»»---->12<----««

205 24 4
                                    

Apo may bisita ka pala wika ng kanyang lola pagka labas ng kwarto bless po sambit ni selene nagulat naman si chelsea ng mag mano din Yhu-mi ngunit sa loob loob niya ay masiya siya dahil magalang pala ito sa mga matatanda.


Ikaw pala yan selene, napa dalaw ka tsaka sino yang magandang dilag na kasama mo? Tanong ng lola lola si ma'am Yhu-mi po siya po yung anak ng may ari ng hospital kung saan ako nag apply ng OJT



Ganon ba apo nako! Nakakahiya naman wala tayong maiaalok na pagkain dibale sandali bibili lang muna ako sa labas sambit ng lola.



Lola wag na po! Pigil ni Yhu-mi nakakahiya naman sa inyo apo napailing naman si selene hindi na po lola pumarito lang po talaga kami para malaman kung bakit hindi po pumasok ang apo niyo saad niya pa.



Ay siya apo dine muna ako kina tutoy mukhang hindi pa kayo nakakapag usap ng amo mo wika niya hindi na siya nag pahatid pa dahil malapit lang naman tsaka para daw makapag usap na kami.



Actually po baka hindi na po talaga ako makapag OJT ma'am Yhu-mi napansin kong kumunot ang noo niya bakit naman? Gulat na tanong ni selene.



Eh kasi masyado ng hassle na pumapasok ako tapos nag tatrabaho hindi ko na natututukan ang Lola katulad ngayon may sakit na naman ang Lola mas priority ko ngayon ang trabaho kaysa mag aral kailangan naming kumain ni lola, bibili pa ko ng gamot niya paliwanag ni chelsea.



Saan kana mag tatrabaho niyan chelsea dun padin ba sa dati? Tanong ni selene seryoso lamang na nakikinig si Yhu-mi.



Hindi na dun, masyado kasing mababa ang pa sweldo dun mag hahanap na lamang ako ng ibang trabaho bukas pag naging ok na si lola saad ni chelsea.


Sayang naman pero kung yan na yung desisyon mo i respect sambit ni Yhu-mi mag sasalita pa sana siya ng maka recieve siya ng text mula sa kanyang P.A napansin nila ang pag kunot ng noo ni Yhu-mi na tila ba hindi maganda ang nabasa niya sa kanyang cellphone.


What happened ate Yhu-mi? Takang tanong niya nothing excuse me may kailangan lang akong kausapin wika niya saka lumabas.



Akala ko pa naman makakasama kita sa hospital hindi na pala nakaka sad naman malungkot na wika ni selene.



Ano kaba pwede mo naman akong puntahan dito sa bahay pag dayoff ako basta mag sasabi ka lang para naman mapag hahandan kita ng pagkain saad ko.


Babe....... Tawag ni tutoy kay chelsea habang bitbit ang isang platong pancit bihon pwede ba tutoy ate itawag mo sakin.... Wika ni chelsea na ikinanguso ng bata salamat tutoy sa masarap na pancit saad ni chelsea.


Sinimangutan lamang siya nito ay suplado wika ni selene ng malalabas ang bata makalipas ang isang oras ay hindi pa bumabalik si Yhu-mi.



Nasaan na kaya si ate Yhu-mi kanina pa yun lumabas ah hanggang ngayon hindi padin bumabalik singhal ni selene.



Eh baka naman umuwi na, iniwanan kana siguro ng pinsan mo napa igtad siya ng tumikhim si Yhu-mi.



Ano ba yan ang tagal mo ha malamig na tong pancit eh ang sarap pa naman tikman mo dali hindi na niya hinintay pang mag salita ni selene si Yhu-mi at agad na niya iyong sinubuan.



Diba ang sarap sabi ko sayo eh wika pa niya teka lang naman hindi ko pa na lulunok eh saad ni Yhu-mi napahalakhak naman si chelsea.




You think that's funny? Masungit niyang sabi kay chelsea sungit mo naman ate, teka bakit nga pala ang tagal mo? Selene ask.




Nawalan kasi kami ng model eh tinanggal ng P.A ko yung isa naming model siya pala yung nag lalabas ng mga impormasyon na dapat ay company lang ang nakakaalam kaya pala lagi kaming naaangatan ng ibang company, hay dag dag isipin ko na naman to kung saan kami hahanap ng mga model wika niya sabay pamaywang at napa tingala sabay buntong hininga.





Ahhhhhhhhhh........ Tili ni selene dahilan upang magulat si chelsea kaya't ito'y napayakap kay Yhu-mi napatitig tuloy si selene sa kanila dahilan upang mabalik sa ulirat si chelsea.






Agad siyang dumistansya kasabay nuon ang pamumula ng kanyang pisngi what happened to you selene why are you screaming ginulat mo naman kami inis niyang wika.




I'm sorry ate pero kasi may naisip ako hindi ba nag hahanap si chelsea ng trabaho then ikaw nag hahanap ka ng model bakit hindi na lang si chelsea ang kunin mo tutal ate maganda naman si chelsea matangkad long hair matangos ang ilong pero payat nga lang wika ni selene.





Langyang babae to ng lait pa bulong ni chelsea sa kanyang sarili ha?..... Ako?? Hindi naman ako marunong mag model eh tsaka baka mapahiya lang kayo sakin saad niya.




Don't worry chelsea tuturuan kanaman dun eh, ano ate Yhu-mi what do you think? Mag agree kana..... Pag pupumilit ni selene.






Let me think first selene alam mo naman ang company hindi basta basta kumukuha ang kailangan ng company yung mapag kakatiwalaan sambit ni Yhu-mi pansin ni selene na parang nasaktan si chelsea dahil sa sinabi ng ate niya dahilan upang mapanatili Yuko ito.






Ano kaba ate mapag kakatiwalaan tong si chelsea pag papagaan ni selene ng loob ni chelsea agad namang na gets ni Yhu-mi ang ibig sabihin ni selene napa irap tuloy si selene sa hangin.







Fine...... Tanggap na siya bukal sa loob niyang sagot, ngumiti naman agad si chelsea dahil sa sagot ni Yhu-mi.

UNLOVE ME PLEASE - BOOK IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon