🍎 Chapter Thirty-Four 🍎
TANGGAP NA NI AGUSTIN SA KANYANG sarili na isa siyang halimaw. Wala siyang inuurungan na laban. Pinilit talaga niyang makarating sa katungkulang ito para may sapat siyang lakas na maprotektahan ang babaeng matagal na niyang minamahal.
Tandang- tanda niya noong unang araw nang makita niya si Lyra. Kailangan nila noon magpanggap na maniningil ng utang sa Papa nito para magkaroon ito ng dahilan para pumasok ito sa Secret Organization.
Bente anyos na siya noon, at sampung taon lang si Lyra. Ilag pa siya noon dahil sa malaki ang agwat ng edad nila. At isa pa, anak ito ng taong iniidolo niya. Pero noon pa, palihim na niya itong binabantayan.
Nang mamatay ang ama nito, binilin sa kanya si Lyra. At binigay nito sa kanya ang pamamahala ng Purple Brown Café.
Si Lando, ang tapat niyang bodyguard. Ito ang kanyang nagsisilbing messager, at nagbibigay ng utos sa mga tauhan ng naturang cafe. Siya rin ang lihim na nagbibigay noon tulong financial nila Lyra at mga kapatid nito.
Pero hindi na yata nawawala ang traydor sa isang lugar. Noon pa alam na niyang hindi makapagkakatiwalaan ang isa mga tauhan niya sa naturang cafe.
Si Moca.
Sinadya niyang pagsamahin sa iisang misyon ang tatlo para malaman niya ang totoo. At tama ang naging kutob niya nang makilala ni Moca ang pitong kapatid ni Lyra samantalang hindi pa nito nakikita si Arjhay ng personal. So, paano nito nalaman na si Arjhay ang na hostage nang araw ng suicide bombing?
Ang pagkakapatay kay Davey, ang tunay na snipper noon ay walang iba kungdi si Moca! Nagpasalamat siya at nagmintis ang bala kay Lyra ng panahon iyon. Sadyang magaling si Lyra bilang isa sa mga secret agent niya. Kaya hindi mapapatawad ang babaeng iyon sa oras na mapatay nito si Lyra.
Ilang beses na niyang nakaharap si Moca sa laban pero nagiging mailap ito kapag nakikita siya. Kaya lumalakas ang kutob niya kung sino ang tunay na humahandle rito.
Dahil sa natuklasan niya, kailangan niyang alisin ang Purple Brown Cafe para makuha niya ang tiwala ni Lyra. Para ipalabas ang inabanduna na ang mga ito. Inaasahan na niyang magpapakita at magpalakita sa kanila si Moca para gawin ang tunay nitong misyon.
Alam din niya ang abilidad at kakayahan ni Moca pagdating sa pagtatago. Pero ang hindi niya inaasahan kung paano ito nakapasok ng ganoon kadali sa bahay nila ngayon? Ganoong pare-parehas na nilang iyong napaghandaang mabuti.
Hindi siya maaaring magkamali sa kutob niya. May traydor na namang nakapasok sa teritoryo niya. At aalamin niya ngayon din kung sino ang mga iyon kahit maubos pa ang mga tauhan niya.
"Ate...." bulaslas ni Jinjin.
Sa lalim ng kanyang iniisip hindi na niya namalayan na narating na nila ang silid na kinaroonan ni Lyra. Para naman siyang napako sa kanyang kinatatayuan nang makita ang walang malay-tao niyang asawa na nakahimlay sa kama nito habang pinalilibutan ito ng pito nitong kapatid.
Napakuyom ang kamao niya.
Pakiramdam niya ay nasa loob siya ng librong ng fairy tale kung saan pinagluluksa ng Seven Dwarfs ang wala nang buhay na si Snow White. Kung nasa isa lang silang fairy tale ngayon. At kung true love kiss lang ang magpapagising rito ngayon ay gagawin niya. Pero hindi, nasa realidad sila ngayon. At hindi lason ang dahilan kaya ito mistulang patay ito kundi sa bala ng baril na nanggaling sa traydor nitong kaibigan.
"Ate Lyra!" umiiyak na tinatawag ni Jun ang kapatid nito.
