Part 23

130 1 0
                                    




Bea


Nag da drive ako ng kotse, papunta kami ni Jho sa kanila, sa Batangas.  Nakasandal sya  ngayon at natutulog.   Dumaan muna ako sa red ribbon para bumili ng chocolate cake.  Parang pasalubong na din namin sa mama at kapatid ni Jho. 

Bea :  Jho, gising muna.  Jho?

HInahaplos ko balikat nya para magising.  Nagising naman ito habang kinukusot mga mata nito.

Bea :  Andito na tayo sa Batangas, ituro mo lang sa kin papunta sa bahay nyo. 

Jho : Diretso ka lang, sa ikalawang kanto, lumiko ka sa kaliwa.

Bea :  Okey.

Jho :  Diretso lang.  Liko ka sa kanan.  HInto ka na dyan sa corner.

Sinunod ko naman turo ni Jho at nakarating na kami sa kanila.

Jho :  Andito na tayo!

Bumaba na ako ng sasakyan at umikot  para pag buksan ng pinto si Jho.  Inalalayan ko syang bumaba.  Binuksan ko ang pinto sa likod at kinuha ang chocolate cake, pati backpack namin.

Napatingin si Jho sa cake.

Bea :  Binili ko kanina habang natutulog ka.

Jho :  Ah.  Lika na pasok na tayo.

Kakatok na sa  si Jho ng bumukas ang gate.

Jaja:  Hello, ate.

Lumapit si Jaja sa akin at nag hug.  Nilagpasan nya si Jho na akmang yayakapin sya.

Jaja :  Hi, I'm Jaja!

Bea :  Hello, am Bea.  I'm your ate's friend.

Jho :  Hello, Jaja, ako yong kapatid mo, di ba dapat ako yong hina hug mo muna.

Nakangisi naman si Jaja at nag hug sa ate nya.

Jaja:  O, ayan na hug ka na.  Demanding mo talaga.  Pasok na po ate Bea.

Jho :  Ako di mo papasukin.

Jaja:  Ano ka ba,  ate, bisita ka ba?

Napa irap na lang si Jho habang natatawa naman ako.

Pumasok na sila sa bahay. 

Jaja :  'Ma, andito na sila ate.

Lumabas naman sa kusina si Mama Lovel.  Niyakap agad nito ang anak

Jho :  "Ma, si Bea po pala, friend ko.

Niyakap rin ni Lovel si Bea.

Bea :  Hi, po tita, maaliwalas po ang bahay nyo.

Lovel :  Thank you, buti napasyal ka dito.

Jaja :  Masarap magluto si mama.  Madami kang makakain.

Bea :  Ganon ba?  May pinagmanahan pala si Jho.

Jaja:  Nilutuan ka na nya?

Bea :  Oo, madaming beses na.

Jaja:  You must be special.

Jho :  P-pasok muna kami sa kwarto, 'ma.

Palihim naman na kinurot sa tagiliran ni Jho si Jaja.

Jaja:  Araaay!

Lovel :  Bakit anak.

Jaja :  K-kinagat ako ng langgam, 'ma.  Sakit!

Natatawa na lang ako na sumunod kay Jho papunta sa kwarto nya.


Jho


Gaga talaga 'tong si Jaja, mapang asar talaga kahit kelan.  Buti di napansin ni mama,  di nga ba?  Ay, ewan.

Falling for You     (COMPLETED)Where stories live. Discover now