Jho
Katatapos ko lang mag dinner. Nasa sala ako nanonod ng tv pero wala sa palabas ang isip ko. Patingin tingin ako sa cellphone ko. Wala pa ring reply si Bea. Mag isa na naman sya don. Kumain na kaya yon ng dinner. Ano na kaya ginagawa non ngayon? Miss na miss ko na sya. Nasanay na ako na nasa tabi ko lang sya palagi. I have this longing, longing to sleep beside her. Na magkayakap. Haaay, ano ba itong naiisip ko. Baka tulog na yon ngayon. It's been two weeks since I left Zambales. Baka nanonod ng netflix. Madalas kami manood ng netflix. Movie marathon. May popcorn at sofdrinks pa, parang nasa sinehan lang kami, e ang laki pa naman ng tv nya. Sixty four inches. TING! Tumunog cellphone ko. Excited kung kinuha sa mesa, baka si Bea 'to. Nang makita ko kung sino, ay nalungkot ako. Si Rick lang pala.
From : Rick
Hello, bagnet. May gagawin ka ba bukas?
From : Jho
Heh! Inaasar mo na naman ako. Bakit mo natanong?
From : Rick
Yong kaibigan ko gusto ka ma meet. Nandon sya sa soft opening ng hotel nila Mrs. Waters. Nagustuhan nya ang output mo. Kaya they want to talk to you.
From : Jho
Ah, okey. What time and where?
From : Rick
Text ko na lang sa yo. Bye na.
From : Jho
Okey, bye.
May pagka baliw din itong si Rick. Pero masayang kasama. Na meet ko na rin girlfriend nya nang accidentally magkita kita kami sa mall. Pareho silang baliw, hahaha. Maganda din si Mika. Puro lang kami tawa ng tawa sa coffee shop. Inabot na pala kami ng tatlong oras. Dami kwento ng dalawa. At puro nakakatawa.
Bea
Arrggh, grabe twenty minutes na di pa rin umuusad sasakyan. Ano ba meron sa banda ron. Bakit di kami gumagalaw. Patingin tingin ako sa paligid habang nag aantay na gumalaw na ang nasa harapan kong van. BIglang napa balik ang tingin ko sa coffee shop. Si Rick at Jho yun a. Masaya silang nag uusap. Tawang tawa si Jho after magsalita ni Rick. Minsan nahahampas ni Jho si Rick sa braso nito. May naramdaman na naman akong sakit sa puso. Parang may tumutusok dito. Ibinaling ko ang paningin ko sa harap ng kotse. She's happy with him. Mukhang mabait naman si Rick. Mabait din naman ako, pero....hanggang tingin lang. Umandar na rin ang mga sasakyan. Tuloy tuloy na ang byahe. Ang gulo ng isip ko. Ang sakit sakit ng nakita ko kanina. Ang saya saya nya. Siguro maging masaya na lang ako para sa kanya. Siguro nga. Nakarating na rin ako sa pupuntahan ko. Pagka park ko ng kotse ay pumasok na ako sa restaurant. Nakita ko naman agad si Ged.
Ged : Ang tagal mo naman.
Bea : Sorry, traffic, e. Order na tayo, gutom na gutom na ako.
Nag order naman si Ged kaagad. Madaming beses na kami kumain dito kaya alam na alam na ni Ged gusto ko.
Ged : Kumusta ka na?
Bea : Okey lang naman. Pahinga muna sa pag compose, nagsusulat naman ako ngayon ng script para kay direk CGM.
Ged : Sure na blockbuster yan.
Dumating na din mga order namin at nagsimula na kaming kumain. Naalala ko na naman nakita ko kanina. Parang nawalan ako ng gana kumain. Parang tumabang mga pagkain. Napatingin si Ged sa akin.
YOU ARE READING
Falling for You (COMPLETED)
FanfictionShe's from a heartbreak. Can she find peace....peace of mind in this new place. 'Sana nga... sana nga' nasabi nito sa sarili..
