Chapter 22

420 18 1
                                    

🍎 Chapter Twenty-Two 🍎

KUNG ANO ANG KINASAYA NI Lyra nang matapos nila ni Agustin ang mission ay kabaliktaran naman ang naramdaman niya nang malaman niyang hindi na sila babalik sa Hotel na tinutuluyan nila. Dumiretso sila sa airport kung saan nag-aabang roon ang private plane nito.

"Sandali, bakit dito tayo dumiretso?" nagtatakang tanong ni Lyra habang mabilis silang naglalakad patungo sa kinaroonan ng private plane nito.

"Hindi na tayo pwede magtagal rito. Hangga't na sa atin ang painting, hahunting at hahahuntingin nila tayo!" sabi nito.

"Saan tayo pupunta?" tanong niya.

"Hongkong," maikling tugon nito saka umakyat na papasok sa private plane nito.

"Hongkong?!" gulat ni Lyra, "Paano ang reward ko? Ang Disneyland?" parang batang tumingin siya sa asawa habang patuloy niya itong sinusundan.

"May Disneyland naman sa Hongkong," natatawang tugon nito, "Mas ligtas tayong makakapasyal doon!"

"Luh! Sabihin mo, may mission ka lang na gagawin doon kaya doon tayo didiretso!" inis niya.

"Alam mo pala," anito saka malambing nitong pinisil ang baba niya, "Seat there!" utos nito sa kanya.

Sinunod naman niya ito kahit nakaramdam na siya ng inis rito. Parang batang inirapan niya ang asawa.

"Magsasabi ka ng reward tapos hindi mo pala gagawin. Alam ko naman may Disneyland sa Hongkong noh! Pero alam mo bang hindi pa talaga tayo nakakapasyal sa buong LA? Asar ka!"

Tawa lang ang naging tugon ni Agustin. Halatang inaasar na talaga siya nito. Siya naman ang pikon ngayon.

"Huwag mo akong kakausapin!" banta niya rito saka niya tinalikuran.

Hindi nga niya magawang kausapin ang asawa hanggang makarating sila sa Hongkong. Damang-dama ni Lyra ang bigat ng pakiramdam dahil sa tinatawag na jetlag. Pakiramdam niya, binibiyak ang ulo niya.

Puyat na puyat siya.

Hindi na niya alam kung ano ba ang tamang oras.

Pinanindigan na rin niyang hindi kausapin ang asawa hanggang makarating sila sa location na tutuluyan nila. Hindi iyon isang hotel kung residential house.

"Psssttt..." pasimpleng tawag ni Lyra sa isa sa mga bodyguard nila, kung hindi siya nagkakamali ay Berto ang pangalan nito.

Nagtatakang nilapitan naman siya nito.

"May kailangan po kayo, Lady Lyra?" tanong nito.

"Kaninong bahay ito?" usisa niya.

"Kay Sir po," tugon nito.

"Talaga?" gulat niya saka niya nilibot ang paningin sa buong kabahayan.

Hindi ito kasing laki ng bahay nito sa Pilipinas pero mukhang nakakarelax dahil pinalilibutan ito ng mga puno. Medyo malayo sa syudad ang location.

Nasa ganoon siyang pag-iisip nang dumating si Agustin kasunod si Natasha.

"Aaahh, ang sakit ng ulo ko! Gusto ko nang matulog!" sabi niya.

"Natasha, ihatid mo muna siya sa kuwarto niya!" utos ni Agustin kay Natasha na nagsisilbing kanang-kamay niya simula nang tumira siya sa bahay ni Agustin. At kahit saan siya magpunta ay kasa-kasama niya ito.

Sa muling pagkakataon ay inirapan niya ang asawa bago ito iwan. Nakita pa niya ang pagkakakunot ng noo nito, hindi niya alam kung umeepekto na ba ang pagtatampo epek niya rito.

CODENAME: Snow White (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon