ang tungkol sa kundisyon ng lalaki.
"When will he wake up, doc?" Medyo iyak na tanong ng babae sa doktor, habang naka titig pa rin sa lalaki.
"That's what I can't guarantee. He maybe out of danger, but his body still has a lot to recover. Let's just hope that he recovers fast." Sinabi ng doktor sa kanila upang hindi na sila masyadong mag alala sa lalaki.
Ngumiti ang doktor sa kanila bago ito umalis. Lumapit naman si Liam sa babae upang himasin ang likuran nito upang mas pagaanin ang kanyang paki ramdam.
"Sinabi naman ng doktor na he will be fine, kaya wag kana umiiyak." Sinabi ni Liam sa babae upang hindi na ito masyadong mag alala pa sa kundisyon ng lalaki.
"Sine we are here na rin, why don't you have a check up for you and your baby? Lalo na wala asawa mo to take care of you, ako muna mag aalaga sa inyo. Besides, gusto ko rin makita pagiging pamangkin ko." Naka ngiting sabi ni Liam sa babae upang ibaling naman ng babae ang kanyang atensyon sa ibang bagay at napa ngiti naman ang babae sa sinabi ni Liam sakanya.
"You are doing so much na para samin. I don't know how I would repay you for all the things you done for us." Medyo na iiyak na naman na sabi ng babae kay Liam, dahil hindi na niya alam kung paano hihigitan ang utang na loob niya kay Liam.
"Like I said, I treat you as a sister already. Kaya hindi na iba para sakin na tulungan ang kapatid ko." Naka ngiting sabi ni Liam sa babae.
Napa yakap na lamang ang babae sa kay Liam, dahil kahit na nagluluksa siya ngayon ay mayroon pa ring nagpapagaan ng kanyang loob at tumutulong sa sakanya.
BINABASA MO ANG
The Love in Barcelona
RomanceSi Jane ay napaka ganda at mabait na dalaga. Nagtra-trabaho upang suportahan ang kanyang pag-aaral at upang may maikain sila ng kanyang ina. Ngunit bigla nalang na wala sakanya ang lahat ng mamatay ang kanyang ina at sinunod pa ng pagkawalan niya ng...