🍎 Chapter Thirty-Eight 🍎
MABILIS NA SUMAKAY NG KANYANG sasakyan si Agustin na wala 'ni isa sa Seven Dwarfs ang nakapansin, maliban kay Mayo. Nang inutusan siya nitong ihanda ang sasakyan alam na niyang may pinaplano nito kaya palihim siyang sumakay sa compartment ng sasakyan nito.
Maliban sa misyon binigay sa kanya ni Agustin, may isa pang misyon na kailangang gampanan. Ang lihim na misyon na binigay sa kanya ni Lady Lyra bago siya pumasok sa secret organization.
Lihim na pinakiramdaman ni Mayo ang paligid habang nasa likod siya ng sasakyan nito. Alam niyang posible siyang mamatay sa oras na mahuli siya nito. Iniwan pa naman niya si Lady Lyra masundan lang ito.
Alam kasi niya kung saan sila patungo.
Sa lungga ng mga kalaban.
Samantala, wala namang kamalay-malay si Agustin na may ibang bagahe siyang nadala patungo sa lungga ng kanyang kapatid. Wala pang isang oras ay narating na niya ang maala-palasyong tirahan ng kanyang kakambal na nasa gitna ng madilim na Chinese Cementary. Alam niya karamihan sa mga nakalibing roon ay ang mga taong pinaslang nito.
Pinarada ni Agustin sa di kalayuan ang kanyang sasakyan. Gamit ang binocular, sinipat niya buong sementeryo.
Ang katahimikan sa buong lugar ang nagsisilbing paing sa mga kalaban na magtatangkang pumasok sa teritoryo nito.
Napakunot ang noo ni Agustin nang namataan niya sa isang puno ang nakalambitin na katawan ng isang tao. zinoom-in niya ang kanyang binocular telescope, at doon niya nakilala kung sino ang taong iyon.
Si Berto.
Puno na ng dugo ang katawan nito. Halatang walang awa itong pinababaril.
Mukhang alam na alam pa rin ng kanyang kapatid ang galawan niya. At mukhang inaasahan na siya nitong pupunta siya nang gabi iyon sa lungga nito.
At mukhang hindi na niya kailangang magtago pa.
Bitbit ang kanyang katana ay taas noo siyang naglakad papasok sa naturang sementeryo. Ramdam na ramdam niyang may mga matang nagmamasid sa kanya habang papalayo siya sa main entrance.
Mga matang naghihintay lang na magkamali siya sa pagkilos.
Malapit na siya malaking temple sa gitna ng sementeryo nang makita na niya ang mga nakahelerang mga tauhan ng kanyang kapatid.
"Masaya akong makita kang muli, Mahal kong kapatid!" ngumisi bumungad sa kanya ni Justin na animo'y isa itong haring nakaupo sa trono.
"Ano ba ang talaga ang gusto mong mangyari?" tanong niya rito.
"Alam mo kung ano ang gusto kong mangyari!" nanunuyang tugon nito, "Pero masyado ka nang sumasagabal sa dinadaanan ko!"
Ngumisi na rin siya Agustin. Kung hindi lang talaga sa peklat na nasa kaliwang mata ng kapatid niya, masasabi niyang para na niyang kinakalaban ang kanyang sarili.
"Nagising na ba ang Snow White mo?" parang nang-aasar pa nitong tanong sa kanya.
Napakuyom ang kamao ni Agustin.
"Sa tingin mo ba ako ang prinsipeng makakapaggising sa kanya?" nang-aasar nitong tanong sa kanya.
"Humanda ka sa akin!" galit niyang sinugod ang kapatid.
Pero sadyang alerto si Justin sa kanya. Kaagad nitong nadependsahan ang pagtama sana ng katana sa katawan nito. Sa bilis nang pangyayari, hindi rin iyon nasundan ng mga tauhan nito. Nagulat na lang ang mga ito na nasa ganoon na silang sitwasyong magkapatid.
BINABASA MO ANG
CODENAME: Snow White (Complete)
ActionSimula nang maulila, si Lyra na tumayong ama't ina sa pito niyang kapatid. Sa murang edad niya, isang secret organization ang nagtrain sa kanya bilang maging isang secret agent. Ang tingin ng lahat sa kanya ay isa lamang siyang ordinaryong babaeng...