🍎 Chapter One 🍎
"GOOD AFTERNOON, SIR! WHAT'S YOUR ORDER?" Magiliw na pagbati ni Lyra. At kahit ramdam na niya ang pagod sa maghapon na pagtatrabaho ay nagawa pa rin niyang bigyan ng matamis na ngiti ang bagong dating na costumer sa coffee shop na pinagtatrabahuan niya bilang Barista.
"One slice of Black Forest cake with one hot black coffee. No sugar, please!" nakangiti ring tugon ng lalaki. Medyo may kahabaan ang buhok nitong naka-brush up. Maliit at makinis ang mukha nito. May kanipisan rin ang mga labi nito pero namumula iyon. Halos lumabas din ang kaputian nito dahil sa suot itong white t-shirt na pinatungan na sky blue na varsity jacket. Para itong human-labanos sa kaputian. Kaya para itong kuminang sa kanyang paningin.
Walang ideya si Lyra kung sino ba ang lalaking nasa kanyang harapan ngayon pero pakiramdam niya ay parang huminto ang oras niya nang magtama ang kanilang mga mata. Doon na rin niya naramdaman ang malakas na pagkabog ng kanyang dibdib na para bang may milyong-milyong pana ni Kupido ang biglang tumama ng diretso sa kanyang natutulog na puso.
Hindi ito ang unang pagkakataon na humanga siya sa isang lalaki. Pero ito ang first time na matulala siya ng ganito.
Wait, ito na ba ang Adan na binigay ng kalangitan para magbigay liwanag sa madilim niyang paraiso?
"Hello, miss?"
Para namang natauhan si Lyra nang pumitik ang naturang lalaki sa kanyang harapan.
"Are you okay?" tanong nito at tumaas pa ang dalawang kilay nito.
"Y-Yes! Yes! Sir! I-I'm s-sorry!" natatarantang sabi niya, at hindi na niya alam kung papaano niya haharapin ito.
Ewan nga ba niya, pero narinig pa niya ang bahagyang pagtawa nito. At nakita pa niya ang pag-usli ng isang sulok ng labi nito.
Nag-smirk.
Parang alam ng lalaking ito na nastarstruck siya sa kaguwapuhan nito.
"O-One slice of Black Forest cake with one hot black coffee! No sugar!" kinakabahan niyang sabi, at umiwas na siya ng tingin rito.
"Okay," ngumiti ito.
Kinagat ni Lyra ang ibaba ng labi niya. Sapul na naman ng pana ni Kupido ang puso niya. Nagawa na niyang talikuran ito para asikasuhin ang mga order nito. Pinilit niyang pakalmahin ang sarili kahit ramdam na ramdam pa rin niya ang malakas na pagkabog ng kanyang puso.
"Jeskelerd, na-love at first sight ba ako sa kanya?"
Nagawa na rin niyang kapain ang kanyang dibdib. Mabuti na lang at hindi siya ang nakakota sa pagseserve, kungdi baka hindi na niya makontrol ang kanyang sarili. At makagawa pa siya ng kapalpakan. Mas nakakahiya iyon.
Nagpakawala ng marahas na hininga si Lyra habang lihim niyang tinatanaw ang lalaki na kasalukuyan nang naka-upo sa isa mga table ng shop nila.
"Obvious na obvious ka kanina, Girl!" natatawang sita sa kanya ng katrabaho niyang si Moca. Nagawa pa siya nitong sikuhin para asarin, "Halatang-halata ang pagkakatulala mo sa kanya! Kulang na lang maglaway ka sa harapan niya!"
"Grabe ka naman!" nahihiyang tinalikuran ni Lyra ang kaibigan. At minsan pa niyang hinawakan ang magkabila niyang pisngi dahil naramdaman niya ang pag-iinit niyon.
"Asus! Tignan mo nga ang sarili mo! Parang kamatis na 'yang mukha mo sa pula!" natatawang sita pa rin nito.
"Ay, ewan ko sa'yo! Maiwan na kita, at mag-a-out na ako!" pag-iwas na lang niya sa kaibigan. At nagtungo na rin siya sa kanilang locker room.
Hinubad niya ang kanyang apron, pati na ang suot niyang hairnet. Bahagya niyang sinuklay ang alon-alon niyang buhok sa pamamagitan ng mga daliri niya sa kamay. Saglit niyang pinunasan ng tuwalya ang mukha niya, at nagpahid siya ng konting pulbos.
Sa muling pagkakataon, muling sumagi sa isipan ni Lyra ang guwapong mukha ng lalaki kanina. Hindi niya maiwasan ang mainggit dahil hindi naman ganoon kaputi ang kutis niya.
Morena siya.
Bakas sa kanyang kutis ang pagiging mahirap. Isa lang naman ang pinapapasalamat niya dahil kahit hindi siya naglalagay ng kahit anong pampaganda sa mukha niya ay madalang lang siya kung magkatigyawat.
"Out ka na, girl?"
Napabaling tingin ni Lyra nang marinig ang pagtatanong ng isa pa niyang katrabaho na si Davey.
"Ay, hindi! Papasok palang ako!" biro niya.
"Ikaw talaga!" nagawa pa siyang hampasin nito sa kanyang braso.
"Ikaw anong oras ang out mo?" tanong ni Lyra sa kaibigan.
"Two hours pa!" napasimangot ito.
"Oh sige," pagpapaalam na niya, "Mauna na ako sa'yo ah?"
"Sige, ingat ka Girl!" nakangiting bilin ni Davey sa kanya.
Madilim na ang buong paligid nang lumabas na sa coffee shop na pinagtatrabahuan si Lyra. Saglit siyang napahinto sa parking lot nang mapansin niya ang costumer niyang lalaki na sumakay sa isang itim na sasakyan. At kahit street light na lang ang natatanging ilaw sa naturang parking lot, kitang kita pa rin ni Lyra kung anong klaseng sasakyan iyon.
"Ay, sosyal si Boss! Yayamanin!" nakangiting komento niya sa kanyang sarili, "Grabe! Sa panaginip na lang siguro ako magkakaroon ng ganyang kagandang sasakyan!"
May himig na pagkadismaya ang boses niya. Ang isang mahirap na taong katulad niya, imposibleng pang-umangat sa buhay ganoong kaliwa't kanan ang binabayaran niyang utang dahil sa kagagawan ng magaling niyang Ama noong nabubuhay pa ito.
Tapos may pito pa siyang nakakabatang kapatid na kailangan pa niyang buhayin, araw-araw.
Kung tutuusin, kulang na kulang ang kinikita niya bilang barista. Ang hindi alam ng lahat, isa lamang iyong palabas para hindi matuklasan ng kalaban kung sino talga siya.
Siya si Lyra Infantes, sampung taon gulang siya noong binenta siya ng kanyang ama sa isang secret organization para pambayad ng mga utang ito. Ang organization na iyon ang nagtrain sa kanya bilang maging isang secret Agent.
Ngayong twenty-five years old na siya, nananatili pa ring walang kaalam-alam ang pito niyang kapatid na isa sa pinagkukuhanan nila ng mga panggastos sa pang-araw araw ay galing sa dugo at buhay ng mga taong pinapatay niya.
Itutuloy...
🍎🍎🍎🍎🍎🍎🍎
BINABASA MO ANG
CODENAME: Snow White (Complete)
ActionSimula nang maulila, si Lyra na tumayong ama't ina sa pito niyang kapatid. Sa murang edad niya, isang secret organization ang nagtrain sa kanya bilang maging isang secret agent. Ang tingin ng lahat sa kanya ay isa lamang siyang ordinaryong babaeng...