»»---->44<----««

230 29 8
                                    

Yhu-Mi? Can you open this door? Sigaw ni Yuki habang kumakatok at may dalang isang trey na nag lalaman ng pagkain


Come in bukas yan mom sigaw din ni yhu-Mi agad namang bumukas ang pinto, pinatong ni Yuki ang pagkain ng anak sa lamesa, sobrang dilim ng kwarto kaya't binuhay ng ina ang ilaw.



Yhu-Mi..... Bakit ang kalat ng kwarto mo? Tanong ng kanyang ina ngunit hindi ito sumagot dahan dahan siyang lumapit kay yhu-Mi ngunit bago pa man siya makalapit ay napansin niya ang mga picture na naka kalat sa sahig pinulot niya ang mga naka sabog na picture at tiningnan.



Ng tingnan niya ang picture ay picture iyon ni chelsea at yhu-Mi napatingin siya sa anak na naka higa at naka talukob ng kumot dinig niya ang mahihinang hikbi nito.



Love...... Ilang araw ka ng nandito sa kwarto mo bakit ayaw mong lumabas? Mag kakasakit ka niyan - Yuki


Ayaw ko pong lumabas mas gusto ko pong nandito lang ako sa kwarto wala din naman pong mangyayari kung lalabas ako at pupuntahan si chelsea..... Alam kong masasaktan ko lamang siya kapag nakipag kita pa ko sa kanya...... Bakit kasi naging mag pinsan pa kami, kung kailang mahal na mahal ko na siya saka ko pa nalaman na mag kamag anak kami..... Kung may magagawa lang ako para hindi ko siya maging pinsan gagawin ko eh kaso wala..... Hindi ko siya kayang makita na sa iba na siya masaya para akong sinasaksak sa dibdib.....



Tila na iyak si Yuki dahil sa sinabi ng anak.... Napansin agad niya si thee na nakasilip sa may pintuan agad siyang lumapit at nag paalam muna sa anak.




Thee.... Hindi ko na kayang nakikitang nasasaktan si yhu-Mi.... - Yuki




Anong gusto mo? Sabihin na natin sa kanya ang totoong hindi natin siya tunay na anak? Yuki pag nalaman niya yon panigurado akong iiwan niya tayo sigurado akong hahanapin niya ang mga totoong magulang niya.... - thee



Karapatan naman niya yon eh karapatan niyang malaman ang totoo...... Kaya kahit masakit sa akin kung kinakailangan na niyang malaman ay sabihin na natin hindi ko kayang nakikitang ganon ang anak natin hindi mo ba napansin na ang laki ng ipinayat niya simula ng makipag hiwalay siya kay chelsea - Yuki.




Tila walang magawa si thee kundi payagan ang kanyang asawa sa gusto nitong mangyari na aminin na kay yhu-Mi ang totoo... Ngunit hindi mawala sa kanya ang takot na baka pag nalaman ng kanilang anak ang totoo ay iwanan na sila nito at hanapin ang totoong mga magulang nito.





Kakatok na sana si thee sa pintuan ng kwarto ni yhu-Mi ng pigilan siya ni Yuki.




What? Takang tanong ni thee.




Wait lang...... H-hindi ko pa kayang mawala sa atin si yhu-Mi - Yuki.



Akala ko ba kailangan na nating sabihin sa kanya.... - thee.



S-sa ibang araw na lang natin sabihin sa kanya hindi ko pa talaga kayang mawalay sa anak natin - Yuki.




Pero nandito na tayo sabihin na natin - thee




Please.... Wag muna..... Hindi ko pa pala kaya please.... Ayaw ko pang mawalay siya sa atin... Pakiusap ni Yuki sa kanyang asawa napa buntong ito bago sumagot.




Fine kung yan ang gusto mo - thee.





C-chelsea.... Ito oh binilhan kita ng mga bagong damit s-sana magustuhan mo... Panunuring wika ni Mon habang nag wawalis si chelsea.



Napatingin naman si chelsea sa paper bag na inaabot ni Mon hmm.... Thank you po sagot niya at tipid na ngumiti gulat naman si Mon ng tanggapin iyon ni chelsea.



Pasok po kayo paanyaya ni chelsea at kumuha ng tubig pasensya na po tubig lang ang maiaalok ko hindi pa malamig - chelsea.




Ah okay lang.... Mabalis nitong sagot at ngumiti napaiwas ng tingin si chelsea.



Thank you....... - Mon



Thank you po saan? Takang tanong niya habang naka ngiti si Mon sa kanya.



Kasi tinanggap mo yung binili ko para sayo tsaka pinapasok mo na ako dito sa bahay mo - Mon.




Na realize ko lang po kasi na baka po totoong nag sisisi na po kayo pero it doesn't mean na hindi na po ako galit sa inyo.... Aaminin ko po na masama pa loob ko sa inyo pero.... Hindi naman po ako ganon ka selfish para ipagkait ang sarili ko sa inyo tsaka tama po si Kennedy na kahit pag baliktarin ko pa ang mundo kayo padin po ang nanay ko wala na po akong magagawa kasi dugo niyo po ang nananalaytay sa akin...... Pero sa totoo lang nahihirapan po akong mahalin kayo dahil siguro sa mga ngyari pero pilit ko naman na po yung kinakalimutan, bigyan niyo lang po ako ng time para matutunan ko po kayong tanggapin at mahalin mahabang linya ni chelsea.




T-thank you chelsea..... Sobrang napasaya mo ako ngayon... Pwede ba kitang mayakap? - Mon.





S-sige po mabilis niyang sagot agad naman siyang niyakap ng mahigpit ni Mon.





M-meron sana akong hihilingin sayo? - Mon.




Ano po yun? - chelsea.





P-pwede bang kahit minsan duon ka sa bahay matulog.... H-hindi kita pinipilit ha! Pag gusto mo lang gustong gusto ko kasi bumawi sayo gusto kong ipag luto ka at alagaan ka - Mon.




Ahm... Pag iisipan ko po muna hindi po kasi ako sanay na makitulog sa ibang bahay - chelsea.





Sige ayos lang hindi naman kita pinipilit if gusto mo lang - Mon.




Sa susunod po na pupunta kayo dito sabihan niyo po ako para po maipag luto ko kayo - chelsea.





Sige pero bukas asahan mo nandito na naman ako ha baka ngiting sambit niya tumango si chelsea bilang sagot.

UNLOVE ME PLEASE - BOOK IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon