🍎 Chapter Four 🍎
PURPLE BROWN CAFÉ, iyan ang pangalan ng coffee shop na pinagtatrabahuan ni Lyra. Kung titignan ay para lang siyang ordinaryong tambayan ng mga taong mahilig sa kape. Pero walang ibang nakakaalam na ang cafe na ito ay may malagim na lihim. Isa lamang ang cafe iyon sa mga branch ng secret organization na humahandle sa mga secret agent ng bansang Pilipinas.
Kabilang si Lyra, Moca at Davey sa galamay ng naturang secret organization. Maski sila, hindi nila alam kung sino ang pinaka-namumuno sa organization na ito. Minsan na nilang tinangkang alamin ang mga taong nasa likod ng secret organization nila pero kinamuntikan na nila iyong ikamatay.
Kaya kahit puno ng katanungan, patuloy pa rin sila sa paglilingkod rito. Saka malaki rin ang pasasalamat ni Lyra sa mga namamahala ng organization dahil hindi sila pinabayaang magkakapatid. Kaya bilang kapalit, ipinangako niya sa kanyang sarili na tapat siyang maglilingkod sa mga ito.
Pero may mga araw na sadyang tinatamaan sila ng kamalasan. May nagagawa silang kapalpakan paminsan-minsan. Pero nagagawan naman iyon ng paraan.
Sa pagkakataong ito, hindi alam ni Lyra kung papaano ba niya isasangguni ang tungkol sa misteryong lalaking nakakuha ng hairclip niya.
Dapat ba niyang ikabahala iyon?
Halos tatlong araw na ang nakakalipas simula nang gawin niya ang huling mission niya. Nabalita na sa media ang tungkol sa pagpatay kay Mister Chua, at lumabas na rin ang mga katiwaliang kinasangkutan nito.
Tatlong araw na rin simula noon, hindi na niya nakikitang pumupunta ang guwapong costumer nila. Dahil sa basic information na binigay sa kanya ni Davey, napag-alaman niyang Agustin Peñafrancia ang realname nito. Nabibilang ang angkan nito sa Big Ten Business Company. Samahan ng malalaking negosyante sa Pilipinas. Kabilang na roon ang mga malalaking tao, at ilang mayayamang personalidad.
Hanggang ngayon ay malaking pala-isipan pa rin kay Lyra, kung ano nga ba ang ginagawa ng isang Agustin Peñafrancia sa mansion ni Mister Chua?
Sinubukan pa niyang maghanap ng ibang information patungkol sa lalaking iyon pero limitado lang ang nakatala.
Kailangan ba niyang mabahala?
Oo. Hindi siya dapat maging kampante. Dahil sa konting pagpapabaya niya posibleng mapahamak ang buhay niya, at posibleng madamay ang mga kapatid niya.
Lumihis ang pag-iisip ni Lyra nang tumunog ang mga mumunting bell sa pintuan ng kanilang Coffee Shop, ibig sabihin may costumer na pumasok.
"Good Afternoon, Sir! Welcome to Purple Brown ---" hindi na natapos pa ni Lyra ang pagbati nang makilala niya ang lalaking dumating.
Nagsimula nang kumabog ang dibdib niya.
Tatlong araw niyang hindi ito nakita. Hindi niya alam kung ano ba ang dapat niyang maramdaman. Pero hindi niya maitatanggi sa sarili na paminsan-minsan ay hinahanap niya ito. But at the same time, may takot at pagkabahala pa rin siyang nararamdaman.
Diretsong naglalakad ito patungo sa kinaroroonan niya. Habang ang mga mata nito ay diretso ring nakatingin sa kanya.
Lihim na napalunok si Lyra.
Ang lakas ng dating nito lalo na sa suot nitong suit. Ewan niya, para itong Milk Chocolate dahil sa kulay khaki nitong damit. Napaka-elegante nitong tignan sa kanyang paningin.
"W-Welcomeback, Sir! What's your order?" pinilit ni Lyra na maging kalmado sa harapan ng naturang lalaki kahit ramdam na ramdam na niya ang pagra-rumble ng mga daga sa kanyang sikmura.
Kinakabahan talaga siya.
"One slice of red velvet cake, and one black coffee without sugar," nakangiting tugon nito.
"One slice of red velvet cake and one black coffee without sugar," ulit ni Lyra, "Copy Sir! Dine in or take-out?"
"Dine in," maikling tugon nito.
Muling napalunok si Lyra nang magtama muli ang kanilang mga mata. Hindi niya alam pero ramdam na ramdam niyang hindi nito inaalis ang pagkakatitig nito sa kanya. Hindi niya alam, kung guilty lang ba siya? O ganito lang talaga makatingin ito noon pa.
"O-Okay po, sir. Paki-hintay na lang po ang order ninyo. Kami na po ang bahalang mag-serve," casual pa ring sabi ni Lyra kahit ramdam na ramdam na niya ang tensyon sa paraan ng pagkakatitig nito.
Umakto naman itong tatalikuran na siya pero laking-gulat niya nang bigla ulit itong humarap sa kanya. At sa pagkakataong iyon, bahagya na itong lumapit sa mukha niya.
Umarteng hindi natinag si Lyra dahil sa ginawa ng lalaki. Pero mabilis namang kumilos ng palihim ang kamay niya para abutin ang itinatago niyang balisong sa loob ng kanyang uniform. Nakita rin niya sa gilid ng kanyang mga mata ang palihim na pagmamatyag nila Moca at Davey.
Gumihit ang matamis na ngiti sa mga labi ng lalaki, "You know, I like your eyes!" biglang sabi nito.
Nanlaki ang mga mata ni Lyra. Hindi niya alam kung papaano ba siya magrereact sa ganoong sitwasyon. Hindi kasi niya alam kung isa ba iyong papuri o isang senyales na nakikilala siya nito.
"T-Thank you for the compliment, Sir!" sabi na lang niya kahit ramdam na ramdam niya ang malakas na pagkabog ng dibdib niya.
Muli itong nagpakawala ng matamis na ngiti sa kanya. At saka na siya nito tinalikuran, at nagtungo na ito sa paborito nitong spot sa kanilang cafe.
Nakahinga naman ng maluwag si Lyra. At palihim na muli niyang itinago ang balisong sa loob ng kanyang apron. Pagkaraan ay tinapunan niya ng tingin ang dalawang kasamahan. Nagawa na rin niyang hawakan ang kwelyo niya. Senyales ito na nagbibigay siya ng mensahe sa dalawa na 'Ayos lang siya. At wala na silang dapat pang ipag-alala!'
Nakahinga na rin ng maluwag ang dalawa niyang kaibigan.
Pero aaminin ni Lyra, hindi pa rin nawawala ang kaba niya habang naroroon sa cafe nila ang lalaking iyon.
Ang isa pa nilang pinagtataka, bakit ang tagal-tagal nitong tumatambay sa cafe nila. Wala ba itong trabaho? Wala kasi itong ginagawa kungdi ang magbasa ng libro.
Nagtataka na rin sila Davey at Moca kaya pasimple siyang binalaan ng mga ito na baka nakikilala siya ng lalaking iyon.
Halos apat na oras.
Apat na oras itong tumambay sa cafe nila, tapos ay umalis na rin ito.
Doon na nakahinga ng maluwag si Lyra.
Gabi na rin nang muli silang nakatanggap ng bagong mission. Patungkol ito sa kumakalat na balitang magkakaroon ng suicide bombing sa Rizal Park kung saan gaganapin ang event na dadaluhan ng isang kilalang Senator.
Kapwa nagkatinginan sila Lyra, Moca at Davey.
Madalang kasi silang pinagsasama sa iisang mission. Kaya ang ibig sabihin, hindi ito magiging madali sa kanila ganoong nasa public place ang magiging mission nila. At alam nila kapag hindi sila mag-iingat sa pagkilos, posibleng may madamay na mga sibilyan.
Itutuloy...
🍎🍎🍎🍎🍎🍎🍎
BINABASA MO ANG
CODENAME: Snow White (Complete)
ActionSimula nang maulila, si Lyra na tumayong ama't ina sa pito niyang kapatid. Sa murang edad niya, isang secret organization ang nagtrain sa kanya bilang maging isang secret agent. Ang tingin ng lahat sa kanya ay isa lamang siyang ordinaryong babaeng...