Chapter 20

489 19 6
                                    

🍎 Chapter Twenty 🍎

HALOS KASING LAKI NA YATA ng bola ang mga mata ni Lyra nang marating na nilang dalawa ni Agustin ang Presidential Suite sa hotel na pinag-check in-nan nila. Halos tanaw na tanaw kasi glass window ang buong syudad ng Los Angeles. Kitang-kita pa niya ang Historial Landmark ng 'Hollywood' sign sa itaas ng bundok.

Kahit kaylan ay hindi sumagi sa isip ni Lyra na makakarating siya lugar na ito. Hindi tuloy niya alam kung nananaginip lang ba, o talagang nandito na siya ngayon sa lugar na ito.

Kasalukuyan siyang abala sa pagkuha ng picture sa labas ng glass window nang maramdaman niyang may mga bisig na pumalupot sa kanyang beywang. Naramdaman niya ang init ng katawan ni Agustin na yumakap sa kanyang likuran.

"Do you like it?" halos pabulong na tanong nito sa kanyang tenga. Naramdaman pa nga niya ang mainit na hininga nitong dumampi sa dulo ng kanyang tenga.

Nakangiting humarap siya sa asawa, "Yes! Yes!" nagawa pa niyang pisilin ang magkabilang pisngi nito. Kitang-kita niya na parang kamatis itong namula sa pagkakakurot niya, "Sayang wala rito ang mga kapatid ko," may halong guilt na turan niya.

"Hey..." saway ni Agustin saka hinawakan nito ang magkabila niyang kamay, "...Kalimutan mo muna ang mga kapatid mo. Busy sila sa training ngayon."

"I know," napasimangot si Lyra, "Di lang ako sanay na malayo sila sa atin."

"Pwes..." bumaling naman ang mga kamay ni Agustin sa magkabilang pisngi ni Lyra, "...Masanay ka na dahil mapapadalas na ang pag-a-out-of-town natin. Remember, ikaw na ngayon si Misis Agustin Peñafrancia!" anito saka siya hinalikan nito sa mga labi.

Tumugon si Lyra. Lumalalim na ang halik na namamagitan sa kanila nang biglang tumunog ang phone niya.

"Ay, kamote!" Napakislot si Lyra dahil naka-high volume pala iyon plus naka-vibrate pa pala ang phone niya.

Bahagya namang natawa si Agustin sa naging reaksyon niya.

Dahil na rin sa gulat kaya nagawa na niyang tignan kung sino ang tumatawag sa kanya.

"Ang mga bata!" sabi niya kay Agustin at saka na niya ito sinagot.

"Ahhhhh..... excuse meeeeee!"

Hindi maiwasan ni Lyra ang matawa nang bumungad sa screen ng kanyang cellphone ang singkit na mga mata ni Jimmy. Kitang-kita rin niya ang magandang ngiti nito.

Sa pito niyang kapatid, tanging si Jimmy lang ang nakuha ng magandang ngiti ng kanilang ina. Mukha rin itong babae dahil sadyang napakaamo ng mukha nito.

"Good Morning, My lovely sister!" dagdag pa nito, "You are so Lovely! I'm so lovely! We are so lovely! Lovely! Lovely! Lovely!"

"Paano ka?" nagtatakang tanong ni Lyra sa kapatid.

"I'm practicing english, Ate! For the future!" sabi nito, "Oh Tony!!!!!"

"Sino si Tony?" napakunot ang noo ni Lyra.

"English Teacher nila," si Agustin ang sumagot.

"Ate, pasalubong ah!" biglang sabi ni Jun.

"Sure!" tuwa niya.

Hindi niya tuloy maiwasan ang mamimiss ang kanyang mga kapatid. Kung dati ay takot siyang iiwan ang mga ito, ngayon ay panatag na panatag siya. Alam niyang hindi ito pababayaan ng mga tauhan ni Agustin. At saka natuto na rin ang mga itong ipagtanggol ang kani-kanilang sarili.

Nang matapos ang mahabang pag-uusap nila ng kanyang mga kapatid ay pinagbihis siya ni Agustin. Ayon rito, may dadaluhan silang isang art exhibit event. At bilang may bahay nito, kailangan niyang naroroon.

Magkasama silang umattend ni Agustin sa naturang event. Ang buong akala ni Lyra ay simpleng date lang iyon sa kanilang dalawang mag-asawa. Pero pagbalik nila sa Hotel na tinutuluyan nila, hindi niya sinasadyang matuklasan ang tunay na dahilan kung bakit nandoon sila ngayon sa Los Angeles.

"Yes, Yuki! After two weeks natagpuan na rin natin ang painting!"

Bahagyang nagtago si Lyra sa gilid para hindi siya mapansin ng asawa. Wala siyang ideya kung ano pinag-uusapan ng mga ito dahil nakasuot ng earphone ang asawa niya. Pero natitiyak niyang si Yuki nga ang kausap nito sa kabilang linya.

"Finally, after two weeks natagpuan na rin natin!" ngumiti si Agustin, "Thank you for all your hard work, Seven Dwarfs! Hindi naman... Kaya nga hindi ko kayo sinama para hindi manghinala ang ate n'yo na may mission tayo rito."

Napakunot ang noo ni Lyra sa narinig.

"So, kaya pala tayo pumunta rito para sa mission? Hindi dahil sa Honeymoon natin?" hindi na nakatiis pa si Lyra kaya nilapitan na niya ang asawa.

"Ay kamote ka!" bulaslas na rin ni Agustin nang makita siya nito sa likod.

Napatingin na si Lyra sa cellphone ni Agustin na nakapatong lang sa lamesa. Doon niya nakita ang mukha nila Jinjin at Yuki sa screen. Parang nagulat rin ang mga ito nang makita siya.

Natatakot na kumaway ang mga ito sa screen pero mabilis ring nagsigning-off. Pagkaraan ay matatalim na tingin ang binato niya sa asawa.

Ngumiti lang ito sa kanya.

"Tell me about the painting!" utos niya rito.

"Ha?"

"Tell me," utos niya rito.

"Okay," pagsuko nito, "Two weeks ago, may nakuha kaming impormasyon tungkol sa black market na nagbebenta ng mga relief sculpture ng Philippines. May lead na kami kung sino ang nasa likod ng mga transtraction sa black market. Pero wala pa kaming sapat na katibayan."

"And?" pagkainip ni Lyra.

"Ayon sa intel na nakuha ni Yuki and Jinjin, ang painting na nasa art gallery kanina ang susi para sa mga nakatagong imbidensyang hinahanap namin," pagpapatuloy nito.

"Kaylan mo balak kunin iyon?" usisa niya.

"Bakit mo tinatanong?" napakunot ang noo nito.

"Sasama ako!" sagot niya.

"Pero masyadong delikado iyon lalo na hindi basta-basta ang mga security rito!" babala nito.

"So?" ngumiti siya.

"Ano'ng so? Sasama ka talaga?" paniniguro nito.

"Remember? Ako na ngayon si Misis Agustin Peñafrancia? Misis Lyra Infantes-Peñafrancia, Codename: Snow White!" paalala niya rito sabay ang paghawi niya sa kanyang mabahang buhok.

Marahas na hininga na lang ang pinakawalan ni Agustin. Wala na rin itong nagawa pa kungdi ang sumunod sa kanya.

Itutuloy...

🍎🍎🍎🍎🍎🍎🍎


CODENAME: Snow White (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon