Chapter 33

242 4 0
                                    

🍎 Chapter Thirty-Three 🍎


HABANG HINAHABOL NI LYRA si Moca ay namataan n niya sa bawat sulok ng kanyang mga mata ang mabilis na pagsunod ng palihim ng kanyang mga kapatid. Mabilis itong nag-iba iba ng direksyon dahil plano nilang mapalibutan ito.

Sa kanilang pagtakbo, sa malawak na hardin rin sila napadpad.

Lihim na napangisi si Lyra namataan niya ang pagbagal ng pagtakbo ni Moca. Mukhang tumatalab na rito ang lason na nilagay niya sa kanyang balisong.

Sa isang puno huminto saglit si Moca. Parang kulay suka na ang mukha nito sa sobrang pagkaputla, habang bakas na baka ang paghabol ng hininga nito. Kapansin-pansin na rin ang butil-butil na pawis sa noo nito.

Huminto na rin si Lyra. Pero hindi niya magawang makalapit dahil biglang tinutok ni Moca ang hawak nitong baril sa ulo ni Cade.

Natigilan siya. At lihim na napakuyom ang kanyang kamao. Alam niya sa konting kilos lang niya posibleng mawala sa kanya ang anak niya.

"Sa tagal nating magkasama sa trabaho, alam na natin ang mga kahinaan natin," hinihingal na sabi ni Moca sa kanya.

"Alam mo rin sa oras na may gawin kang masama sa anak ko, hindi ako magdadalawang isip na patayin ka!" pagbabanta ni Lyra rito.

"Huwag kang lalapit kung ayaw mong patay mo na ring makukuha ang anak mo!" pagbabanta nito, "Sa tagal rin nating magkasama sa trabaho, alam mo rin na trabaho lang ito!"

Alam ni Lyra na hindi kaya ni Moca na pumatay ng isang sanggol. Iyon ang kahinaan na alam niya rito. Pero hindi siya dapat magpakampante, hindi niya alam baka nagbago na ito sa paglipas ng taon.

Pero hindi. Napansin ni Lyra ang bahagyang pangangatog ng mga kamay nito. Hindi niya alam kung dahil ba iyon sa lason na binigay rito o talagang hindi nito kayang gawin ang misyon na binigay rito.

"Mommy!" umiiyak nang tawag sa kanya ni Cade.

Sinubukan niyang humakbang papalapit rito.

"Huwag!" banta ni Moca at saka nito tinutoktok ang baril sa kanya. At walang sabi-sabi, kinalabit nito ang gatilyo ng baril.

Ang buong akala ni Lyra ay isang beses lang iyon pero nagulat siya ng magkakasunod na nagpakawala ng bala si Moca.

Nag pakawala ng malakas na iyak si Cade, at sa inosenteng mukha nito ay nabalutan iyon ng matinding takot.

At dahil sa pag-aalala na mabilis na gumapang sa pagkatao ni Lyra para sa kanyang anak ay hindi na niya nailagan ang ilang balang pinakawalan ni Moca.

Isa sa kanyang braso.

Pangalawa sa binti.

At ang pangatlo, dumireto ito sa kanyang dibdib. Nanlaki ang mga mata ni Lyra dahil naramdaman niya ang pagpasok ng bala sa loob ng kanyang katawan. Nakita pa niya ang pagtalsik ng pulang likidonv nanggaling sa mismong katawan niya.

Mabilis na kumilos si Yuki na nasa itaas lang ng puno. Nagawa nitong itali ang leeg ni Moca at palambitin nitong tinali sa matibay na sanga.

Mabilis namang kumilos si Cobi kaya bago pa mabitawan ni Moca si Cade ay nagawa na nitong nakuha ang bata.

"Fire!" sigaw ni Arjhay.

Pagkaraan ay sunod-sunod na nakarinig si Lyra ng mga putok na baril. Kahit nanlalabo na ang kanyang paningin ay kitang kita niya kung paano paulanan ng bala ang katawan ng dati niyang kaibigan.

Nang nasiguro nang wala nang buhay si Moca ay tumalon na si Yuki mula sa itaas ng puno. Halos nanlalambot ang mga tuhod nitong tumakbo sa kinaroroonan ni Lyra

"Ate! Ate Lyra!" umiiyak nitong tawag.

Tumakbo na rin si Arjhay at Jimmy.

"Ate!" malakas na sigaw nila Tata at Jun mula sa loob ng bahay na kasama si Natasha, at dali-daling tumakbo ito papalabas.

"Medic! Medic!" malakas na sigaw ni Yuki at halos hindi nito alam ang gagawin habang kalong ang duguan na katawan ng kapatid.

Samantala, hindi alam ni Agustin kung bakit parang biglang nanikip ang dibdib niya habang tahimik niyang tinatanaw sa malayo ang pagkasunog ng isang malaking mansyon. Nagtagumpay si Jinjin sa unang misyon nito pero bakit nararamdaman siyang kakaiba.

"Boss! Tawag po mula sa bahay!" ani Lando.

Kinuha naman niya iyon.

Si Arjhay ang nasa kabilang linya, at umiiyak ito.

Daig pa niya ang binuhasan ng malamig na tubig matapos niyang marinig mahabang salaysay nito sa kabilang linya. Pagkatapos, napahawak siya sa kanyang dibdib. Pakiramdam niya ay may libu-libong bala ng baril ang sunod-sunod na tumama sa puso niya.

Ang asawa niya, nag-aagaw buhay ngayon.

"Jinjin, let's go back! ASAP!" utos niya kay Jinjin.

Nagtatakang sumunod naman ang binatang si Jinjin. Lalo pa itong nagtaka nang ipaharurot ni Lando ang sasakyan palayo sa lugar na iyon.

"What happened?" nagtatakang tanong ni Jinjin.

"Pinasok ng kalaban ang bahay. Muntik na nilang nakuha si Cade, hinabol ng ate mo..." saglit na napahinto sa pagsasalita si Agustin dahil pakiramdam niya ay biglang nanikip ang kanyang lalamunan. Tinanggal niya muna ang suot niyang necktie. Pagkaraan ay humugot muna siya sa malalim na hininga.

"Kamusta na sila doon?" pagkainip ni Jinjin at napapatingin ito sa paminsan-minsan kay Lando.

"Okay lang si Cade ngayon," tugon ni Agustin.

"Si Ate? Ang mga kapatid ko?" bumakas ang pag-aalalang tanong nito.

"Ligtas ang mga kapatid mo," umiwas ng tingin si Agustin. Saka siya napakuyom ang kamao.

Pero napansin iyon ni Jinjin, "Si Ate? Kamusta si Ate?"

Muling napalunok si Agustin, "Unstable ang condition ng ate mo. Tinamaan siya ng bala sa mismong dibdib."

"What?!" gulat na napasandal si Jinjin. Mabilis namang dumaloy ang luha sa mga mata nito.

Napakuyom ng kamao ni Agustin, "Tinaon talaga ang nawala tayo sa bahay!"

Sunod-sunod na napamura si Jinjin dahil sa sobrang galit.

Hinayaan lang ni Agustin na maglabas ng sama ng loob si Jinjin dahil maski siya ay gusto niyang magwala ngayon. Pero alam niyang wala naman magagawa kung magwawala siya ngayon. Ang mahalaga sa kanya ay malaman kung sino ang may gawa ng panloloob sa bahay nila.

Dumilim ang anyo ng mukha niya. Paano nalaman ng kalaban na wala sila ngayon sa bahay?

Posible kayang may nakapasok rin na ahas sa mga tauhan niya?

"Lando, ihanda mo ng lahat na tauhang nakaduty ngayon sa bahay! Pati sila Natasha at Berto!"

"Roger, Boss!"

Gulat na napatingin si Jinjin kay Agustin.

"Hindi-hindi na mapapalagpas ang ginawa nilang ito!" pagbabanta ni Agustin habang nandidilim na ang aura ng mukha nito.

Itutuloy...

🍎🍎🍎🍎🍎🍎🍎

CODENAME: Snow White (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon