Days past...
Chelsea... p-pwede bang tumira kana sa amin? Mon ask.
Nababaliw na po ba kayo?..... Eh hindi ko nga po kayo kayang tanggapin bilang nanay ko tapos gugustuhin niyo po pa po akong tumira sa bahay niyo...... Hindi ko na po papangarapin pang bumalik duon dahil naaalala ko lang po yung pamamahiyang ginawa niyo sa akin nuon galit kong wika.
Anak.... Sorry.... Patawarin mo na ako please? Nag mamakaawa ako sayo na sana kahit hindi moko tanggapin at ituring na tunay mong ina sana naman iparamdam mo sakin na may karapatan ako sayo......
Humihikbing wika ni Mon habang naka hawak sa kamay ni chelsea.
Bitawan niyo po ako...... Sorry po alam kong nasasaktan ko kayo pero wala ng mas sasakit pa sa ipinaramdam niyo sa akin nuon.... Gantihan lang po tayo ngayon - chelsea.
Ano pa bang gusto mong gawin ko? Para tanggapin mo ko para patawarin moko anak..... Gustong gusto ko bumawi sa lahat ng kasalanan ko sayo pero lagi mo akong tinataboy lagi mong kinakaila na hindi moko ina.... - Mon.
Ang gusto ko po..... Umalis na kayo dito kasi kahit anong iyak niyo po hinding hindi ko po kayo tatanggapin nandyan naman po si selene eh..... Siya naman po yung inalagaan at pinalaki niyo ako po.... Iniluwal niyo lang po ako pero hindi po kayo ang nag alaga at nag palaki sakin kaya di hamak na mas malapit ang loob niyo kay selene kaysa sa akin....... - chelsea.
Walang nagawa si Mon kundi umalis.... Walang araw na hindi niya pinupuntahan si chelsea upang humingi ng tawad at bumawi.
Bakit ganon Sam...... Bakit hindi niya ako kayang patawarin bakit ang hirap hirap mapalapit sa puso niya? Bakit ganon na lang ang galit niya sakin..... Hindi ko naman ginusto na mamatay ang lola niya eh......
Shhh..... Give her time Hindi pa siguro ito yung time para mapalapit siya sayo..... Sa dinami dami na din ng pinag daanang hirap ni chelsea alam ko one day magiging okay din kayo..... Just give her time nararamdaman kong mahal ka ng bunso natin pag aalo ni Sam kay Mon.
Pero hanggang kelan ko ba hihintayin na tanggapin niya ko? Parang kahit mamatay yata ako wala siyang pakialam sa akin - Mon.
Don't say that Mon.... Mahal ka ni bunso mahal niya tayo pag dating ng araw maiintindihan at matatanggapin niya din tayo kaya tiwala lang - Sam.
Palihim namang nakikinig si zayden kay Sam at Mon naaawa na siya sa kanyang ina.
Chelsea.... Ang harsh mo sa mommy mo sambit ni Kennedy at napa upo.
Ano namang harsh dun? Eh totoo naman yung sinasabi ko ayaw ko sa kanya - chelsea.
Ayaw mo ba talaga o pinipilit mo lang na ayawan siya alam ko sa loob-loob mo mahal mo si ma'am Mon alam kong yun ang sinasabi ng puso mo, pero ang isip mo pilit pinipigilan yang nararamdaman mo dahil ang palagi mong iniisip ay ang ngyari sayo at sa lola mo tama ba ko? - Kennedy.
Oo.... Pero sinusubukan ko namang huwag magalit sa kanya eh pero pag talaga naiisip ko yung ngyari sa lola ko eh hindi ko magawang pigilan ang sarili kong huwag magalit sa kanya - chelsea
Sa tingin mo ba matutuwa ang lola mo dahil dyan sa inaasal mo? Siguro kung nabubuhay lang yun ngayon nakurot kana non sa singit.... Ang hangad kasi ni lola para saiyo ay ang mapabuti ka - Kennedy.
Eh anong gusto mong gawin ko? Kada makikita ko siya naiinis ako sa kanya - chelsea.
Alam mo ganito gawin mo once na makikita mo siya o pag lumalapit siya sayo mag inhale ka then exhale sa una mahihirapan ka pang tanggapin na si ma'am Mon ang mommy mo pero alam kong dadating ang araw na mamahalin mo din siya kaya kung ako sayo bigyan mo siya ng time para makausap ka at maka bonding wag puro galit ang itatak mo dyan sa puso mo..... Mabait naman si ma'am Mon,nasaksihan mo naman yun noon diba?.... Syempre nasaktan ka niya kasi hindi naman niya alam na ikaw ang anak niya pero kung ikaw ang nasa posisyon ni selene alam kong ikaw ang ipag tatanggol niya kaya please lang wag mong hayaang galit ang manaig dyan sa puso mo..... Sana ibalik mo yung dating ikaw yung dating chelsea na mabait, mapag bigay at mapag pakumbaba yung chelsea na marunong agad mag patawad naka ngiti at mahabang litanya ni Kennedy.
Thank you! Naka ngiti niyang sambit at yumakap malaki na ba pinag bago ko?.... Masyado na ba kong nag mamatigas?... Tumango tango si Kennedy.
Malaki na pinag bago mo chelsea.... Hindi na ikaw yung dating chelsea na kaibigan ko well.... Hindi naman kita masisi dahil baka kaya ka nag bago dahil sa mga naranasan mo pero hindi ibig sabihin nun eh kailangan mong iwasan yung mga taong tunay na nag mamahal sayo paalala sa kanya ng kanyang mabuting kaibigan.
BINABASA MO ANG
UNLOVE ME PLEASE - BOOK II
De Todo"In all the world, there is no heart for me like yours. In all the world, there is no love for you like mine "