Chapter 15

504 19 5
                                    

🍎 Chapter Fifteen 🍎

NADINIG NA NI LYRA ANG PAGTUNOG ng kanyang alarm clock pero hindi pa rin niya magawang bumungon sa kanyang higaan. Nagawa pa nga niyang kunin ang isang unan niya. At hindi niya maiwasan ang mapangiti dahil parang naamoy pa niya si Agustin sa unang iyon kaya mahigpit niya itong niyakap.

Simula nang gawin na nila ang pinagbabawal na teknik ay halos gabi-gabi na itong natutulog sa kuwarto niya. At gabi-gabi na nilang pinasasaluhan ang kagandahan ng kalangitan. Hindi pa sila kasal pero ilang beses na niyang sinuko ang kanyang sarili rito.

At hindi pa rin mawala ang kanyang kilig sa tuwing naiisip niya ang guwapong mukha ni Agustin.

"Grabe, hindi ko akalain mas lumalala siya ngayon kesa sa dati."

Nagawa nang idilat ni Lyra ang isang mata niya nang parang narinig niya ang boses ng isa sa mga kapatid niya. At ganoon na lang ang laking-gulat niya nang bumungad sa kanyang paningin ang seryosong mukha ni Yuki.

Napabangon siyang bigla habang sabog sabog pa ang kanyang buhok. Doon niya napagtanto na pinalilibutan na pala siya ng pitong kapatid niya. Mga seryoso ang mukha ng mga ito habang mga nakakrus pa ang mga braso.

Sa halos pitong buwan na silang paninirahan sa bahay na iyon, parang nakuha na rin ng mga ito kung paano kumilos si Agustin.

"Wala ba kayong mission ngayon?" nayayamot na napakamot ng ulo si Lyra.

"Hala siya!" react ni Jinjin.

"Maipapaliwanag mo ba ito, ate?" inis na pinakita sa kanya ni Arjhay ang headline sa newspaper na hawak nito.

Nanlaki ang mga mata ni Lyra nang mabasa niya ang pangalan niya at ni Agustin. Tungkol ito sa kasal nilang gaganapin na ngayong Sabado, tatlong araw mula ngayon.

"Sabado!?" gulat din niya. Saka siya napahawak sa kanyang ulo. Wala kasi siyang natatandan na may napagkasunduan na silang araw ng kasal nila ni Agustin.

"Hindi mo alam?" tanong ni Arjhay.

"Hindi..." naguguluhan siyang napakamot ng ulo. Inaalala niya kung may nabanggit ba si Agustin tungkol rito. At bakit biglaan? Nagmamadali ba ito? Saka bakit hindi man lang nito binabanggit sa kanya? Eh, gabi-gabi naman silang magkasama.

"Trending ka rin sa social media," ani Yuki.

"Naging instant celebrity ka, ate!" segunda naman ni Jimmy.

"Tingin ko nagulat ka ngang talaga," sita Arjhay, "Kami ngang mga kapatid mo nagulat. Ikaw pa kaya!"

"Nasaan siya? Kakausapin ko siya," tanong niya sa pitong kapatid.

"Wala siya ngayon. Maaga siyang umalis," si Jinjin ang sumagot, "Wala rin siyang binilin na kahit ano sa amin."

Hindi na siya kumibo.

Maski magpaalam sa kanya ay hindi nito ginagawa. Minsan nagigising na lang siya tuwing umaga na wala ito sa tabi niya.

Nagdesisyon si Lyra na hihintayin na lang niya ang pagdarating ni Agustin. Gusto niyang kausapin ito tungkol sa kanilang kasal. Pero nakatulugan na niya ang paghihintay ay walang Agustin na umuwi.

Kinabukasan, naisipan ni Lyra na kausapin ang isa sa mga tauhan ni Agustin, si Lando.

"Saan ang amo mo, Lando?" tanong niya rito.

"Urgent Meeting," maiklang tugon nito.

"Meeting or Mission?" napakunot ang noo ni Lyra.

"Mission," tugon na lang nito.

CODENAME: Snow White (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon