🍎 Chapter Thirty 🍎
IDINILAT NI LYRA ANG KANYANG mga mata nang marinig niya ang mga himig ng mga ibon sa labas ng bintana. Sinubukan na rin niyang bumangon pero nakaramdam siya ng matinding pananakit sa kanyang tiyan. Napahawak siya roon. Alam niyang may nawala sa kanya."Lady Lyra!"
Napalingon si Lyra nang marinig niya ang boses ni Natasha. Dali-dali rin siyang nilapitan, at inalalayan nito sa pagbangon.
"Ang mga baby ko, Natasha? Nasaan ang mga baby ko?" nag-aalalang tanong niya rito.
"Huwag na po kayong mag-alala. Sabi ng doctor, stable po ang conditon ng kambal," ngumiti ito.
"Talaga?" paniniguro niya, at lihim siyang nagpasalamat.
"Opo," tumango ito, "Pero kulang po sila sa buwan kaya nasa incobator po sila ngayon."
"G-Gusto ko silang makita," Paki-usap niya rito.
"Sige po," pagpayag nito saka may kinontak itong tao.
Walang ideya si Lyra kung ilang oras siyang nakatulog. Halos wala na rin siya maalala after niyang isugod sa hospital. Alam niyang hindi naging normal ang panganganak niya dahil sinabi na sa kanya ni Doctor Johnson na mahihirap siyang kung ipipilit niyang magnormal sa pagle-labor.
Ilang saglit pa, pumasok na si Berto sa loob ng kanyang silid. May kasunod itong nurse na may bitbit na wheel chair. Inalalayan siya ni Natasha na ilipat.
Halos hindi na siya makapaghintay. Gustong-gusto na niyang makita ang kanyang mga anak. Hindi siya matatahimik hangga't hindi niya nakikita ang mga ito.
Dinala siya sa katabi lang na silid. Isa iyong private room na marahil ay inupahan ng kanyang asawa para sa mga anak nila.
Binuksan ni Berto ang naturang pintuan. At bumungad kay Lyra ang dalawang incubator kung saan nakita niyang mahimbing na natutulog ang dalawang maliit na sanggol. Tahimik din ang buong paligid, wala siyang naririnig kungdi ang tunog ng mga aparato na nakakabit sa bawat incubator.
Hindi mapigilan ni Lyra ang napaluha dahil sa nadarama niyang awa para sa kanyang mga anak.
Inalalayan siya ng Nurse para makalapit. Tinanong niya rito kung pwede ba niyang buhatin ang mga ito pero tumanggi pa ang Nurse. Dahil hindi pa talaga siya fully recovered. Kaya nagtiis muna siya sa paghawak ng mga mumunti nitong mga kamay.
Napangiti siya. Hindi maitatanggi na anak ito ni Agustin dahil nakuha ng mga ito ang kaputian, pati ang mga mata nito.
Cade and Candice.
Iyan ang mga pangalan na pinag-usapan nila ni Agustin. Masaya siya dahil nabasa niya sa card na iyon ang mga pangalan ng mga ito.
Hindi na alam ni Lyra kung gaano na siya katagal na nakatitig sa kanyang mga anak nang maramdaman niyang may yumapos sa kanyang braso.
Nilingon ito at bahagya siyang nagulat nang makita niya si Agustin sa kanyang tabi. Automatikong tumingin siya sa kanang mata nito. Nakahinga siya ng maluwag na wala siyang nakitang peklat roon.
Wala sa loob na napahawak siya sa kanyang sintido sa biglang pagkagulat niya.
"Ako ito," sabi nito.
"I-I know..." pagsisinungaling niya saka siya umiwas ng tingjn rito.
Ang buong akala niya, kilala na niya ng lubusan ang lalaking ito pero dahil sa nangyari bumalik ang pagdududa niya rito. Dumagdag pa sa kanyang pag-iisip ang binitawang salita ng mga kapatid niya.
BINABASA MO ANG
CODENAME: Snow White (Complete)
ActionSimula nang maulila, si Lyra na tumayong ama't ina sa pito niyang kapatid. Sa murang edad niya, isang secret organization ang nagtrain sa kanya bilang maging isang secret agent. Ang tingin ng lahat sa kanya ay isa lamang siyang ordinaryong babaeng...