Chapter 11

539 27 20
                                    

🍎 Chapter Eleven 🍎

"ATE, 'NUNG PINATAKAS MO AKO noong araw na iyon, hinabol pa ako ng mga bad guys. Akala ko mamamatay na ako 'nun, buti na lang dumating si Kuya Agustin. Niligtas niya ako!" kwento ni Arjhay nang sila-sila na lang magkakapatid sa loob ng isang silid.

"Niligtas din kami ni Kuya Agustin noong muntikan nang maipit si Yuki sa mga nagkakaguluhang tao dahil sa bomba," kwento naman ni Jinjin, "Nilayo niya kami sa maraming tao. Doon na kami nagkita-kita ni Arjhay."

"Ate, noong nakasunog sa atin muntik nang ma-trap si Tata sa loob ng bahay kasi binalikan pa niya yung binigay naming regalo sa'yo," kwento ni Cobi saka napaiyak, "Hindi ko alam ang gagawin ko noon, ate! Pero dumating si Kuya Agustin. Niligtas niya si Tata!"

"Ito iyong hairclip mo," inabot sa kanya ni Tata ang pulang kahon kung saan nakalagay roon ang hairclip niyang niregalo ng mga ito, "Hindi ko alam, bakit nawawala iyong isa. Hinanap ko kaya natagalan ako makalabas noon sa bahay."

"Nawala ko iyong isa. Sorry!" mangiyak-ngiyak niyakap ni Lyra si Tata, "Sana hindi mo na lang binalikan, muntikan ka pa tuloy napahamak."

"Pero dumating naman si Kuya Agustin, niligtas niya ako!" sabi ni Tata.

"Alam mo ba, Ate? Para siyang si Naruto! Ang galing din niyang makipaglaban!" hangang-hangang kwento ni Jimmy.

"Papakasalan mo ba talaga siya, Ate?" seryosong tanong ni Yuki sa kanya.

"Kung iyon ang ikakabuti ninyo, gagawin ko," tugon niya.

"Mahal mo ba siya, Ate?" seryosong tanong sa kanya ni Jinjin.

Hindi na kumibo si Lyra. Ang pag-uusap nilang iyon ang laging sumasagi sa kanyang isipan ng mga araw. Oo, attracted siya kay Agustin. Aaminin niyang nalove-at-first-sight siya rito. Pero hindi pa siya nakakasiguro sa nararamdaman niya. Nalilito pa siya lalo pa't hindi pa niya ito kilala. Hindi niya alam kung karapat-dapat ba niyang pagkatiwalaan ito sa pagprotekta sa kanilang magkakapatid.

Isang linggo na ang lumipas. Tuluyan nang magaling ang sugat ni Lyra sa kanyang tagiliran. Sa paglipas din ng mga araw na nasa bahay sila ni Agustin ay palihim pa rin niyang inoobserbahan ang lalaki.

Nalaman niya mula sa mga kasambahay na sadyang may pagka-istriktong tao ang amo ng mga ito. At may iba't ibang negosyo pala itong hinahawakan sa bawat parte ng bansa. Halos malula pa nga siya habang iniisa-isa nito sa kanyang kung ano ang mga iyon.

Pero malinis ba ang record nito?

Wala ba itong illegal na gawain katulad ng ilang businessman na kilala niya?

Isa ito sa mga dahilan kaya naisipan ni Lyra na bumalik sa Purple Brown Cafe. Kailangan na niyang magreport sa boss nila, at para makibalita na rin. Pero pagpasok niya sa loob ng naturang cafe, nagulat siya dahil iba na ang mga staffs roon.

Mukhang nakilala naman siya ng tatlong bagong attendant roon. Pero hiningan pa rin siya ng passcode para tuluyan siyang makapasok sa secret hide-out nila.

"Seesaw," sabi na lang niya saka hinawakan niya ang kanyang kwelyo.

Pinadiretso siya sa dirty kitchen. Hindi niya maiwasan ang makadama ng lungkot nang sumagi sa isipan niya ang mga dating kaibigan na sila Moca at Davey. Matagal din kasi ang pinagsamahan nila, hindi niya akalain na iyon na pala ang huling mission na magkakasama sila.

Wala na si Devey.

Hindi naman niya alam kung nasaan si Moca ngayon.

"Dito," anang babaeng naghatid sa kanya sa private office ng kanilang boss.

Binuksan niya ang pintuan. At tulad ng dati, nakatingin na naman ito sa mga CCTV footage. Mula sa kanang sulok ng opisina nito, lumabas roon ang tumatayong manager nila sa cafe na iyon.

"Nagbalik ka, Snow White! Halos isang linggo ka ring nawala," ani Miss Betty.

"Nagpagaling muna ako bago nagpakita," tugon niya, "Magtatanong na rin ako kung ano na ang nangyari sa iba kong kasama?"

"Wala si Davey," tugon nito, "Si Moca, pinagpahinga muna namin. Ganoon ka rin, nakilala na kayo ng mga kalaban kaya magiging delikado iyon sa organization natin. Pansamantalang lumayo ka muna, isama mo ang mga kapatid mo. Hindi na namin maipapangako ang kaligtasan ninyo."

"Pero..."

"Ipapatawag ka na lang namin ulit kapag kinailangan na namin ang serbisyo mo," pagpapatuloy nito, "Sa ngayon, kailangan muna natin ang mag-ingat."

Marahas na hininga ang pinakawalan ni Lyra. May gusto pa sana siyang magtanong pero tinapos na nito ang usapan.

Halos bagsak rin ang magkabilang balikat ni Lyra nang lumabas na siya ng naturang cafe.

Pansamantala? Gaano naman iyon katagal? Kailangan niya ngayon ng pera para pampasimula nilang magkakapatid.

Palabas na siya ng cafe nang namataan ni Lyra ang isang pamilyar na lalaking tila nagmamadaling lumapit sa kanya.

Si Agustin.

Nagkataon lang bang naroroon ito, o talagang sinusundan siya nito?

"Sakay bilis!" parang galit pang utos nito sa kanya.

Napagitla siya nang nagawa siyang hilahin nito. Wala siyang nagawa pa kungdi ang sumunod rito pasakay ng sasakyan nito.

"Lando, tara na bilis!" mariin na utos ni Agustin sa driver nito.

At pinaharurot na ni Lando ang sasakyan papalayo sa lugar na iyon.

"Diba sabi ko sa'yo na huwag kang lalabas ng bahay na wala akong pahintulot?" galit na bungad ni Agustin sa kanya.

"Aba?" nanlaki ang mga mata niya dahil sa gulat. Nagawa kasi siya nitong sigawan.

"Hindi mo alam kung gaano kadelikado sa'yo ang lumabas ngayon!" galit pa ring turan nito.

"Sinusundan mo ba? Ganyan ka ba ka-obssesed sa akin? At talagang sinusundan mo ako kahit saan--" hindi na tapos pa ni Lyra ang kanyang sinasabi nang makarinig sila ng malakas na pagsabog. Gulat siyang napalingon sa likod, at ganoon na lang ang laking-gulat niya nang makita ang pagsabog ng buong cafe.

"Iyan ang dahilan!" singhal sa kanya ni Agustin.

Natulala si Lyra sa labis sa pagkabigla. Kakagaling lang niya sa loob. Kung nagtagal pa siya roon, posibleng napasama na siya sa pagsabog.

Ganoon na ba talaga kapanganib sa kanyang lumabas?

"Paano mo nalaman ang tungkol sa pagsabog?" nakuha na niyang itanong iyon.

Hindi ito kumibo.

"Bakit lagi mo kami liligtas ng mga kapatid ko?" tanong pa rin niya rito.

"Dahil iyon ang mission ko," maikling tugon nito pero hindi ito tumitingin sa kanya.

"Mission?" napakunot ang noo ni Lyra, at mariin niyang tinitigan ito, "Sino ka ba talaga, Mister Agustin Peñafrancia?"

"Sasabihin ko rin sa tamang panahon," tanging sabi nito.

Itutuloy...

🍎🍎🍎🍎🍎🍎🍎

CODENAME: Snow White (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon