🍎 Chapter Thirty-Five 🍎
NANDIDILIM ANG MUKHA NI AGUSTIN habang palakad siya sa dakong nakahelera ng mga female staffs niya. At walang sabi-sabing hinampas niya ang katana niya sa dalawang nakaduty para sa pag-aalaga sa kambal.
Parang lantang-gulay na humandusay ang mga ito sa lupa.
Kitang-kita na rin niya ang takot ng ilang babaeng tauhan niya dahil sa kanyang ginawa. Pahiwatig iyon na wala siyang pipiliin kung babae man o lalaki. Bago pa pumasok ang mga ito sa kanyang pamamahala, alam na ng mga ito ang patakaran niya.
Patuloy na nagmamakaawa sa kanya ang ilang tauhan niya.
Palakad na sana siya sa kinaroroonan ng pinagkakakatiwalaan ng kanyang asawa nang may biglang isang babae ang biglang tumayo.
"Patawad Bossing! Sir? Master? O, anuman ang tawag sa'yo. Pero hindi naman kailangang lahat dapat patayin mo dahil lang sa pagkakamali ng ibang tauhan mo?" sabat ng isa sa babaeng nakapila banda sa likuran.
Napakunot ang noo ni Agust nang marinig niya ang sinabi nito. Pinilit rin niyang kilalanin ang babaeng nagsalita. Mukha pa itong bata, parang kasing- edad lang ito ni Cobi o ni Yuki.
"Sino ka naman?" humakbang si Agustin papalapit sa kinaroroonan nito.
"Mayo Miranda! Codename: Black Swan!" Matapang na pagpapakilala nito at hinila-hila pa ito ng isang babae pang sa tabi nito.
Tinutok niya ang dulo ng katana niya banda sa leeg nito pero hindi ito natinag. Nagawa pa nitong makipaglaban ng tingin sa kanya.
"Tingin ko hindi matutuwa ang asawa mong si Lady Lyra kung lahat kami ay papatayin mo," matapang nitong sagot.
"Ano bang alam mo?" tanong niya rito.
"Wala, kaya nga nagtataka ako bakit pati kaming mga trainees nandito!" matapang na sagot nito.
"Trainees," napakunot ang noo ni Agustin.
"Sino nagbigay sa'yo ng Codename mo?" tanong niya rito.
"Siya po!" Tugon nito sabay ang turo nito sa kinaroonan ng mga binata niyang mga bayaw.
Naningkit ang mga mata niyang binalingan ng tingin ang nanahimik na mga kapatid ni Lyra. Parang kinukutuban siya kung sino ang tinutukoy nito.
"Pero si Lady Lyra ang nagpasok po sa akin rito," matapang nitong sagot.
"Talaga?" mapait na ngumiti si Agustin at saka niya nakita sa sulok ng kanyang mga mata ang pasimpleng pag-alis ng isa sa tauhan niya sa pila. Mabilis niyang pinalipad ang katana niya at diretso ito sa likod naturang babae.
Humandusay ito sa lupa.
Nabaling ang tingin ng lahat rito.
"Babalikan kita mamaya!" pagbabanta ni Agustin sa dalagitang trainees. At pinagtuunan niya ng pansin ang tauhan niya sa palihim na tumatakas. Tignan niya kung sino ito, at tama nga ang hinila niya.
Si Lupe, isa sa mga assistant ni Lyra.
Isa ito sa kasambahay niya na humalili kay Natasha kapag wala ito. Pangalawa ito sa pinagkakatiwalaan ng asawa niya.
Nang makilala niya ito ay dali-dali niyang nilapitan ang kinaroroonan ni Natasha.Mabilis niyang tinutukan ito ng baril sa ulo.
"Sino ang nag-utos sa'yo?" seryosong tanong niya rito.
"Hindi ko po alam ang tinutukoy ninyo!" pagtanggi nito.
"Siya ba?" seryosong tanong niya rito.
"Wala po akong alam! Buong buhay ko tapat akong naglilingkod sa'yo!"
BINABASA MO ANG
CODENAME: Snow White (Complete)
AcciónSimula nang maulila, si Lyra na tumayong ama't ina sa pito niyang kapatid. Sa murang edad niya, isang secret organization ang nagtrain sa kanya bilang maging isang secret agent. Ang tingin ng lahat sa kanya ay isa lamang siyang ordinaryong babaeng...