Ganoon rin sila Tata at Jimmy.
"Boss, nakahanda na ang lahat. Nandito na rin po ang dalawang bata," ani Lando na kasama na nito ang kambal.
Nagawa nang yakapin ni Agustin ang mga anak niya. Kahit puno ng pagtatanong ang mata ng mga ito ay nagawa rin siyang kayapin ng mga ito.
"Jun, Tata... " tawag niya sa dalawa, "...Kayo muna ang bahala sa kambal. Huwag kayong lalabas sa kuwartong ito kahit may marinig kayong ingay. Bantayan ninyo ang Ate at mga pamangkin ninyo."
Kahit puno ng katanungan sina Jun at Tata ay nagawa pa rin nitong sumunod sa utos. Kinuha ng mga ito ang kambal.
"Kayong lima, sumunod kayo sa akin!" matatag utos ni Agustin sa lima pang kapatid ni Lyra.
Walang kibong sumunod naman ang mga ito sa kanya. Parang alam na ng mga ito ang mangyayari.
Muli silang lumabas sa bahay kung saan nakahelera roon ang lahat ng tauhan nilang nakaduty ng gabing iyon.
Ang mga bodyguard na kasama nila ni Jinjin sa Mindanao ay humilera na rin.
"Ano'ng nangyayari?" bulong na tanong ni Jimmy kay Cobi.
"Shhh...." saway ni Cobi.
"Lagot sila ngayon," ngumisi si Yuki.
Blangko ang mukha ni Agustin nang lumapit siya kay Jinjin. Kinuha niya mula rito ang katanang hawak nito. May bahid pa iyon ng sariwang dugo mula sa taong tinapos nito kani-kanina lang sa mission.
Madilim ang kalangitan pero nagawa iyong kuminang nang tumama ang patalim nito sa sinag ng buwan.
Pagkaraan ay malalaking hakbang nilaan ni Agustin papalapit sa unang taong pinanghihilaan niya.
Ang isa sa mga duty sa pagbabantay sa kambal.
"Alam mo naman ang patakaran ko diba?" mariin niyang tinitigan ito. Mata sa mata.
"Hi--" hindi na natapos pa ang pagsasalita nito ay hinataw ni Agustin ang matalim na katana sa ulo ng lalaki.
Bumulwak ang sariwang pulang likido nito mula sa katawan. At wala na itong buhay nang bumagsak sa sahig.
Nagulantang ang lahat sa nasaksihan.
"Isa sa mga rules ko, once na pumalpak ka sa misyon na binigay sa'yo may kaparusahan na nakapataw sa inyo! So, sa dami ninyong dito, bakit nagawang makapasok sa pamamahay ko ang isang kalaban!"
Parang kulog na umalingawngaw sa lugar na iyon ang galit na boses ni Agustin. Halos namula rin ito sa matinding galit.
"Pinalagpas ko ang unang nangyari sa three years ago dahil hiniling iyon sa akin ng asawa ko!" humakbang muli si Agustin papalapit sa isa pang taong pagpabaya sa tungkulin nito.
Ang isa pang bantay ng kambal na siyang nakaduty sa bintana ng kuwarto nito. Hindi na niya binigyan ng pagkakataon na magsalita ito, binigay na kaagad niya ang tamang parusang nararapat rito. Katulad ng isa, wala na rin itong buhay nang bumagsak ito sa sahig.
Nasimulang mag-iyakan ang ilang kababaihan dahil sa sobrang takot at nagsimula itong masiluhuran sa kanyang harapan.
"Tingin ninyo may magagawa pa ang pag-hingi ninyo ng tawad ngayon sa akin? Wala akong pakealam kung maubos man kayo ngayon. Ang punto ko, pumalpak kayong lahat sa misyon na binigay ko!"
Itutuloy ...
🍎🍎🍎🍎🍎🍎🍎
BINABASA MO ANG
CODENAME: Snow White (Complete)
ActionSimula nang maulila, si Lyra na tumayong ama't ina sa pito niyang kapatid. Sa murang edad niya, isang secret organization ang nagtrain sa kanya bilang maging isang secret agent. Ang tingin ng lahat sa kanya ay isa lamang siyang ordinaryong babaeng...