Chelsea hindi kapa ba kakain? Halos lahat kami dito nakakain na ikaw na lang ang hindi kumakain sambit ng isa sa mga co-nurses ko dito.
Bakit mo alam na hindi pa ko kumakain? Takang tanong ko eh syempre hindi naman kita napansing pumasok sa canteen hinihintay mo na si selene? Tanong niyang pabalik.
Ah hindi eh kasama siya nila ma'am Yumi at ma'am Yhu-ki kumain sila sa labas inaaya nga ako pero tumanggi ako nakakahiya naman wika ko.
Sana all iniinvite, pero kumain kana muna baka mapano kana dyan pag di kapa kumain ang payat mo pa naman siguro hindi ka talaga kumakain no? Kaya ganyan katawan mo?.
Grabe ka sakin ha, kumakain naman ako hindi lang talaga ko tabain hindi rin naman ako malakas kumain kaya di din talaga ko tatabain tsaka tatapusin ko muna tong ginagawa ko bago ako kumain.
Ako ng tatapos dyan sige na kumain kana muna para lumakas ka ulit sige na pag pupumilit niya sige sabi mo eh.
Pumunta na agad ako sa canteen para kumain bitbit ko ang tumbler ko at tinapay na pinalamanan ng mayonaise, kumain naman ako kaninang umaga ng kanin kaya't ok naman na sa akin kung itong tinapay na lamang ang aking kakainin.
Kung babaunin ko pa kasi yung kanin na natira sa bahay kaninang umaga eh wala naman kakainin ang lola, ayaw ko din namang bumili dito sa canteen dahil mahal ang bilihin dito ang pera na nasa akin ay tama lamang para sa aming dalawa ni Lola.
yan lang pagkain mo? Tanong ni ma'am Yhu-mi na bigla na lamang sumulpot sa harapan ko dahilan upang magulat ako at nabulunan mabilis niya akong pinainom ng tubig.
Eat slowly wala ka namang kaagaw wika niya saka hinimas himas ang likod ko ng mahimasmasan ako napa tingin ako sa aming paligid nakita kong lahat ng attention nila ay sa amin agad akong dumistansya sa amo ko dahil alam kong issue na naman to.
Ano pong ginagawa niyo dito? tanong ko na lamang because I am the only daughter of the owner of this hospital tama nga naman siya I mean po ah kakain po ba kayo? Kaya po nandito po kayo? Tanong ko muli Seriously you asking me again likes that?! Napakunot ang noo ko kung di lang to anak ng may ari nitong hospital na batukan ko na to na pipikon na ko eh.
Inabot niya sa akin ang isang paper bag binibigay niyo po sakin? Alanganin kong tanong tsk alangan namang sa anino mo diba? You talk to much just take this pikon din niyang sagot.
Kinuha ko na lamang ang paper bag tiningnan ko ang laman nuon una kong nakita ang isang berdeng mansanas at isang orange napangiti ako. Thank you po mabait naman pala siya sige sasabihin ko nalang kay selene wika niya saka ako tinalikuran at nag lakad palayo.
Akala ko naman bigay niya si selene pala nag papabigay inilabas ko na lamang ang laman ng paper bag upang makita ko pa kung ano yung naka lagay sa styrong lagayan may kanin at adobong manok sa isang lagayan naman ay may ginataang alimango at hipon masyado itong marami, dibale uulamin na lamang namin ni Lola itong iba.
Selene..... Sinong hinahanap mo? Tanong ko pagka labas ko ng Cr, ikaw... nasa canteen ka daw kasi sabi ni ate Yhu-mi, kakatapos mo lang ba kumain?.
Oo kakatapos ko lang, thank you nga pala dun sa kanin at ulam na pinadala mo may prutas pang kasama yung prutas ibibigay ko kay Lola tsaka yung ulam ipapatikim ko sa kanya di ko kasi na ubos takang tumingin siya sakin.
Wala naman akong pinadalang ulam at kanin sayo actually tatanungin pa ngalang kita kung anong prutas ang gusto mo may nadaanan kasi kaming palengke dyan lang sa malapit mura lang napaisip tuloy ako bigla ibig sabihin galing talaga kay ma'am Yhu-mi yon.
Eh kasi pumunta yung pinsan mo kanina sa canteen my dalang pagkain hindi naman niya sinabing sayo galing pero nung nag thank you ako sabi niya sige sasabihin ko na lang kay selene.
Ah baka akala niya sakin galing yon kasi inabot ko yun sa kanya nung nandito na kami sa hospital naki suyo ako sa kanya kung pwedeng siya na mag abot sayo actually binili ni tita Yuki yon sayo sabi niya pansin daw niyang nahihiya ka kaya pinag take out ka na lang ni tita tumawag kasi si mommy kaya kay ate Yhu-mi ako naki suyo sagot niya.
Ganon ba nakakahiya naman hindi tuloy ako nakapag pasalamat kay ma'am, ako na lang mag sasabi kay mommy wika ni ma'am Yhu-mi na bigla na namang sumulpot napayakap tuloy ako kay selene dahil sa pagka gulat ko sa kanya.
Don't drink to much coffee malamig niyang wika s-sorry po , para ka kasing kabute ate Yhu-mi bigla bigla ka na lamang na sulpot.
Hindi na siya sumagot at tinalikuran kami ang sungit talaga non palibhasa nag iisang anak, hayaan mo na wika ko
BINABASA MO ANG
UNLOVE ME PLEASE - BOOK II
Random"In all the world, there is no heart for me like yours. In all the world, there is no love for you like mine "