🍎 Chapter Nine 🍎
MAY LUNGKOT ANG MGA MATA ni Lyra nang muli niyang dinilat ang kanyang mga mata. Isang araw palang siya sa kuwartong ito ay samu't samong katanungan na ang gumulo sa kanyang isipan. Bakas na bakas pa rin sa kanyang mukha ang labis na pag-aalala para sa kanyang mga kapatid.
Wala siyang ideya kung ligtas ba ang mga ito ngayon? Kung kumain ba ang mga ito?
Lihim niyang ipinangako sa kanyang sarili na mag-iipon lang siya ng konting lakas, tatakas siya sa bahay na ito. Lihim na rin niyang pinag-aralan ang bawat detalye sa silid na iyon. Nagsisimula na ring magplano ng dapat niyang gagawin.
Tanghalian nang hatiran siya ng pagkain ng kasambahay ni Agustin. Pero hindi niya iyon masyadong kinain dahil sa labis na pag-aalala.
Wala na siyang lagnat. Pero bahagya pang kumikirot ang braso niya.
Pagdating ng hapon. Kasalukuyan siyang nakatanaw sa bintana nang bumukas muli ang pintuan. Pumasok ang tatlong kasambahay na may pare-parehong uniform. May mga bitbit itong kahon.
"Pinapasabi po ni Sir Agustin na tutulungan po namin kayong mag-ayos. Nais po niya kayong makasabay sa hapunan mamaya," kaswal na sabi ng isang babae na siyang madalas na naghahatid sa kanya ng pagkain. Natasha ang pangalan.
"Pakisabi masama pa ang pakiramdam ko," tanggi niya.
"Nandito po kami para alalayan ka," anang isa. Nagpakilala ito sa ngalan na Lupe, "Kahit gumapang ka pa daw po, kailangan ka namin madala sa mamaya sa kanya."
"Aba, napaka-demanding din pala ng amo n'yo noh!" inis niya.
"Paki-usap po, Miss Lyra," anang isa pa. At Rose ang pangalan, "Kung hindi, kami po ang malalagot sa kanya."
Lihim na napakuyom ang kamao ni Lyra. Ano bang klaseng tao ang Agustin na iyon, at parang takot na takot ang mga kasambahay na ito rito? Sabagay, ganito naman talaga ang mga mayayaman. Porquet may pera, akala ng mga ito ay kayang-kaya na nitong bilhin ang buong mundo gamit ang pera.
Nakakaramdam man ng pagkainis, wala nang nagawa pa si Lyra kungdi ang sumunod. Nakadama rin kasi siya ng awa sa tatlong kasambahay.
Hinayaan na niya ang mga ito kung anuman ang inutos ng amo nito.
Nagawa ng mga itong linisin ang sugat ni Lyra. Pagkaraan ay nagawa pa siyang alalayan ng mga ito sa paglilinis ng kanyang katawan. Daig pa niya ang isang prinsesa kung pagsilbihan ng mga ito.
Nang matapos, kitang-kita ni Lyra ang gulat sa mukha ng mga ito habang nakatitig sa kanya.
Kasalukuyan siyang nakasuot ng kulay cream na round-neck sleeveless. At tinernuhan ito blue-gray na A-cut na palda na hanggang tuhod ang tabas. Kung tutuusin simple lang pananamit niya, pero nag-iba ang aura ng mukha ni Lyra. Siguro dahil mga branded ang pinasuot sa kanya kaya nadala siya ng kagandahan ng damit niya.
"Ang ganda!" komento ni Lupe, "Panira lang ang sugat pero napakaganda po ninyo!"
"Salamat," nakadama naman hiya si Lyra sa turan nito.
"Napakaganda pa ng buhok mo, Miss Lyra!" ani Rose habang sinusuklay nito ang mahabang buhok ni Lyra. Pagkaraan ay may nilagay itong clip banda sa itaas ng kanang tenga niya.
Lotus Flower ang design ng naturang ipit na siyang lalong nagpaaliwalas sa mukha niya.
Eksakto ala-syete na ng gabi nang sinamahan na siya ng tatlong kasambahay patungo sa dining area.
Lihim naman pinag-aralan ni Lyra ang mga pasilyong dinaanan nila. Sinasaulo niya ang mga daan na pwede niyang daanan kung sakaling dumating na araw ng pagtakas niya.
Sadyang napakalaki nito.
Para siyang nalulala.
Dahil sa kanyang iniisip na pagtakas ay hindi na namalayan ni Lyra na narating na nila ang dining area kung saan naghihintay na roon si Agustin. Naabutan nila itong nakatanaw sa labas ng bintana na parang napakalalim ng iniisip nito.
"Sir, nandito na po si Miss Lyra," magalang na sabi ni Natasha.
Sa pagkakataong iyon, napalingon na sa kanila ang lalaki. At doon naman muling kumabog ng malakas ang dibdib ni Lyra nang magtama ang kanilang mga mata.
Kasalukuyan itong nakasuot na kulay brown na v-neck long sleeves. At simpleng tinernuhan lang ng black pants.
Kung tutuusin simple lang din ang damit nito pero napalakas ng dating nito kay Lyra. Hindi rin niya maiwasan ang mapatingin sa mapula-pula nitong mga labi. Para kasing automatikong nagrewind sa kanyang utak ang halik na naganap sa kanila noong nakaraang araw lang. Para tuloy gusto niyang matikman ulit iyon.
"Hello?"
Para namang natauhan bigla si Lyra nang pumitik ito sa harapan niya. Pagkaraan ay nakita niya ang pag-arko ng isang sulok ng labi nito. Parang alam na alam nito kung ano ang tumatakbo sa utak niya.
"Take a seat," natatawang utos nito.
Napahiya naman si Lyra. At mabilis siyang umiwas ng tingin. Binalingan niya ang mga kasambahay na pasimpleng natatawa.
Obvious na obvious ba ang pagkakatulala niya?
Sinenyasan ni Agustin ang isa sa mga kasambahay para alalayan si Lyra sa uupuan nito.
Hindi naman maiwasan ni Lyra ang magtaka. Silang dalawa lang naman ang kakain diba? Pero bakit ang laki ng lamesa, at may mga pinggan ding nakahain sa bawat upuan.
Kapwa sila nakaupo ni Agustin sa kabisera ng lamesa. Magkatapat.
Hindi tuloy maiwasan ni Lyra ang mainis dahil first time nilang magkasama ni Agustin mag-dinner pero pakiramdam niya may nakakahawa siyang sakit dahil ang layu nila sa isa't-isa.
"Hindi ka daw masyadong kumakain," pagbabasag ni Agustin sa katahimikan.
"Sa tingin mo magagawa ko pang kumain na hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa mga kapatid ko?" inis niyang panunumbat rito, "Saka tayong dalawa naman diba? Bakit ang layu-layo mo? Hindi tuloy kita marinig masyado."
Bahagyang natawa naman ni Agustin sa mga sinabi niya.
"Dahil may mga kasama pa tayong kumain," turan nito.
Sa pagkakataong iyon, dumating ang isang lalaking dinaig pa yata ang cast ng 'Men In Black' sa klase ng pananamit nito.
"Nandito po sila, Sir!" anito.
"Sige papasukin mo na sila," nakangiting utos ni Agustin.
Hindi naman maiwasan ni Lyra ang magtaka dahil sa pagkakatingin sa kanya ni Agustin. Pero nawala ang atensyon niya rito nang makita niya ang pitong lalaking pumasok sa dining area. Nanlaki ang mga mata niya nang makilala ang mga ito.
"Ate Lyra!" patakbo siyang nilapitan ni Jun. At mahigpit na yakap ang binigay nito sa kanya. Tanda na hindi panaginip ang lahat.
itutuloy...
🍎🍎🍎🍎🍎🍎🍎
BINABASA MO ANG
CODENAME: Snow White (Complete)
ActionSimula nang maulila, si Lyra na tumayong ama't ina sa pito niyang kapatid. Sa murang edad niya, isang secret organization ang nagtrain sa kanya bilang maging isang secret agent. Ang tingin ng lahat sa kanya ay isa lamang siyang ordinaryong babaeng...