🍎 Chapter Twelve 🍎
ILANG ARAW NA ANG LUMIPAS, napansin ni Lyra na halos araw-araw may dumarating na mga teacher sa bahay na siyang nagtuturo sa kanyang mga kapatid. Mula sa mga academic subjects hanggang sa extra training, talagang pinag-lalaanan ng panahon ni Agustin ang mga bata.
Pumasok na rin sa isip niya kung ano ba talaga ang plano ng lalaking iyon sa kanilang magkakapatid.
Kinukutuban na rin siya sa mga nangyayari pero kailangan pa rin niyang makasiguro, at mag-ingat sa kanyang kinikilos. Hindi niya alam kung isa bang kakampi ang isang Agustin Peñafrancia, o isang kalaban?
Nakikita naman niya kung gaano kadeterminadong matuto ang kanyang mga kapatid. Halos lahat ng inuutos ni Agustin ay sinusunod ng mga ito.
Ano ba talaga ang napagkasunduan ng mga ito?
Nagtungo si Lyra sa malawak na bakuran kung saan nakikita niyang nag-eensayo ng archery ang pitong kapatid niya. Pati ang bunso nilang si Jun ay nakikisabay sa mga kuya nito. Mas tinalo nga nito si Tata pagdating sa pag-aarchery.
Nakadama ng awa si Lyra nang makita niyang halos mangiyak-ngiyak na si Tata dahil 'ni isa mga tinira nito ay walang tumama. Ilang beses na itong tinuruan ng instructor pero nahihirapan pa rin ito. Si Tata kasi, sakitin ito noong bata. Ito talaga ang labis nagpahirap sa kanya noon. Pasalamat na lang siya dahil nang tumungtong ito ng tatlo ay naging masigla ito.
Aktong lalapitan na sana niya ang kapatid nang lumitaw sa tabi niya si Agustin.
"Ay, kamote ka!" bulaslas niya, "Minsan natatakot na ako sa'yo! Bigla-bigla ka lang lumilitaw sa tabi ko ng walang pasabi!"
Hindi ito kumibo, humigop lang ito ng kape.
"Aaaahhhh!"
Napabaling ang tingin ni Lyra kay Tata nang marinig niyang sumigaw ito. Mukhang sumablay na naman ito sa pagtira. Nakikita na niyang naghalo na ang pawis at luha nito. Nahahabag ang loob ni Lyra kaya tinangka niyang lapitan ito.
"Huwag!" pigil sa kanya ni Agustin.
Natigilan si Lyra.
"Hayaan mo lang ang mga kapatid mong tumayo sa sarili nilang mga paa. Kung papairalin mo ang pagiging pusong-ina mo sa kanila, lalaki lang silang mahina!" makahulugang turan ni Agustin saka siya tinalikuran nito.
Napabuntong-hininga na lang si Lyra. At sa muling pagkakataon ay sinulyapan niya si Tata.
"Palibasa'y hindi niya kapatid! Siyan na taon gulang pa lang kaya si Tata noh!" inis na bulong ni Lyra pero wala na ang lalaking kausap.
Muli na lang niyang sinulyapan ang kinaroroonan ni Tata. Napangiti siya dahil kahit nakikita niyang umiiyak na ito ay nagpapatuloy pa rin ito sa pag-eensayo.
Hapon na ng puntahan ni Lyra ang kapatid sa silid nito. Naabutan niya itong malungkot na nakahiga sa kama. Ni hindi pa nga ito nagpapalit ng damit. Nagawa niyang hawakan ang kanang kamay nito kung saan nakita niyang may bakas roon ang matinding pagsasanay sa pagpana.
Nagulat naman si Tata kaya bigla itong napabangon. Umarko bigla ang mga braso nito na parang handa siya atakihin.
"A-Ano'ng ginagawa mo?" gulat ni Lyra.
"I-Ikaw pala, Ate! Akala ko kung sino?" nakahinga ito ng maluwag.
Napakunot ang mga noo ni Lyra. Wala pa silang isang buwan sa bahay na ito bakit pakiramdam niya, ang laki na rin ng pinagbago ng mga kapatid niya. Walang sinasabi ang mga ito pero parang lagi nang alerto ang mga ito ngayon. Sa laki ng bahay ni Agustin, hindi naman niya kayang bantayan ng sabay-sabay ang mga kapatid niya. Wala siyang ideya kung ano ba ang tunay na ginawa ng mga ito kapag hindi siya nakatingin.
Kinuha ni Lyra ang ilang gamot sa first aid kit na bitbit niya. Nilagyan niya ng gamot ang ilang sugat nito sa kamay.
"Nahihirapan ka ba rito?" tanong niya sa kapatid.
"Bakit mo iyan tinatanong, ate?" nagtatakang tanong rin nito.
"Pinahihirapan ka ba ni Agustin?" seryosong tanong niya rito.
"Hindi, ate!" umiling ito, "Oo masungit siya minsan pero alam ko ginagawa lang niya iyon para matuto kami."
"A-Ano ba talaga ang napagkasunduan ninyo? Sabihin mo kay ate! Makikinig si Ate! Kung pinapahirapan kayo ng lalaking iyon, pwede kong iatras ang kasal at umalis na dito!" sabi niya rito.
"Hindi, ate!" umiling-iling si Tata saka binawi nito ang sariling kamay, "Mas ligtas tayo rito. May tiwala ako kay Kuya Agustin kasi ilang beses na niyang niligtas ang buhay ko."
"Ilang beses?" napakunot ang noo ni Lyra , "Diba, isang beses palang?"
"Maraming beses na! Ate, please! Dito na lang tayo! Natatakot na rin akong umalis na hindi kasama si Kuya Agustin! Pagbubutihin ko ang pag-eensanyo para pagdating ng araw ay maprotektahan kita at sila kuya!" mariin siyang tinitigan nito. Para rin nakikiusap ang mga mata nitong nakatingin sa kanya.
Wala sa loob na niyakap ni Lyra ang kapatid. Bakit pakiramdam niya ay wala siyang magawa ngayon para sa kanyang mga kapatid? Pakiramdam niya, kayang-kaya na ng mga nitong magdesisyon para sa mga sarili nito?
Hindi pa rin matahimik si Lyra matapos niyang makausap si Tata. Parang nagkaroon talaga siya ng rason para lalong batayan ang kanyang mga kapatid. Hindi siya dapat magpakampante lang.
Lumipas ang halos limang buwan, nagulat si Lyra na may pitong itim na sasakyan ang dumating. Lihim siyang sumilip sa bintana at pinagmasdan niya kung sino ang mga dumating. Mga tauhan ni Agustin.
Napakunot ang noo ni Lyra nang mapansin niya ang pamilyar na simbolo sa unahan ng mga sasakyan. Matagal na siyang hindi nakakapunta sa headquaters pero hinding-hindi siya maaaring magkamali. Kumabog ng malakas ang dibdib niya nang matanaw niya ang pagbaba sa sasakyan ng pito niyang kapatid.
"Kaylan sila umalis?" tanong ni Lyra sa kanyang sarili. At ganoon na lang ang panlalaki ang mga mata niya nang makita niya na parang may mga bahid na pulang mantsa ang mga damit nito.
Blangko rin ang mukha ng mga ito.
Pati si Jun ay tahimik lang na nakasunod sa mga Kuya nito.
Nagmamadaling lumabas ng kuwarto si Lyra. Nakita niyang dumiretso ang mga ito sa isang silid na pinangungunahan ni Agustin.
Nagpalinga-linga siya sa paligid. Nakita niya ang bintana. Hindi siya nagdalawang-isip na sumampa roon. Maingat siyang kumapit sa pader na parang isang gagamba. Tinungo niya ang silid kung saan nagpunta ang kanyang mga kapatid niya.
Palihim siyang sumilip sa bintana.
Nanlaki ang mga mata ni Lyra nang makita ang pitong black envelop sa ibabaw ng lamesa. Umupo roon ang kanyang mga kapatid. Alam na alam niya ang eksenang ganito. At automatikong nagrewind sa alaala niya ang araw pumirma siya ng kontrata sa secret organization.
"Hinnnndddddiiiii!" malakas niyang sigaw dahilan para mapatingin sa kanya ang lahat sa bintana.
Itutuloy...
🍎🍎🍎🍎🍎🍎🍎
BINABASA MO ANG
CODENAME: Snow White (Complete)
ActionSimula nang maulila, si Lyra na tumayong ama't ina sa pito niyang kapatid. Sa murang edad niya, isang secret organization ang nagtrain sa kanya bilang maging isang secret agent. Ang tingin ng lahat sa kanya ay isa lamang siyang ordinaryong babaeng...