Chapter 19

454 24 4
                                    

🍎 Chapter Nineteen 🍎

SERYOSONG TINITITIGAN NI LYRA ang asawa habang nakaupo ito sa katapat na upuan. Kasalukuyan na silang nasa opisina nito ng mga oras na iyon. Tapos na ang kasal nila kaya ito na ang hinihintay na pagkakataon ni Lyra para makausap ito ng masinsinan.

Gamit ang tablet na pagmamay-ari ni Jun, pinindot ni Lyra ang play button kung saan nakarecord roon ang nangyaring pag-uusap nila sa bridal car. Lihim siyang nagpasalamat sa bunsong kapatid dahil sa ginawang pagrecord nito sa usapan nila.

Ang hindi lang maganda ay iyong nasama sa record ang huling sinabi ni Tata.

"Magka-iba kasi iyong bala sa kamay na bakal ng Ate ko, Bayaw! Malalaman mo iyan pagdating ng tamang panahon! Kaya dapat may sapat na training ka!"

Maski si Lyra ay nagulat sa narinig kaya dali-dali niyang pinindot ang end button. Nakadama rin siya ng pagkapahiya nang makita niyang bahagyang pagtawa ni Agustin. Hindi niya alam kung dahil sa sinabi ni Tata o dahil sa naging reaksyon niya.

Matatalim na tingin ang binato niya sa kanyang asawa. Hindi tuloy niya alam kung seseryosohin ba nito ang pag-uusap nila, o hindi.

"Seryosohin mo naman!" inis niya.

"Seryoso ako!" sabi nito.

Mariin muli niya itong tinitigan. Sa pagkakataong iyon, tumayo si Agustin sa kinauupuan nito. Naglakad ito papalapit sa kanya.

Kumabog ng malakas ang dibdib ni Lyra. Wala siyang ideya kung ano ang plano nitong gawin sa kanya kaya bigla na rin siyang napatayo sa kanyang kinauupuan. Pero laking-gulat niya nang kunin nito ang kanang kamay niya, at may ibinigay ito sa kanya.

Natigilan si Lyra nang makilala niya ang bagay na nilapag nito sa kanyang palad.

Ang kapares ng hair clip niya na iniregalo sa kanya ng mga kapatid niya noong nakaraang kaarawan niya. Alam niyang nakuha ni Agustin ang hair clip niyang ito noong una silang nakaharap sa mansion ni Mister Chua, pero hindi niya akalain na tinago pa pala nito iyon.

Aktong babawiin na sana niya ang kanyang kamay mula rito nang bigla nitong hinala iyon patungo sensitibong parte ng leeg nito.

Nanlaki ang mga mata ni Lyra. Nakita rin niya ang pagkaseryoso ng mukha ni Agustin.

Alam niyang konting pagkakamali lang ng kamay niya, posibleng ikamatay nito ang pagbaon niya ng hair clip sa leeg nito.

Mariin silang nagtitigan, mata sa mata.

"Tama ka, kung tutuusin kayang-kaya mo akong patayin anumang oras. Alam ko rin na alam mo na sa oras na patayin mo ako, ikaw na ang hahawak sa ranggong maiiwan ko," sabi nito, "Pero hindi mo ginagawa! Ngayon bibigyan kita ng pagkakataon na gawin iyon sa akin!"

"A-Ano'ng ginagawa mo?" naguguluhang tanong niya rito. Gusto man niya bawiin ang kamay ay mas malakas sa kanya ang lalaki.

"Magtanong ka na, tapat kong sasabihin ang totoo sa'yo," seryosong sabi nito.

Napalunok muna si Lyra. Inisip niyang mabuti kung alin ba muna ang unang itatanong niya rito.

"S-Sino ang nagbigay sa'yo ng utos para tulungan kaming magkakapatid?" seryosong tanong niya.

"Ang Papa mo," seryosong tugon nito.

"S-Si Papa?" gulat niya, "Kilala mo ang Papa ko?"

"Ilang beses nang niligtas ng Papa mo ang buhay ko, halos siya rin nagpalaki sa akin," tugon nito, "Kaya malaki ang utang na loob ko sa kanya."

"S-Si Papa," bulong ni Lyra saka naman lumambot ang ekspresyon ng kanyang mukha.

"Ang protektahan at alagaan kayong magkakapatid ang unang confidential mission na binigay niya sa akin," pag-amin nito.

"Si Papa. Siya ang dahilan kaya napasok ako sa impyernong organization na iyon! Binenta niya ako sa mga demonyong iyon para pambayad ng mga utang niya. Siya ang nagtulak sa akin para maging mamatay-tao!" may galit na turan niya rito.

"Nagkakamali ka, tinuruan ka niyang maging palabanan. Kung anuman ang naging dahilan ko noong pinasok ko sa organization ang pitong kapatid mo, ganoon din ang rason ng Papa mo sa'yo. Maliit ka palang nasa panganib na ang buhay mo, " tugon nito.

"Bakit kami ng mga kapatid ko? tanong pa rin niya.

"Ang Mama mo, ang nag-iisang anak ng Head Master ng Secret Organization!"

Para namang binuhasan ng malamig na tubig si Lyra sa pinagtapat sa kanya ni Agustin.

"Pero na inlove siya sa Low Rank Agent! At dahil Low Rank lang ang Papa mo, naging banta iyon sa ibang nasa High Rank. Kaya tinago ng mga magulang mo ang tungkol sa pagkatao ninyong magkapatid. Bilang kaligtasan ninyo!"

Lalo lang nanlaki ang mga mata ni Lyra sa kanyang mga narinig.

"Ngayon..." hinigpitan ni Agustin ang pagkakahawak sa kanyang kamay at lalo pa iyong tinutok sa bandang leeg nito, "... Ikaw lang ang may karapatan para patayin ako. Kung nagdududa sa akin, huwag kang magdalawang-isip na ibaon ang bagay na iyan sa leeg ko."

Hindi alam ni Lyra kung ano ang mararamdaman niya sa mga sandaling iyon. Naramdaman na lang niya ang pagpatak ng luha sa mga mata niya. Sa tanang-buhay niya, lihim niyang kinamumuhian ang kanyang ama dahil inakala niyang binenta siya nito para pambayad ng utang.

"Hindi totoong namatay ang Papa mo dahil sa mga sindikatong naniningil sa kanya ng utang. Lalong hindi namatay ang Mama mo dahil sa kapapanganak kay Jun," pagtatapat nito, "Pinatay sila ng mga taong gustong makuha ang pamumuno sa Secret Organization."

Mariin niyang tinitigan nito.

"Ang Papa mo ang totoong may-ari ng Purple Brown Cafe. Ipinasa niya iyon sa akin, five years ago bago sila mamatay ng mama mo. Para mabantayan ka at hindi ka makuha ng ibang High Rank Agent na sakim sa kapangyarihan!" mariin na tugon nito.

Tuluyan na siyang napaiyak sa kanyang mga narinig. Inis na niyang binawi ang kanyang kamay rito. Aktong tatalikuran na sana niya ito nang bigla siya nitong kinabig, at mahigpit siya nitong niyakap.

"Ngayong alam mo na ang totoo, handa akong magpasakop sa'yo!" bulong nito at mariin siya nitong tinitigan, "Sa'yo ko lang ibibigay ang buhay ko! Hindi iyon dahil sa mission binigay ng Papa mo, kungdi dahil bilang asawa mo."

Nagawa nang punasan ni Agustin ang luha ni Lyra.

"Hindi ko hahayaang may mangyari sa mga kapatid mo, lalo na sa'yo," bulong nito, "Iyan ang ipinangako ko sa harapan ng mga magulang mo."

Napapikit na lang si Lyra. Handa na rin naman siyang magpasakop rito. Hudyat na rin ito na binibigay na niya ang buo niyang pagtitiwala rito.

Naramdaman na niya ang pagsayad ng malalambot nitong mga labi sa labi niya. Wala na siyang nagawa pa kungdi ang tumugon sa halik na iyon.

"I love you," saad nito sa kabilang ng mainit nitong halik sa kanya.

Bahagyang nagulat si Lyra sa kanyang narinig. Saglit siyang napahito at mariin niya itong tinitigan sa mga mata nito. Tinitignan niya kung seryoso ba ito sa binitawan nitong salita.

"Sinabi ko sa'yo sa oras na nagdududa sa akin, handa akong mamatay sa mga kamay mo,"sabi nito.

Walang binitawang salita si Lyra, muli na lamang niyang inabot ang mga labi nito. Siya na rin mismo ang humalik muli sa mga labi nito.

Itutuloy...

🍎🍎🍎🍎🍎🍎🍎

🍎🍎🍎🍎🍎🍎🍎

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
CODENAME: Snow White (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon