Chapter 25

384 17 12
                                    

🍎 Chapter Twenty-Five 🍎

KASALUKUYAN NOONG NAGHAHARUTAN sina Jimmy, Tata at Jun nang may mabilis na hangin ang bigla na lang dumaan sa kanilang harapan.

Eksakto naman na papalabas si Yuki sa kanyang kuwarto para sana sawayin ang mga kukulit na kapatid dahil sa pag-istorbo ng mga ito sa tulog niya. Pero natigilan siya nang may kung anong bagay ang biglang dumaan sa harapan niya.

"Grabe kaylan pa siya dumating?" tanong ni Yuki sa sarili.

"Sino 'yun, Si Kuya?" inosenteng tanong ni Jun.

Napatingin si Yuki sa tatlong magkakapatid, "Bakit dito kayo lagi sa tapat ng kuwarto ko nag-iingay!" bulyaw niya sa mga ito.

"Sungit mo talaga!" reklamo ni Jimmy.

"Para kang matandang binata!" dagdag pa ni Tata.

"Ano'ng sabi n'yo?" nandilim ang mukha ni Yuki saka umarkong babatuhin na niya ng tsinelas ang tatlong kapatid pero nagtatatakbo na ang mga ito papalayo sa kanya.

Pero tinangka pa rin niyang habulin ang mga ito.

Samantala, mapayapa namang nagbabasa noon ng libro si Arjhay at abala sa pagsayaw noon si Cobi nang maramdaman rin nila ang pagdaan ng hangin sa kanilang harapan. Hindi nila alam kung saan ba nanggaling iyon pero natitiyak nilang parang patungo ito sa silid ng kanilang Ate Lyra.

"Nakita mo siya diba?" gulat na tanong ni Cobi.

"Grabe, para talaga siyang si Naruto!" tanging sabi ni Arjhay. At babalik pa sana siya sa pagbabasa nang marinig niya ang sigawan ng kanyang mga kapatid.

"Nandyan na halimaw!" sigaw ni Jimmy.

"Papatayin na tayo ng halimaw!" sigaw naman ni Tata.

Doon na napansin ni Arjhay ang galit na galit na mukha ni Yuki habang hinahabol nito ang tatlo.

Samantala, para namang nagpintig ang dulo ng tenga ni Jinjin nang marinig niya ang malalakas na sigawan ng mga kapatid niya. Pati ang mga maiingay na yapak ng mga paa nito. Kasalukuyan pa namang tinitignan ni Doktor Johnson ang Ate Lyra nila tapos ganoon kaingay ang mga ito.

Aktong lalabas na sana siya ng kuwarto ng Ate Lyra niya nang biglang may mabilis na hangin ang biglang dumaan sa harapan niya. Sa bilis nito, ni hindi niya na napigilan ang paglapit nito sa Ate niya.

"Ay anak ng tokwa!" gulat ni Doktor Johnson nang makita ng nasa harapan na nito si Agustin. Napahawak pa ang may edad na doktor sa dibdib na tanda ng pagkagulat nito.

"Honey, kaylan ka pa dumating?" gulat ding tanong ni Lyra nang makita ang asawa.

Humahangos pa si Agustin nang nilapitan si Lyra.

"Ano'ng nangyari? Hinimatay ka daw? May umatake ba ritong kalaban? Nasaktan ka ba? Ano'ng ginawa nila?" sunud-sunod na tanong nito.

Gulat na napatingin si Lyra kay Jinjin dahil ang pagkakaalam niya ito ang tumawag rito kanina.

"W-Wala namang umatakeng kalaban," pagtatama ni Lyra.

"Eh bakit sabi ni Jinjin hinimatay ka raw?" tanong nito.

"Natural lang po ang nararanasang pagkahilo, pagsusuka, at minsan pagkawalan ng malay ni Lady Lyra," ani Doktor, "Senyales po iyon ng pagdadalang-tao niya."

"Ha?" natigilan si Agustin.

"Congratulations Mister Agustin! She's Two weeks pregnant!" pagbati ni Doctor Johnson.

"Pregnant?!" gulat ni Arjhay na nasa pintuan na pala, at hindi nito sinasadyang marinig ang pag-uusap ng mga tao sa loob.

"Si ate buntis?" gulat na rin ni Cobi.

CODENAME: Snow White (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon