Part 9

157 2 0
                                    


Maagang nagising si Bea, tiningnan nya ang time sa cellphone nya, 6:15 am pa lang. Bumangon na sya at naghilamos, nag sipilyo at lumabas sa kwarto nya papunta sa piano at umupo. Nagsimula syang tumugtug. Love song ito. Napa pikit sya at pine feel ang sonata. Tumugtug sya ng tumugtug. May pumalakpak sa likod nya.

Manang: Good morning, Bea. Ganda ganda naman nyan.

Bea : O, manang, good morning po. Thank you po.

Manang: Magluluto na ako ng breakfast. Ano gusto mo?

Bea : Same po.

Manang : Okey, sinangag, bacon, eggs at fried danggit plus brewed coffee. Sabi ni Manang habang naglalakad papunta sa kitchen.

Natatawa na lang si Bea. Tumugtug ulit sya. Mga love songs ito na ki nompose nya. Puro malumanay at nakaka relax ang mga ito. Maya maya pa ay may tumabi sa kanya sa upuan. Lumingon sya habang tumutugtug pa rin. Si Jho, na naka ngiti sa kanya. Nginitian din nya ito pabalik. Mga tatlong kanta pa ang tinugtug nya.

Bea : Good morning, bhe.

Jho : Good morning, bhe. Nakakalokong bati nito.

Bea : Breakfast na tayo.

Jho : Okey.

Kumakain na sila ng breakfast. Magana silang dalawa na kumakain.

Jho: Ganda ng tugtug mo kanina.

Bea : Ah, they're my compositions, bago lang. for submission pa lang. Kulang pa, e. Eight pa lang, kulang pa ng dalawa.

Napa wow si Jho. Sobra sobra na ang paghanga nito kay Bea.

Bea : Ano gagawin mo today?

Jho : Gagawa ng plan. Susubukan. sabay subo ng danggit.

Bea : Kayang kaya mo yan. Ikaw pa.

Jho : Mag dilang anghel ka sana.

Naligo na sila pareho at nagbihis. Pumunta sa may patio sa harap ng beach si Jho, at umupo doon, daladala ang mcbook nya. Si Bea naman ay nasa piano, nag iisip ng bagong kanta at melody.

Manang : Bea, Jho, kain na, lunchtime na. Maya maya ay pumunta na sa dining area ang dalawa.

Jho : Oh my, crabs ba yan?

Nagluto ng ginataang alimango si Manang, nilagyan nya ng dahon ng malunggay. Tsaka garlic shrimp.

Manang: Opo.

Excited na umupo si Jho. Nakangiti lang si Bea. May sawsawan din na suka.

Jho : Hmn, sarap. Favorite ko to, e.

Bea : E di ba, pareho favorite natin na foods.

Di makasagot si Jho, nagtatanggal sya ng meat ng crabs. Nang makita yon ni Bea, ay nilagyan nya ng meat ng alimango at mga binalatan na hipon ang plate ni Jho.

Jho : Thank you.

Pareho na silang nagkamay kumain. Masayang tinitingnan ni Bea sa Jho na enjoy na enjoy sa pagkain. May white wine din sila. Perfect partner ng seafood.

Jho : Hmn, hmn, hmn, sarap.

Nakalimutan ni Jho na e tali ang mahaba nyang buhok, kaya naglaglagan ito sa mukha nya. Dali daling naghugas ng kamay si Bea. At inilagay sa likod ng tainga ni Jho ang nakalaylay na buhok sa mukha nya.

Jho : Thanks, bhe.

Bea : Welcome, sige kain pa tayo.

Naka upo na si Bea sa harap ng piano. Si Jho naman ay nasa patio ulit. Parang kinakabahan si Bea. Parang ang bilis bilis ng pintig ng puso nya. 'Ano ba to, anong nangyayari sa akin' bulong nito sa sarili, nagsimula lang to kanina, ng ma out balance si Jho, naghugas kasi ito ng kamay sa sink, at pabalik na sana ito sa kwarto para mag toothbrush ng natapilok ito kaya na out of balance, napa yakap naman ito kay Bea, as in napaka higpit na yakap, ayaw kasi nitong matumba'. Parang may koryenteng dumaloy sa mga kalamnan ni Bea. Napa tanga itong nakatutok ang tingin kay Jho. Tumayo si Bea at pumasok sa kwarto nya. Nagpa balik balik itong naglalakad sa kwarto nya. Pagkatapos ay humiga. Hanggang sa makatulog ito.

Falling for You     (COMPLETED)Where stories live. Discover now