Chapter 23

402 18 0
                                    

🍎 Chapter Twenty-Three 🍎

LIHIM NA NAPAKUNOT ANG NOO ni Lyra habang pinagmamasdan niya si Berto na nagmamaneho ng sasakyan. Hindi niya alam kung naninibago lang ba ito sa daan dahil nasa Hongkong sila, o pinapasikut-sikot lang ba talaga siya nito. Samantalang nilagay naman niya sa ibabaw ng dashboard ng sasakyan ang cellphone niya, wala na itong gagawin kungdi sundan kung nasaan tinuturo ang location ni Agustin.

Seryosong kinuha na niya ang kanyang baril. Sa muling pagkakataon ay nagawa niya itong tutukan.

Nagulat naman si Berto pero nananatili itong naging kalmado sa paghawak ng manibela.

"Akala mo ba hindi ko napapansin?" sita niya rito, "Ano'ng gusto mo, mamatay ka ngayon rito o ako na lang ang magdrive?"

Lihim na pinagsisihan ni Lyra kung bakit nagawa pa niyang isama ito, ganoong pwede naman silang dalawa ni Natasha lang. Kasi naman mahigpit din na bilin sa kanya ni Agustin na dapat may kasama siyang dalawang body guard palagi. Nakakainis lang, hindi niya namamalayan na napapasunod na pala siya sa mga bilin sa kanya ng asawa niya. Dati naman wala siyang pakealam. Bakit ngayon, nagagawa niyang maging sunud-sunuran rito?

"Ano?" pagbabanta niya kay Berto, "Wala akong pakealam kung ilang anak ang pinapakain mo ngayon. Simpleng utos ko sa'yo ayaw mong sundin!"

"Patawad po, Lady Lyra! Pinag-utusan lang din po ako ni Boss!" sabi nito, "Pero sige po, dadalhin ko na po kayo sa location!"

Pagkasabi nito iyon ay binilisan na nito ang pagpapatakbo ng sasakyan.

Doon na naging panatag si Lyra. Pero muli na naman kumulo ang dugo niya kay Berto dahil wala na silang maabutan nang makarating sila location. Tanaw palang ang naturang pabrika ay bigla na itong sumabog.

Kumbaga sa isang movie, ending na lang ang naabutan nila.

Huminto sila hindi di kalayuan.

Kinuha niya ang binocular niya. Sinipat niya ang location kung saan nakita niya mula sa kanyang kinaroroonan ang kanyang asawa at mga tauhan nito. Nakita niyang may kausap si Agustin sa cellphone nito.

Saka naman binalingan ni Lyra ang kanyang body guard na naabutan niyang may kausap rin sa telepono.

Bigla siyang kinutuban.

Kaya inis na niyang nilapitan ito. Wala sa loob na inagaw niya ang cellphone nito saka binato sa lupa. Hindi pa siya nakontento, binaril pa niya iyon.

"Bumili ka na lang ng bago!" inis niyang tinalikuran ito, "Pagbibigyan kita ngayon. Sa oras na ulitin mo ito sa akin, ataul mo na ang ipapabili ko sa'yo!"

Napalunok naman ang lalaki.

May pagbabanta niyang inirapan ito. Saka na siya muling sumakay sa sasakyan nila. Kahit papaano kasi ay gumaan na rin ang pakiramdam niya dahil ligtas ang asawa niya sa panganib. Alam naman niyang kaya na nito ang sarili, at gumagawa na ito ng mga mapanganib na mission noon pa. Pero ewan nga ba niya, masyado na siyang nag-aalala rito.

"Umuwi na tayo!" utos niya.

Sumakay na rin sila Berto at Natasha sa sasakyan nila.

Halos wala na siyang imik hanggang makauwi na sila. Dali-dali na siyang pumasok sa loob ng bahay. Dumiretso siya sa kanilang kuwarto.

Mabilis siyang nagpalit ng damit.

Tapos na siyang magbihis nang marinig niya ang mga sasakyan na dumating sa kanilang bahay. Sumilip siya sa bintana. Hindi nga siya nagkamali dahil ang mga sasakyan iyon ni Agustin.

Halos padive siyang humiga sa kama. Katulad kaninang iwan siya ni Agustin ay nagkuwari pa rin siyang natutulog. Kahit ang totoo ay lihim niyang pinakiramdam ang kilos ng asawa.

Nagulat siya nang hindi niya naramdaman humiga ito sa tabi niya. Kungdi lumabas ito ng kuwarto.

"So, siya pa ngayon ang galit?" inis na bulong niya sa kanyang sarili.

Pinilit na lang ni Lyra ang matulog mag-isa kahit masama ang loob niya sa kanyang asawa.

Kinabukasan, dismayadong gumising si Lyra dahil walang bakas na natulog si Agustin sa tabi niya. Nakaramdam na rin siya ng guilt dahil napag-isip isip niya na masyado na rin yata siya naging isip-bata, at sumobra ang pagpapabebe niya rito.

Sumilip muli siya sa bintana. Tinignan niya sa garahe kung kompleto ba ang sasakyan nito. Nang makita niyang kompleto ito, ibig sabihin lang iyon ay hindi ito umalis ng bahay.

Naisipan na niyang lumabas ng kuwarto. Maghahanda na lang siya almusal para rito dahil alam niyang pagod rin ito. At natitiyak niyang baka natutulog pa ito dahil pagkagaling nila sa Los Angeles hanggang dito sa Hongkong ay kulang na kulang din ang tulog nito.

Tahimik ang buong bahay.

Bumababa siya ng hagdanan.

Patungo na siya ng kusina nang may mga bisig ang mabilis na pumalupot sa kanyang beywang at mabilis siyang nitong hinila.

Nagulat si Lyra kaya nagawa niyang hinanda ang sarili para dumepensa. Mabilis na umarko ang mga daliri niya banda sa mga ugat ng leeg nito. Pero bigla rin niyang natigilan nang makilala niya kung sino ang taong humila sa kanya.

Matamis na ngiti naman ginanti sa kanya ni Agustin na parang nagpalambot ng husto ng kanyang puso. Naka-white sando ito na pinatungan ng white nitong polo. Medyo sabog pa nga ang buhok nito na halatang bagong gising lang din. Pero sadyang napaaliwalas ng mukha nito.

Aktong magsasalita na sana si Lyra nang bigla siyang siniil ito ng halik. Mainit at malalim. Mapagparusa, at damang-dama niya ang pananabik nito sa kanya.

"I hate you!" sabi nito saka siya nito marahas na sinandal sa pader, "Ikaw lang ang babaeng gumawa sa akin ng ganito, alam mo ba 'yun?"

"Of course, I'm your wife!" pagmamalaki niya.

Mariin siya niton tinitigan. Parang nakikipaglabanan ito ng titigan sa kanya. At hindi naman siya magpapatalo.

Sa bandang huli ay kinabig nito ang batok niya para muling siyang siniil ng halikan.

Gumanti si Lyra. Hindi siya nagpatalo rito. Masasabi niyang nasabik rin siya rito.

Dahil na rin sa iba't ibang emosyon na nararamdaman niya, namalayan na lamang niyang nasa kuwarto na silang dalawa. At muli nilang pinadama kung gaano sila nanabik sa isa't isa.

Hapon na noong niyaya siya ni Agustin na lumabas. Ang buong akala niya ay kakain lang silang sa labas pero laking gulat niya nang dalhin sa siya nito sa Disneyland.

Ang mas kinagulat niya, naabutan nila roon ang pito niyang kapatid. Gulat na gulat siyang napatingin sa kanyang asawa.

"I feel guilty na tayong dalawa lang ang pupunta rito na hindi sila kasama. Eh, tinulungan din naman nila sa tayo sa mission," katwiran nito, "Kaya noong umalis tayo sa Los Angeles, pinasundo na rin sila."

"Seriously?" gulat pa rin ni Lyra. At saka matamis na ngiti ang pinakawalan niya. Nagawa na rin niyang yakapin ito ng mahigpit.

itutuloy....

🍎🍎🍎🍎🍎🍎🍎

CODENAME: Snow White (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon