🍎 Chapter Eighteen 🍎
HINDI MAIWASAN NI LYRA ang kabahan nang isa-isa na niyang nakikilala ang mga taong dumalo sa kasal nila ni Agustin. Tanaw na tanaw niya mula sa kanyang kinaroroonan ang mga kilalang tao na hindi niya inaasahan na naroroon sa pagdiriwang na iyon. Mga kilalang tao sa bansang Pilipinas, mga politicians, artista, modelo, mga negosyante basta kilalang personalidad sa bansa.
Wala pang sinasabi sa kanya si Agustin kung ano ang rango ng mga ito sa kanilang Secret Organization. Pero natitiyak niyang hindi rin basta-basta ang mga ito.
Napabaling na lang ang tingin ni Lyra kay Agustin nang maramdaman niya ang paghawak nito sa kamay niya. Parang naramdaman nito ang tumatakbo sa isip niya sa mga sandaling iyon.
"Dito palang iyan sa bansang Pilipinas, wala pa tayo sa ibang bansa," bulong nito.
Napalunok si Lyra. Pakiramdam kasi niya para siya ngayong nasa loob ng aquarium na pinalilibutan ng malalaking pating. Sa konting pagkakamali lang niya, posibleng kainin siya ng mga ito ng buo. Pakiramdam rin niya, ginawa niyang paing ang kanyang sarili sa mga gutom na halimaw ng bansa.
Hinawakan ni Agustin ang pisngi niya. At umarte itong hahalikan siya sa pisngi pero may binulong lang ito sa kanya.
"Ngayong asawa na kita, magdadalawang-isip na ang ilan sa kanila na gawan kayo ng masama ng mga kapatid mo," palambing nitong bulong na parang sinasadya nito na ipakita sa lahat kung gaano sila kainlove sa isa't isa.
Nakangiting tumango siya.
Pero sa loob-loob niya gustong-gusto na niyang matapos ang kasalang ito dahil marami siyang bagay na gustong itanong rito pag-uwi nila ng bahay.
"I need to go to restroom," maya-mayang pagpapaalam ni Lyra sa kanyang asawa.
Tumango naman si Agustin pero naramdaman niyang pinasundan siya rito sa dalawa nitong bodyguard. Parang sinisigurado talaga nito ang kaligtasan niya.
Kasunod rin niya si Natasha na siyang nagreretouch ng make-up niya.
Hinanap niya ang restroom. Pero bago siya pumasok sa loob ay chineck muna ng dalawang bodyguard niya ang loob ng restroom.
"Clear," anang isa.
"Grabe, ah!" natatawang komento niya.
"Ginawa lang po namin ang trabaho namin, Madam!" magalang na sagot ng naturang bodyguard.
Para naman kinilabutan si Lyra nang sinimulan siyang tawaging Madam ng mga tauhan ni Agustin. Dati-rati, miss lang ang tawag ng mga ito sa kanya. Ngayon, Madam talaga? Hindi siya sanay!
"Pwede bang huwag n'yo akong tawaging Madam, kinikilabutan ako eh!" reklamong sabi niya rito bago siya pumasok sa loob, "Tunog matanda!"
Bahagya naman napabungisngis si Natasha sa tinuran niya. Samantalang gulat namang nagkatinginan ang dalawang bodyguard sabay ang pagkamot ng ulo.
Saka naman nagpakawala ng marahas na hininga si Lyra nang mapag-isa na siya sa restroom. Pakiramdam niya, bahagya siyang nakahinga ng maluwag nang lumayo siya sa venue. Oo masaya ang buong paligid pero damang-dama niya ang tensyon sa pagitan ng mga myembro ng Secret Organization nila. Parang anumang oras posibleng magkaroon ng kaguluhan.
Tumingin siya sa kanyang sariling repleksyon.
Iniisip niya, ano kaya ang magiging reaksyon ng kanyang magulang ngayon kasal na siya? Aaminin niyang lumalalim na ang pagtingin niya kay Agustin. Pero hindi pa rin siya nakakasiguro sa nararamdaman nito sa kanya.
Sino kaya ang nagbigay rito ng mission para kanilang magkakapatid?
Nasa ganoon siyang pag-iisip nang makarinig siya ng mahinang kaluskos banda sa isa sa mga cubicle. Teka, akala ba niya chineck ng mabuti kanyang mga bodyguard niya ang restroom bago siya pumasok?
BINABASA MO ANG
CODENAME: Snow White (Complete)
ActionSimula nang maulila, si Lyra na tumayong ama't ina sa pito niyang kapatid. Sa murang edad niya, isang secret organization ang nagtrain sa kanya bilang maging isang secret agent. Ang tingin ng lahat sa kanya ay isa lamang siyang ordinaryong babaeng...