🍎 Chapter Thirty-Six 🍎
PUMASOK NA SI AGUSTIN SA loob ng kanilang bahay, at dumiretso siya kanyang opisina. Kasunod lang niya sina Jinjin at Arjhay pati ang dalagitang nagngangalang Mayo.
Dumiretso siya sa kanyang swivel chair. At doon niya kinapa ang kanyang sintido dahil ang totoo ay kanina pa iyon nananakit.
Samantalang sumilip naman sa bintana sila Jinjin at Arjhay kung saan tanaw roon ang kinaroroonan nila Natasha at Berto. Nakita rin ng mga ito na nililinis ng ibang tauhan nila ang ilang bangkay na nagkalat sa labas.
"Matagal na akong naghihinala kay Natasha. Pero si Berto?" komento ni Jinjin na halatang nagdadalawang-isip ito.
"Tignan natin kung hanggang saan ang katapatan niya," saad ni Arjhay, "Kailangan ba pati ang mga bantay ni kambal nadamay?"
"Hindi naman makakapasok ang Moca na iyon kung binantayan nilang mabuti ang kuwarto ng kambal," komento ni Jinjin, "Nasaan ba kayo ng oras na iyon?"
"Kumakain kami noon! Nagulat na lang kami nang biglang tumakbo si Ate paakyat!" sagot naman ni Arjhay.
"Dapat laging matalas ang pakiramdam ninyo!" may himig na paninisi ang tinig ni Jinjin.
"Tumahimik na kayong dalawa!" singhal ni Agustin sa mga ito, "Arjhay, kunin mo ang CCTV Footage ng oras na iyon!"
"Copy!" tugon na lang ni Arjhay saka lumabas ito ng silid at nasalubong pa nito ang pagpasok ni Yuki sa loob.
Nayayamot nitong nilapag ang folder sa ibabaw ng lamesa ni Agustin. Sinimulan naman niya itong basahin. Pero napakunot ang noo niya nang may iba siyang nabasa sa application na ito.
Sulat mula sa kanyang asawa. Mga symbol lang iyon.
Napahawak siya kanyang sintido. Imposibleng may ibang sumulat ng ganitong mga simbolo ganoong silang dalawa lang mag-asawa ang nakaimbento ng ganoon. Sa ganitong paraan sila noon nag-uusap na dalawa kapag confidential ang topic nila. Ginawa nila ang bagay na ito simula nang matuklasan nilang kinakabitan sila ng mic piece ng mga kapatid nito.
Pero bakit ganito sinulat sa application ni Mayo? Ano bang mayroon sa babaeng ito?
Kanina rin, parang may naramdaman rin siyang kakaiba rito nang makipagtitigan ito sa kanya.
"Ikaw!" tawag na niya sa dalagita.
Lumapit naman ito.
"Ano'ng rason mo kung bakit ka pumasok bilang Secret Agent ng asawa ko?" diretsong tanong niya rito.
"Ano po kasi...." sumulyap-sulyap ito sa kinaroonan ni Yuki.
Pero inis lang tumalikod si Yuki saka ito nagtungo sa bintana para silipin ang kinaroroon nila Natasha at Berto.
"....Fan po kasi ako ng mga Spy-Spy! Big fan kasi ng Tatay ko si Jackie Chan! Ganoon!" sagot nito.
Seryosong tinutok ni Agustin ang baril niya sa dalagita. Nagulantang naman ito.
Napangisi naman si Yuki.
"Sa tingin mo may panahon ako para makipagbiruan?" seryosong turan niya.
Pero tulad ng kanyang inaasahan, hindi niya ito nakitaan ng takot. Ni hindi ito natinag dahil bigla niya itong tutukan ng baril.
"Wala akong pakealam kung makakapatay ako ng minor edad! Sabihin sa akin ang totoo!" utos niya rito.
"Noong nakaraang taon, pinatay ng mga hindi kilalang tao ang Tatay ko. Noong nakaraang taon, tinangka kong magpakamatay! Himala akong nagising after six months. At wala akong hinangad simula noon kungdi alamin kung sino ang taong pumatay sa Tatay ko!" pag-amin nito.
BINABASA MO ANG
CODENAME: Snow White (Complete)
AzioneSimula nang maulila, si Lyra na tumayong ama't ina sa pito niyang kapatid. Sa murang edad niya, isang secret organization ang nagtrain sa kanya bilang maging isang secret agent. Ang tingin ng lahat sa kanya ay isa lamang siyang ordinaryong babaeng...