Chapter 26

386 17 1
                                    

🍎 Chapter Twenty-Six 🍎

NANG NAKAHANAP NG PAGKAKATAON, nagawa nang kausapin ni Lyra ang asawa tungkol sa mga bata. Pati ang ilang bagay na napapansin niya sa mga ito. Pero parang hindi naman nakukuha ni Agustin ang punto niya.

"Palawan?" napakunot ang noo ni Lyra nang sabihin nitong pupunta sila ng Palawan para makapagbakasyon.

"Bakasyon nga ba talaga?" may pagdududa niyang tinitigan ang asawa, "Sabihin mo, kaya balak mo sa Palawan dahil may misyon ka na naman doon!"

Napabuntong-hininga si Agustin. May kinuha itong mga folder saka nilapag sa ibabaw ng lamesa.

"Hindi mo kailangang ipag-alala ang mental health ng mga kapatid mo," sabi nito, "Once a week may pumupunta ritong Psychiatrist. Iyan ang record nila. Basahin mo kung hindi ka naniniwala."

"Hindi naman iyon ang punto ko," napakagat siya ng ibabang labi, "Gusto ko lang naman na may makasalamuhang ibang bata ang mga kapatid ko. Iparanas mo naman sa kanila na normal silang mga bata, hindi iyong kinukulong sila rito sa bahay mo! Lalabas lang sila kapag may papatayin sila? Tandaan mo, mga bata pa rin sila!"

Hindi kumibo si Agustin.

"Hayaan natin silang bumalik sa normal ang buhay nila. Ngayon pang kaya na rin naman nilang ipagtanggol ang sarili nila," umiiyak na niya katwiran rito, "Pero hindi mo iyon na iintindihan!"

Napakunot ang noo nito.

"Pumunta ka ng Palawan, mag-isa! Hindi kami sasama!" inis na niyang tinalikuran ito. Pero aktong lalabas na siya sa opisina nito nang nagawa siya nitong habulin. Mabilis siya nitong kinabig, at niyakap.

"Nakuha ko naman ang ibig sabihin mo eh. Pero katulad mo, natatakot rin naman ako sa kaligtasan nila. Pananagutan ko sila, eh! Pero kung iyan ang gusto mo, sige. Papayag na akong ibalik sila eskwelahan," masuyong bulong nito.

"Talaga?" humarap si Lyra sa asawa.

"Iyon naman talaga ang gusto mo diba?" paniniguro nito.

Tumango si Lyra.

"Huwag mo na silang intindihin. Baka mapasama pa sa'yo ang sobrang stress. Baka mapano pa ang anak natin," bilin nito sa kanya.

"Ikaw kasi!" paninisi niya rito.

Nagawa nang punasan ni Agustin ang luha sa kanyang pisngi saka na siua nitong hinalikan sa noo.

"Tinawagan ko pala si Doctor Johnson sabi niya pupunta siya rito bukas para sa ultra sound mo. Pwede na daw natin malaman ang gender ni Baby!" excited na sabi nito.

"Six month na pala. Bakit parang nasa stage pa rin ako ng paglilihi?" tanong niya rito.

"Bukas itatanong natin iyan kay Doc. Sa ngayon ipapatawag ko ang mga bata para kausapin tungkol sa napag-usapan natin," sabi nito.

Nakangiting tumango siya. Saka niya masayang niyakap ang asawa.

Tinupad nga ni Agustin ang sinabi nito. After nilang mag-usap na mag-asawa ay kaagad na pinatawag nito ang Seven Dwarfs. Sinabi nila sa mga ito ang plano nilang mag-asawa.

Pero napansin ni Lyra sa lahat ng kapatid niya si Cobi lang ang hindi naging masaya.

"Bakit?" tanong niya.

"Bagong school diba?" nag-aalalang tanong ni Cobi.

"Oo? Bakit?" napakunot ang noo ni Lyra.

Hindi nagsalita si Cobi.

"Ano kasi, ate...." napakamot ng noo si Jinjin, "...Hindi namin sinabi sa'yo pero ilang beses akong pinatawag sa school noon dahil madalas binubully si Cobi ng mga kaklase niya."

CODENAME: Snow White (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon