Chapter 28

351 15 0
                                    

🍎 Chapter Twenty-Eight 🍎

ABUT-ABOT ANG DASAL NI LYRA habang tinatahak nila daan pauwi sa kanilang bahay. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya kapag may nangyaring hindi maganda kay Jun. Kung sino man ang gumagaya kay Agustin, alam na alam nito ang kahinaan niya.

Ang mga kanyang kapatid.

Pagkaparada ni Berto ng sasakyan nila sa loob kanilang bakuran ay mabilis ring nagsikilos ang mga bodyguard niya. Naghahati-hati ang mga ito sa mga posisyon palibot sa kanilang bahay.

Naiwan na kasama ni Lyra si Natasha na naka-arko ang mga baril na handa-handa para protektahan siya.

May dalawang tauhan nila ang puwesto sa main door. Lihim din niyang sinenyasan ang ibang tauhan nila na maging alerto sa posibleng mangyari.

Abut-abot na ang tensyon na nararamdaman nilang lahat nang bumukas ang malaking pintuan ng bahay, at niluwa roon ang masayang mukha ni Jun.

"Ate Lyra!" masiglang salubong nito at mahigpit siyang niyakap.

Nagulat silang lahat.

"Ayos ka lang? Ano'ng nangyari?" mangiyak-ngiyak niyang tanong sa kapatid.

"Bakit ka umiiyak, ate? May nangyari ba?" nagtatakang tanong nito.

"Sino ang nagsundo sa'yo?" tanong niya rito.

"Kuya Agustin!" tuwa nito.

"Nasaan siya?" seryosong tanong niya rito.

"Andoon sa opisina niya, hinihintay ka niyang dumating! May sasabihin daw siya sa'yo," sabi nito.

Napatindig si Lyra saka napakuyom ang kamao niya. Alam niyang may mga secret agent na marunong mag-disguise. Pero hindi siya nakakasiguro kung isa rin bang secret agent ang nasa loob ng kanilang bahay, o isa mga kalaban nila.

Napatingin si Lyra kay Natasha, "Papasok ako sa loob," sabi niya rito.

"Pero Lady Lyra," nag-aalalang tumingin ito sa kanya.

"Ako ang pakay niya. Maging alerto na lang kayo," bilin niya sa mga ito saka niya binigay si Jun rito, "Siya ang bantayan mo."

"Lady Lyra," may pag-aalinlangan tawag sa kanya ni Natasha pero wala itong magawa pa kungdi ang sumunod sa utos niya.

"Maging alerto kayo," mahigpit niyang bilin sa mga tauhan nila.

Kinakabahan man ay taas-noo pa ring pumasok sa loob ng kanilang bahay. May tiwala siya sa kanilang mga tauhan na hindi siya pabababayaan ng mga ito. At isa pa, ilang saglit ay darating na rin ang mga kapatid niya.

Humugot muna ng malalim na buntong-hininga si Lyra bago siya kumatok sa pintuan.

"Ako ito, si Lyra!" sabi niya.

"Come in."

Kumabog ng malakas ang dibdib ni Lyra nang marinig niya ang boses ni Agustin sa loob. Mukhang pati ang boses ng kanyang asawa ay kuhang-kuha ng impostor na ito. Dahan-dahan na niyang pinihit ang doorknob. At dahan-dahan rin niyang binuksan ang pintuan.

Naaninagan niya ang isang lalaking nakatingin sa malaking Wedding Picture nila ni Agustin. Nakatalikod ito sa kanya. Pero hindi niya maiwasan ang mapakunot ang noo dahil kuhang-kuha ng impostor na ito ang tindig ng kanyang asawa. Kung titignan mabuti walang pinagkaiba ito kay Agustin.

Dinig na dinig ni Lyra ang malakas na pagkabog ng dibdib niya. Likod palang ang nakikita rito pero perpektong-perpekto ang pagkakagaya nito.

Hinanda na niya ang tinatago niyang balisong. Kailangan din niyang maging alerto sa posibleng mangyari.

"Sino ka?" matapang niyang tanong rito.

"Sino ako?" tanong nito saka ito lumingin sa kanya, "Ako ito ang asawa mo!"

Nanlaki ang mga mata ni Lyra sa nakita. Kamukha-kamukha ito ni Agustin. Mula sa kilay, mata, ilong pati ang labi. Pati kung papaano ito ngumiti. Kumabog ng malakas ang dibdib niya, isa ba talaga itong impostor? Sobrang galing naman nitong manggaya?

"S-sandali, ganyan pa ang isasalubong sa akin? Sweet Heart?" Humakbang ang lalaki papalapit sa kanya.

Dahil sa narinig. Hindi na nagdalawang isip si Lyra na ibato ang hawak niyang balisong sa lalaki. Kompirmadong isa itong impostor dahil hindi naman 'sweet heart' ang tawag ni Agustin sa kanya.

Pero pati ang mabilis na pagkilos ni Agustin ang nagaya nito. Nagawa nitong makaiwas sa balisong na binato niya. Dumiretso ito sa mismong Wedding Picture nila ni Agustin.

Ngumisi ang lalaki, at para itong hangin na lumapit siya. Hinawakan siya nito sa kanyang panga, at isinandal sa pader. Mariin siyang tinitigan nito.

Hindi naman nagtalo si Lyra, nakapaglaban siya rito ng titig. Pero pati ang paraan ng pagkakatitig nito ay kopyang-kopya nito. Kung hindi lang niya alam ang tungkol sa mga professional impostonator baka pagkamalan niyang kakambal ito ng asawa niya.

Nanlaki ang mga mata ni Lyra. Parang automatikong nagrewind sa kanyang utak ang huling sinabi sa kanya ni Moca.

"Kilala mo ba talaga ang lalaking pinakasalan mo?"

Ang isa pang niyang naalala ay ang paraan ng pagkakatitig ni Agustin kay Doctor Johnson, kung may lahi bang kambal ang pamilya nito.

"Nakakabilib, mukhang kilalang-kilala mo nga ang kapatid ko!" ngumising sabi nito.

Napahawak si Lyra sa kanyang tiyan dahil naramdaman niya ang bahagyang pananakit niyon. Pero hindi siya magpapatalo sa gulat na naramdaman niya. Nagawa niyang duraan ito.

Doon na siya nabitawan nito.

Eksaktong pumasok na rin sa loob ng opisina ang mga kapatid niya. Mga nakaarko na rin ang pana ng mga itong nakatutok sa lalaki na abala sa pagpunas ng mukha nito.

Dahil sa ginawang pagdura ni Lyra mukha nito, lumitaw na roon ang tinatago nitong lihim. Pare-parehas silang natigilan nang makita nila ang mahabang peklat sa kanang mata nito.

"Ikaw?!" gulat ni Jinjin at nagpakawala ito ng palaso.

Pero mabilis iyong naiwasan ng lalaki. At parang kidlat itong nabunot ang balisong ni Lyra na nakatarak sa Wedding Picture, at walang sabi-sabi nitong sinugod si Jinjin.

"Jinjin!!!!!!" malakas na sigaw ni Lyra.

Sa bilis ng pangyayari, halos hindi iyon nasundan ng iba niyang kapatid. Pare-parehas na silang nagulat nang makita nila si Jinjin na nakahiga sa sahig habang dinadaanan ito ng naturang lalaki. At nakatutok ang balisong nito sa leeg ng kanyang kapatid.

Para silang binuhusan ng malamig na tubig sa eksenang iyon. Wala 'ni isa sa kanila ang nagtangkang sumugod dahil alam nila pare-parehas na sa konting galaw nila, hindi magdadalawang-isip ang lalaking iyong itarak ang balisong na hawaka nito sa mismong leeg ni Jinjin.

"Walang gagalaw!" utos ni Lyra habang ramdam niya ang pangangatog ng mga kamay niya. Kahinaan talaga niya ang mga kapatid niya.

Pero hindi maiwasan ni Lyra ang magtaka dahil kitang-kita niya ang galit sa mga mata ni Jinjin habang titig na titig ito sa mga lalaking kamukha ni Agustin.

May nalalaman ba si Jinjin na hindi nito sinasabi sa kanya?

Itutuloy...

🍎🍎🍎🍎🍎🍎🍎

CODENAME: Snow White (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon