BeaNag da drive na ako habang si Jho ay natutulog sa backseat. Napasarap ang kwentuhan namin kagabi at inabot kami ng 3:00 am sa tabing dagat. Kumain muna kami ng dinner tapos napag pasyahan na bumalik sa tabing dagat. Masarap kasi sa pakiramdam na pakinggan ang tunog ng alon na papunta sa dalampasigan. Nakaka relax. Dinalhan naman kami ni Manang ng makakain at beer. Inom lang kami ng inom habang nagku kwentuhan. Di namin namalayan na lagay ng lagay si Manang ng malamig na beer sa table na napa gitnaan namin ni Jho. Madami na pala kaming nainom. Ng tatayo na kami para bumalik sa house at matulog, di na kami makatayo. Tulog na si Manang. Kaya gumapang kami papunta sa bahay. Tawa kami ng tawa habang gumagapang. Sa tanang buhay ko ay ngayon lang 'to nangyari, same with Jho. Diretso na kami nahiga sa kama. Wala na kaming lakas para maglinis ng katawan at magbihis. Ala una na kami nagising kinabukasan, haaay.
Medyo ma traffic pa rin pero alam ko na mas ma traffic kanina, nagsibalikan na kasi mga nagtatrabaho sa city. Pareho kami naka shades ni Jho. Di namin kaya pag wala. Namumula pa rin mga mata namin. Dumaan muna ako sa Jollibee drive thru para mag take out. Gutom na rin ako. Nang matanggap ko na inorder ko ay ginising ko si Jho.
Bea : Jho, gising muna. Kakain muna tayo.
Unti unti naman itong gumalaw, nakapikit pa rin mga mata nya......
Jho : Maya na, antok pa ako, e.
Bea : Bangon na. Gutom ka na for sure.
BInuhat sya ni Bea. Pina upo sa backseat.
Bea : Oh, nganga. Ngumanga naman si Jho, pero nakapikit pa rin ito. Tinanggal ko ang shades niJho. Panguya nguya si Jho. Sinubuan ko si Jho ng fried chicken, rice at pinainom ng softdrinks. Ang cute nya. Para akong nagpapakain ng bata nito. Napapa iling na lang ako.
Jho : Busog na ko. At humiga ulit ito. Ako naman ang kumain. Pagkatapos ay nag drive ulit ako.
Bea : Jho, nasa Manila na tayo, ituro mo lang sa akin papunta sa condo mo.
Napa bangon naman agad si Jho, ng mag red light ay lumipat ito sa passenger seat. Dyan liko ka sa kaliwa.
Bumaba na ako at binuksan ang pinto ng passenger seat.
Bea : We're here. O, baba na. Di na kita mahatid sa room mo, ha? I'm so tired na kaya.
Jho : Okey lang, ano ka ba. Thank you, ha.
Kinuha ko ang mga gamit ni Jho sa compartment at ibinigay sa kanya.
Bea: Ba bye for now, see you when i see you. Sabay yakap at halik sa noo ni Jho. Pumasok na ako sa kotse at nag drive. Lumingon ako kay Jho, nakatayo pa rin ito, di gumalaw. Bakit kaya?
Pagdating ko sa condo ko ay naligo agad ako at nagpalit ng damit. Humiga agad ako sa kama, at pagkahiga ko at nakatulog na ako.
'Ano ba yong ingay na 'yon' nasabi ko sa sarili. Bigla akong nagisimg sa ingay na yon. Ng idilat ko ang mga ko ay nakita ko ang cellphone sa side table na umiilaw. Inis kong kinuha at tingnan.
Bea : Hello?
Ly : Hi, Bea.
Bea : Who's this?
Ly : Ay, ate Ly mo ito, hiningi ko pala kay Ged number mo.
Bea : Oh, ate ly kumusta po?
Ly : 'To naman, nagkita pa lang tayo the other day, ah.
Bea : Okey po, what's up?
Ly : Pupunta kami ng Boracay after holy week, sama ka ha?
Bea : Ah, hah?
Ly : Oy, sumama ka. May one month ka pa naman para tapusin mga commitments mo for the meantime.
Nag isip muna ako. Mapapasa ko na next month ang songs na hinihingi ni Mr. M. Pag naka gawa ako. Sana nga.
Bea : Okey po ate Ly. See you in Bora.
Ly : Okey, excited na ako. bye.
Bea : Bye po.
Tiningnan ko ang time sa cellphone ko, 9:15 am na pala. Tumayo ako at nagpunta sa cr para maligo. Naka upo lang ako ngayonsa sala. Binalik balikan ko ang mga nangyari this past few days, bigla na lang akong natatawa pag may nakakatawa nong weekend. 'They're nice, very nice group' bulong ko sa sarili ko. Wala naman akong gagawin until Thursday, Friday at Saturday pa commitment ko sa Music Hall. Nag basa ako ng book, habang pa inom inom ng coffee. May bigla akong naalala sa coffee. Napapangiti na lang ako. Di ko akalain na maging friends kami ni Jho. Small world, ended. Sino mag aakala that she's a friend of my friend's friend.
YOU ARE READING
Falling for You (COMPLETED)
FanfictionShe's from a heartbreak. Can she find peace....peace of mind in this new place. 'Sana nga... sana nga' nasabi nito sa sarili..