Chapter 10

588 26 2
                                    

🍎 Chapter Ten 🍎

NANLAKI ANG MATA NI LYRA nang makilala niya ang pitong batang lalaking pumasok sa dinning area. Saglit siyang natigilan dahil hindi niya alam kung nananaginip lang ba siya, o talagang nasa harapan niya ngayon ang kanyang mga kapatid. Iba-iba man ang istilo ng mga suot pero iisa pa ring kulay ng mga damit nito. Blue at gray. Para tuloy ang lilinis nitong tignan.

"Ate Lyra!" patakbo siyang nilapitan ni Jun, at mahigpit siyang niyakap nito.

Naramdaman ni Lyra ang init ng pagkakayakap nito sa kanya. Kaya nasisiguro niyang hindi nga siya nananaginip. Hindi na niya maiwasan ang pagtulo ng kanyang luha nang lumapit na rin sa kanya sila Cobi, Tata at Jimmy. Bigyan siya nito ng mahihigpit na yakap.

"Cobi!" hinawakan niya ang pisngi ng trese anyos niyang kapatid dahil alam niya kung gaano kalambot ang puso nito, at madali itong umiyak.

"Binantayan ko silang maayos, ate!" umiiyak na sabi nito saka siya niyakap, "Kasi iyon ang bilin sa akin ni Kuya Jinjin."

"Thank you!" ani Lyra saka siya napatingin kina Jinjin, Arjhay at Yuki. Alam niyang nahihiya ang mga itong lapitan siya kaya siya na rin mismo ang lumapit para yakapin ang mga ito.

"Ate, sorry!" sabi ni Jinjin, "Naging pasaway akong Kuya sa kanila. Promise hindi ko na uulitin iyon! Aalagaan at poprotektahan ko na sila!"

"Masaya akong ligtas kayong tatlo!" niyakap niya ang mga pasaway niyang kapatid. Ang mga ito talaga ang inaalala niya dahil hindi naging maganda ang paghihiwalay nila.

Panatag na ang kalooban ni Lyra ngayong nakita na niya ang kanyang mga kapatid. Nang gabi iyon, kasalo na niya ang hapunan ang mga ito.

Lihim naman pinasalamatan ni Lyra si Agustin dahil kinuha nito ang kanyang mga kapatid, at dinala sa kanya. Kahit papaano nawala ang mga alalahanin niya. Kaya nakakain na rin siya ng maayos.

Hindi naman maiwasan ni Lyra ang matuwa dahil kung titignan sila para silang masayang pamilyang sama-samang naghahapunan kasama si Agustin. Kaya paminsan-minsan ay hindi niya maiwasan ang mahiya rito lalo na sa tuwing nagtatama ang kanilang paningin.

"Ate, ang laki ng kuwarto ko! Mas malaki pa bahay nila Betong!" inosenteng kwento ni Jun habang masigla itong kumakain, "Kaso natatakot ako wala akong kasama."

"Ako rin natatakot," segunda ni Tata, "Pero sabi ni Kuya Agustin, masanay na daw kami kasi simula ngayon dito na kami titira!"

Natigilan si Lyra, at nakakunot ang noo niyang tinignan ang nananahimik na lalaki.

Natigilan rin si Agustin sa pagsubo sana ng pagkain, at diretso itong tumingin sa kanya.

"Totoo ba, ate? Dito na tayo titira?" tanong ni Jimmy.

"Ha?" gulat ni Lyra.

"Iyon kasi ang sabi ni Kuya Agustin sa amin," segunda ni Cobi.

"Malamang! Kasi wala na tayong bahay na uuwian! Sinunog na kaya ng mga bad guys!" biglang sabi ni Yuki.

Dahil sa narinig ay kusang nabitawan ni Lyra ang kutsarang hawak niya. Parang nagpintig yata ang dulo ng tenga niya sa kanyang narinig. Tama ba? Sinunog ang bahay nila?

CODENAME: Snow White (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon