🍎 Chapter Thirty-One 🍎
BAHAGYA NANG GUMAAN ang pakiramdam ni Lyra matapos niyang marinig ang mga paliwanag ni Agustin sa kanya. Hinayaan niyang ang kanyang asawa ang magtulak ng wheel hair niya pabalik sa kanyang kuwarto.
Kasunod lang nila sa kanilang likuran sina Natasha pati sila Lando at Berto.
Sinadya na rin nilang maging tahimik ni Agustin pabalik sa kabilang silid. At tulad ng kanilang inaasahan, naabutan nila ang pito niyang kapatid na seryosong nakikinig sa kani-kanilang earphones.
"May naririnig pa ba kayo?" tanong ni Cobi.
"Tumahimik sila," ani Jimmy.
"Shhh..." saway ni Arjhay.
"The design is very weak!" komento ni Yuki.
"Ano'ng ginagawa n'yo?" nagsalita si Lyra gamit ang maliit na mic piece. At dahil masyado itong malapit, nagkaroon ito ng malakas feedback sa mga earphones ng kanyang mga kapatid.
Doon na sabay-sabay na nagtanggal ng earphone ang mga ito. At mabilis na tinago ang mga iyon sa kani-kanila nitong bulsa. Para nang napaso na rin ang mga itong kung nagsi-kumilos na parang walang ginawang kalokohan.
"Hindi ko alam na may mga Maritess akong kapatid," seryosong turan ni Lyra sa mga ito, "Bakit kailangan n'yong gawin ito?"
Hindi kumibo ang mga ito.
Hinagis ni Lyra ang micpiece sa ibabaw ng kama niya. Dali-dali naman iyong kinuha ni Jimmy at tinago.
"Jinjin! Wala ka bang sasabihin?" baling ni Lyra rito.
"Ilabas mo muna sina Jun at Tata," utos ni Jinjin kay Jimmy.
"Hindi, walang aalis! Hayaan mong marinig nila, para kahit bata palang sila alam na nila ang totoo," utos rin ni Lyra.
Nagpakawala ng marahas na hininga si Jinjin. Wala na rin itong nagawa kungdi ng sundin siya.
"Bakit hindi mo sa akin sinabi ang tungkol kay Mama?" seryosong tanong niya rito.
"Sa tingin mo, ate? Maniniwala ka ba sa akin kapag sinabi ko iyon?" balik ring tanong nito.
"Bakit hindi mo sinubukan sabihin sa akin?" tanong niya rito.
"Dahil noon ko pa alam kung ano ang totoong trabaho mo!" pagtatapat nito, "Nakita ko kung ano ang paghihirap mo para alagaan kaming pito. At alam ko kung saan galing ang mga perang inaabot mo sa amin."
Hindi nakakibo si Lyra pero naramdaman niyang hinawakan ni Agustin ang kamay niya. Parang pinapakalma siya nito.
"Natatandaan ko ang mukha ng taong bumaril kay Mama," tumingin si Jinjin kay Agustin, "Noong una akala ko talaga siya iyon. Walang araw na hindi ko tinitigan ang mukha niya dahil ang natatandaan ko, may peklat sa mata ang taong iyon. "
Nananatili tahimik si Lyra, at hinayaan niyang magsalita ang kapatid.
"Noong pinakiusapan mo akong pagkatiwalaan si Kuya Agustin, ang totoo ay nagsisinungaling ako sa'yo 'nun," pag-amin nito, "Hindi ko pa siya tuluyang pinagkakatiwalaan noon. Ang isa pang katotoohanan, palihim kaming nag-iimbestiga about sa pagkatao niya."
Napakawala ng marahas na hininga si Lyra.
"Sa tingin mo, ate? Hahayaan ka namin magpakasal sa lalaking hindi namin lubusang kilala?" seryosong tanong sa kanya ni Arjhay.
"Inalam namin kung bakit niya tayo laging nililigtas," dagdag ni Yuki, "Sino bang hindi magdududa, kapag may nangyayari hindi maganda sa amin, para siyang super hero na nagliligtas lagi sa amin?"
BINABASA MO ANG
CODENAME: Snow White (Complete)
AksiSimula nang maulila, si Lyra na tumayong ama't ina sa pito niyang kapatid. Sa murang edad niya, isang secret organization ang nagtrain sa kanya bilang maging isang secret agent. Ang tingin ng lahat sa kanya ay isa lamang siyang ordinaryong babaeng...