Chapter 3

600 15 0
                                    

🍎 Chapter Three 🍎

NAPATINGIN SI LYRA sa madilim na kalangitan. Kasalukuyan siyang nakatayo ngayon sa ibabaw ng bubong ng kung kaninong bahay. Ang liwanag na nanggagaling sa buwan ang tanging ilaw niya nang gabing iyon. Napatingin siya sa kanyang wrist watch. Dinouble check niya ang wireless earphone na nakapasak sa magkabila niyang tenga. At naglagay na rin siya ng gloves sa kanyang mga kamay. Sinuot na rin ang itim niyang facemask bilang pag-iingat.

Gamit ang binocular, sinipat niya ng tingin ang kabilang bahay. Halos isang linggo na niyang lihim na minamatyagan ang Chinese Businessman na si Mister Chua kaya alam na alam na rin niya kung paano gumalaw ang mga tao sa loob ng mansion nito.

Namataan niya mula sa kanyang kinaroronan ang pagdating ng itim na kotse. Nang nasiguro na niyang si Mister Chua na ang dumating ay muli niyang hinanda ang kanyang sarili.

Pinusod niya ang mahaba niyang buhok. Pagkaraan, sinuksok niya sa kanyang buhok ang dalawang hair clip na mukha ngang chopsticks. Nakuha pa niyang matawa nang maalala niya ang naging komento ni Yuki sa binigay ng mga itong regalo sa kanya.

Hinanap na niya ang play button ng kanyang Mp3 Player kung saan magpi-play roon ang favorite song nilang magkakapatid.

Permission To Dance ng BTS.

Ito ang magsisilbi niyang timer kung gaano niya kabilis tatapusin ang kanyang mission. Nang marinig niya ang boses ni Jungkook, naging hudyat iyon sa kanyang pagkilos.

Para na siyang pusa kung kumilos.

Mabilis pero maingat.

Wala pa siya chorus ng kanta ay napasok na niya ng ganoon kadali ang loob ng mansion. At habang naririnig niya ang mapaindak na tugtugin sa kanyang tenga, sinimulan na niyang gilitan sa leeg ang mga bodyguard ng matandang intsik na nakakita sa kanya. Gamit ang matalim na balisong na nirequest pa niya sa kanyang boss, wala dapat makarinig sa karudumal-dumal na pagpatay niya.

Second stanza ng kanta, natagpuan na niya ang kinaroonan ni Mister Chua. Kitang-kita ang gulat sa mukha nito. At bago pa ito gumawa ng ingay ay mabilis na niyang itong nilundagan. Wala niyang awang ginilitan ng mabilis ang sensitibong parte ng leeg nito. Bumulwak ang sariwang pulang likido nito habang nangingisay-ngisay itong humandusay sa sahig.

Nang nasiguro na niyang wala na itong buhay ay saka na niya nilabas ang nabubulok na mansanas sa kanyang beltbag, at ipinatong niya ito sa dibdib ng kanyang biktima. Ito ang palatandaan niyang maayos niyang natapos ang kanyang mission.

Kampante na si Lyra dahil hindi pa tapos ang kantang nagpi-play sa kanyang wireless earphone ay natapos na niya ang kanyang mission.

Pero nagkamali siya.

Aktong aalis na siya sa lugar na iyon nang biglang bumukas ang pintuan. At daig pa niya ang tinuklaw ng ahas nang makilala niya ang lalaking nasa kanyang harapan.

Ang crush niya sa coffee shop!

Pero sandali, ano'ng ginagawa nito sa lugar na iyon? Kamag-anak ba ito ni Mister Chua?

Nagsimulang kabahan si Lyra. Natatauban na ang musikang naririnig niya sa lakas ng kabog ng dibdib niya. Hindi na siya makapag-isip ng maayos. Ano ba ang gagawin niya? Papatayin ba niya ang lalaking ito? Naging pabaya ba siya sa mission niyang ito, at wala siyang matandaan kung ano ba ang papel nito sa buhay ni Mister Chua?

Nalarma si Lyra nang sinubukan siyang lapitan ng lalaki. Automic na kumilos ang kanyang katawan para maprotektahan ang kanyang sarili. Nilabas niya ang martial arts na natutunan niya.

Sipa rito, sipa roon. Pero mabilis na nakakailag ang lalaki.

Suntok sa kanan, suntok sa kaliwa. Pero para lang siyang sumusuntok sa hangin.

Hindi niya akalain na may nalalaman din ito sa pakikipaglaban.

"Nanananananana..." sabi sa kantang naririnig niya. Malapit nang matapos ang kanta nandito pa rin siya sa loob ng mansion.

Bigla siyang nakaramdam ng pressure. At dahil may taglay ring bilis ang naturang lalaki nagawa nitong makuha ang isa mga hairclip niyang nakasuksok sa buhok niya.

Gulat na napasandal sa dingding si Lyra. At mabilis na umarko ang kamay ng lalaki banda sa kanyang leeg.

Tapos na ang kanta sa kanyang earphones.

Mukhang katapusan na rin niya dahil alam niya sa kanyang sarili na sa konting galaw lang niya, hindi magdadalawang-isip ang lalaking ito na itarak ang dulo ng hairclip niya sa mismong leeg niya. Dumagdag pa sa kaba niya ang paraan ng pagkakatitig nito para bang pilit siyang kinikilala.

Aktong tatanggalin na ng lalaki ang facemask na suot ni Lyra nang marinig niya sa kanyang earphone ang boses ni Moca.

"Plan B, bakla!," sabi nito, at nagsimula itong kumanta. Kinanta nito ang Permission To Dance.

Para namang nabuhayan ng loob si Lyra lalo nang muli niyang narinig ang pagsimula ng kanta sa earphone niya. Kahit mali-mali ang lyrics na binibitawan ni Moca ay naging hudyat iyon sa kanya para gawin ang Plan B.

Mabilis niyang hinila ang kurtinang sinasandalan niya. Doon na pumasok ang mga itim na ibon na lihim na pinakawalan ni Moca.

Nagulantang ang guwapong lalaki, at iyon ang pagkakataon ni Lyra para makatakas. Mabilis siyang tumalon sa bintana. Tinangka pa siyang habulin ng lalaki pero sadyang naging mabilis siya.

Halos humahangos si Lyra nang puntahan na niya ang lihim na kinaroroonan ni Moca.

"Sabi ko nga ba kailangan mo ng back-up!" pagmamalaki ni Moca sabay pa ang pagkanta nito , "Nanananananana!"

"Hay tumigil ka na nga! Ang sakit sa tenga ng boses mo!" naiiritang tinanggal na ni Lyra ang wireless earphones sa kanyang tenga, "Mali-mali pa ang lyrics ng kanta mo!"

"Wow, salamat ah!" anito.

"Thank you!" sabi na lang niya habang pinupunasan niya ang sarili niyang pawis.

"Nananananaananaa!"

Eksakto namang nakarinig sila ng pagbusina. Kapwa sila napalingon ni Moca. Nang makita nilang si Davey ang nagmamaneho ay dali-dali na silang sumakay sa vintage nitong kotse.

"Guys, kailangan ko ng info about doon sa lalaking naka-engkwentro ko kanina. Gusto kong malaman kung kamag-anak ba siya ni Mister Chua!" nag-aalalang sabi ni Lyra sa dalawang katrabaho.

"Agustin Peñafrancia, nabibilang siya sa Big Ten Business Company sa Pilipinas. Meaning hindi siya basta-bastang tao," sabi ni Davey.

"Pero ano'ng ginagawa niya sa mansion ni Mister Chua?" nagtatakang tanong ni Lyra.

"Maybe bussiness matter!" napakibit-balikat si Moca, "Hindi ka naman niya nakilala diba?"

"Hindi," nag-aalalang umiling siya. May pag-aalalang kinuha niya ang isang hair clip niya. Hindi niya maisangguni sa dalawa na nakuha ng lalaking iyon ang isang mahalagang pagmamay-ari niya.

Itutuloy...

🍎🍎🍎🍎🍎🍎🍎

🍎🍎🍎🍎🍎🍎🍎

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
CODENAME: Snow White (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon