🍎 Chapter Six 🍎
MABILIS NA NARATING NI Lyra ang location na tinutukoy ni Davey. Halos magkasabay lang silang dalawa ni Moca na nakarating roon. Isa iyong public male toilet, pero kapwa sila natigilan nang namataan nila ang isang lalaki naka-denim jacket na tinutukoy ni Davey.
Kasalukuyan itong naninigarilyo sa tapat ng public toilet.
"Siya iyon!" bulong ni Lyra. Dahil alam niyang isa ito sa mga humabol sa kanya kanina.
"Ako na ang bahala," ani Moca saka dahan-dahan itong kumilos papalapit sa lalaki, at hindi ito nagdalawang-isip na hampasin nito ng baril bandang batok nito.
Mabilis na bumagsak ang lalaki.
Iyon na ang pagkakataon ni Lyra para makalapit. Dinouble check nila ni Moca kung may kalaban pa ba sa paligid. Palihim nilang pinalibutan ang naturang toilet para makasigurado sila sa bawat hakbang at galaw nila.
Pasimpleng sumilip si Lyra sa maliit na bintana ng naturang toilet, at doon na niya nakita ang nakagapos na kapatid niya.
"Arjhay!" tawag niya rito.
Napa-angat naman ito ng tingin sa kanya. Para naman itong nabuhayan nang makita siya. Nagkakakawag ito, at umiling-iling. Hindi ito makapagsalita dahil may masking tape ang bibig nito. Pero may mensaheng pinarating ang mga titig nito.
Napakunot ang noo ni Lyra.
Aktong bubuksan na sana ni Moca ang main door ng naturang toilet nang mabilis na niya itong pinigilan.
Gulat namang napatingin ito sa kanya.
Umiling si Lyra, saka siya napatingin sa doorknob. At doon niya natuklasan na may nakatagong mga kable roon. Pula, itim, at dilaw.
"Arjhay!" tawag na niya sa kanyang kapatid.
Umuungol si Arjhay na parang may gustong sabihin sa kanila.
Sinubukan naman ni Moca na sumilip sa maliit na bintana. May kaliitan lang si Moca kaya may kakayahan ito na pagkasyahin ang sarili sa kahit anong butas. Kaya nga ang Codename nito ay Invisible Shadow. Kayang-kaya nitong itago ang sarili kahit saan na hindi napapansin ng kalaban.
Pero kahit may kaliitan ang bintana sa toilet ay nagawa nitong abutin si Arjhay. Nagawa nitong tanggalin ang masking tape sa bibig nito.
"Ate, huwag mong bubuksan ang pintuan! Please, ate! Huwag mong bubuksan! M-May bomba! Ate!" biglang babala nito.
Nangatog ang kalamnan ni Lyra nang maramdaman niya ang matinding takot sa tinig ng kanyang kapatid.
"Ate, konti na lang ang oras! P-putulin mo ang dilaw na kable! Bilis!" pagsusumamo nito.
"Ano?! S-sandali, hindi mo nga alam kung anong klaseng bomba 'yan!" saway niya rito.
"Basta, ate! Putulin mo na! Malapit na! Magtiwala ka! Dilaw ang putulin mo!" sigaw nito.
Nagkatinginan pa si Lyra at Moca. Parang nagdadalawang-isip pa silang dalawa kung susundin nila ang sinasabi nito.
"Ate, sampung segundo na lang! Gawin mo na!"
Para namang binuhas ng malamig na tubig si Lyra nang malaman niya kung ilang segundo na lang natitira sa kanila.
"Diyos ko, kayo na lang po ang bahala!" lihim na dasal ni Lyra saka na niya kinuha ang kanyang balisong at mabilis na pinutol ang dilaw na kable!
Halos maputol ang hininga nila ni Moca sa matinding takot na gumapang sa pagkatao nila. Pero laking-gulat nila nang walang anumang nangyaring pagsabog!
Pare-parehas silang nakahinga ng maluwag.
Dahil sa natuklasan, mabilis na tumawag ng back-up si Moca.
Samantalang naging maingat pa rin si Lyra sa kanyang galaw dahil baka mayroon pang nakatagong kable ang kalaban. Nang tuluyang bumukas ang pintuan ay kaagad niyang hinarap ang kapatid.
"Ate!" mangiyak-ngiyak na tawag ni Arjhay sa kanya nang makita siya.
Mabilis na kinalag ni Lyra ang mga tali sa katawan ng kanyang kapatid. Pagkararan ay mabilis niya itong niyakap.
"Ano ba ang ginawa mo rito, bata ka!" galit niyang tanong rito pero punong-puno ng pag-aalalanang tinig niya, "Paano mo nalaman kung anong klaseng bomba iyon?"
"Sorry, ate! Kapag wala ka sa bahay, pinapakealaman ko 'yung mga libro mo!" mangiyak-ngiyak nitong tugon, "Sorry talaga!".
"Arjhay!" gulat niyang tinitigan ito. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o maiinis sa pinagtapat nito sa kanya. Ngayon palang ay gusto na niya itong batukan pero mas nangibabaw sa kanya ang labis na pag-aalala rito.
Sa kanyang pitong kapatid, si Arjhay ang mahilig pinakamatalino. Mahilig itong magbasa-basa. Wala siyang ideya na pinapakealemanan na pala nito ang mga libro niya. Naisip niya, paano kung ibang bata ang nakakulong rito ngayon? Marahil dito pala, mission failed na sila!
Pasalamat na siya sa pagiging book worm ng kapatid niyang ito.
"Ano'ng ginagawa mo rito? Diba dapat nasa school ka?" galit niyang tanong rito.
"Ano kasi... Ate! Bilisan mo pala! Kasi, nadinig ko kanina sa dalawang lalaki na magdadala sila ng bomba mamaya sa event! Ate, nandun si Jinjin at Yuki! Kasama ko sila!" bigla nitong naalala, "Naghiwalay lang kami kasi ihing-ihi na ako kanina! Tapos, hindi ko na sinasadyang marinig ang iyong dalawang lalaki rito kanina! Ate, si Jinjin at Yuki nan'dun!"
Para muling binuhusan ng malamig na tubig si Lyra sa kanyang narinig.
"Nakagreen na polo shirt sila. Mabilis mo silang makikilala dahil bag ko ang ginamit nila para matago ang bomba!" pagtatapat nito.
Pagkarinig iyon ni Lyra ay kaagad niyang sinenyasan si Moca na nasa labas lang ng toilet.
"Lumayo ka rito sa lugar ito, Arjhay! Kahit saan basta malayo rito! Ililigtas ko si Jinjin at Yuki!" bilin niya sa kapatid niya. At mabilis niya itong pinatakbo palabas ng banyo.
Muli namang sinuot ni Lyra ang kanyang facemask.
"Ako na ang bahala rito! Iligtas mo ang mga kapatid mo!" sabi ni Moca.
"Mga pasaway na bata! Humanda kayo mamaya pag-uwi!" inis niya saka nagmamadali na rin siyang lumabas ng toilet. Mabilis siyang nagtungo sa lugar kung saan gaganapin ang naturang event.
Mabilis niyang kinontak si Davey dahil ito ang nakatokang magmatyag sa naturang lugar. At sinabi niya rito ang mga pinagtapat ni Arjhay sa kanya.
"Baliw ka ba? Halos lahat ng taong nandito kulay green ang damit!" reklamo ni Davey, "Paano ko malalaman kung sino sa kanila!"
"Malapit na ako sa location! Bag ni Arjhay ang ginamit nila kaya kaagad ko siyang makikilala!" sabi niya rito at lalo pa niyang binilisan ang pagtakbo.
Alam niyang ilang saglit na lang mag-umpisa na ang event. At kailangan na nilang mapigilan ang pagsabog nito sa oras na lumabas ang Senator.
Itutuloy...
🍎🍎🍎🍎🍎🍎🍎
BINABASA MO ANG
CODENAME: Snow White (Complete)
ActionSimula nang maulila, si Lyra na tumayong ama't ina sa pito niyang kapatid. Sa murang edad niya, isang secret organization ang nagtrain sa kanya bilang maging isang secret agent. Ang tingin ng lahat sa kanya ay isa lamang siyang ordinaryong babaeng...