Chapter 13

527 25 1
                                    

🍎 Chapter Thirteen 🍎

HATING-GABI NANG PALIHIM NA umalis ng bahay ang pitong magkakapatid na hindi man lang nagpaalam sa Ate Lyra nila. Sabay-sabay silang nagtungo sa secret headquater ng Kuya Agustin nila para isakatuparan ang unang mission na binigay sa kanila.

"Siya si Allan Lazaro, ang kapatid ni Congressman Albert Lazaro. Na pinatay ng Ate Lyra ninyo noong nakaraang taon. Siya ang utak ng rebellion noong nakaraang suicide bombing sa Rizal Park. Nag-aangkat rin sila ng mga illegal na armas kaya mag-iingat kayo. Kayo na ang magtapos sa mission na sinimulan ng Ate Lyra n'yo!"

Mula sa malaking screen ay nakita ng pitong magkakapatid ang itsura ng main target nila.

Ilang linggo rin nilang pinaghandaan ang pagkakataon na ito para makaganti sa mga taong nagtangka sa kanilang buhay.

May takot mang nararamdaman ay buo na ang pasya nilang pito. Oo, mga bata lang sila, pero hindi iyon hadlang para maprotektahan ang nag-iisang babaeng pinakamamahal nila.

Iyon ang Ate Lyra nila.

Gamit ang sasakyang pagmamay-ari ng Kuya Agustin nila, dinala sila nito sa lugar kung saan nila gaganapin ang kanilang unang mission.

Si Yuki, Jimmy at Tata ang unang pangkat na papasok sa loob ng warehouse. Gamit ang archery na anim na buwan nilang pinag-husayan, iyon ang magiging hudyat ng pagpasok nila Arjhay, Jinjin at Cobi. Ang ikalawang pangkat na maglalagay ng bomba sa bawat sulok warehouse. At si Jun ang pitong taong gulang na nakamonitor sa loob ng sasakyan. Siya rin ang may hawak ng control sa lahat ng bombang maikakabit ng kanyang mga kapatid.

Bago simulan ang mission, tiniyak muna ni Agustin ang kaligtasan ng mga bata. Wala pa talagang sapat na training ang mga ito, kaya siya at mga tauhan niya ay palihim lang nakamantyag. At handa sa mga posibleng mangyari.

Pero mukhang determinado ang pitong kapatid ni Lyra na makaganti.

Dahil maliliit lang, at sadyang laki rin sa kalye. Maliliksi ang mga ito kung kumilos. Kaagad na nakapasok ng walang kahirap-hirap sila Yuki, Jimmy at Tata sa loob.

Sa pitong magkakapatid si Yuki ang pinakamagaling pagdating sa archery, sumunod si Jimmy. Dahil naman sa pagsisikap ni Tata, naging mahusay na rin ito.

Sa unang pagbitaw ni Tata sa kanyang palaso ay automatikong dumiretso ito sa ulo ng unang bantay. Ganoon rin ang pangalawa at pangatlong pinakawalan nila Yuki at Jimmy. Hindi na rin pinalagpas ng tatlo ang mga CCTV.

Walang naganap na ingay kaya malayang na nakapasok sa loob sila Jinjin, Arjhay, Cobi sa loob. May armadong lalaking naglilibot sa mga paligid. Pero bago pa sila makita ay nagagawa na nilang gilitan ang leeg ng mga ito. Na parang sanay na sanay sila sa kanilang ginagawa.

Tumatalsik ang mga pulang likido mula sa mga bantay na napapatay nila. Nang nasiguro na nilang wala nang buhay mga ito saka na sila naglalagay ng bomba.

Sa tagal nilang pagmamatyag kay Allan Lazaro, alam na rin nila kung saan ito madalas naglalagi sa warehouse. Sa bulok nitong opisina na panahon pa yata ng kopong-kopong huling nalinisan.

Doon na rin nagkita-kita ang magkakapatid.

Si Jinjin ang marahas na nagbukas ng pintuan. Eksaktong nakaupo ang lalaki sa naturang swivel chair nito. Parang lulong pa sa alak.

Parang mga sundalong pumasok sa loob ng lima pang kapatid ni Lyra na nakaarko ang mga panang nakatutok sa lalaki.

"Sino kayo?!" gulat nito.

"Kami ang Seven Dwarfs ni Snow White!" tugon ni Jinjin.

"Seven?" natawang react ng lalaki at nagawa pa nitong bilangin ang mga binatilyo sa harapan nito, "Eh, anim lang kayo!"

CODENAME: Snow White (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon