Part 29

142 2 0
                                    







Nag tumunog ang alarm clock ay dahan dahan akong bumangon. Kinuha ko ang cellphone para e off ang alarm. May message si Jho. 'Yes, sama ako mag jogging'. Ay, oo nga pala nag text pala ako sa kanya kagabi kung sasama ba sya mag jogging this morning. Five am ang senet ko na time. Nag toothbrush muna ako bago magbihis ng pan jogging. Kinuha ko cellphone at earphone. Lumabas na ako ng kwarto ko.



Jho : Good morning!

Halos mapa igtad ako sa gulat. Bigla ba naman May magsalita sa likod mo.

Bea : Nakakagulat ka naman. Good morning din. Tara na.

Pumunta na kami sa may beach at nag stretching muna bago magsimulang tumakbo. Magkatabi kami habang tumatakbo. Pang disco ang music na pinili ko. Maya maya lang ay malayo na ako kay Jho. Sinigawan ko sya na 'Ang bagal mo'. Huminto muna ako at hinintay sya. Inirapan nya ako ng makalapit na sya sa akin. Tumawa lang ako. Tumakbo ako ulit. More than 30 minutes kaming nag jogging. Humihingal kaming naupo sa buhangin.

Bea : Ang lampa mo pala talaga. Madaming beses akong huminto para antayin ka.

Nakangisi kong sabi. Kung hingal ako ay mas hingal na hingal si Jho, para na ngang lalabas dila nya sa pagod, hehehe.

Jho : Heh! At sino naman nagsabi sa yo na tumigil ka at hintayin ako.

Bea : WALA! HIndi kasi ako mahilig mang iwan.

Jho : Ha ha ha.

At inirapan ako. Nakaka bighani ang aura nya pag iniirapan nya ako. Nakakatuwa, hehehe. Kaya nagpatuloy ako para inisin sya.

Bea : Akala ko ba volleyball player ka. E, di ba fit & sound body sila. E, bakit ika.......

Pinutol ni Jho ang sasabihin ko ng magsalita ito.

Jho : Anong bakit ako? Fit & sound naman ako, ah.

Bea : Okey.

Bigla nya na lang akong hinampas. At ang lakas, ha?

Bea : Bakit ka ba nanhahampas agad. Masakit, yun hah? You're so mapanakit na talaga!

Jho : Dapat di masakit kasi di ba nga 'LAMPA NAMAN AKO'

Bigla ko syang binuhat at dinala sa dagat.

Jho : Hoy, bakit mo ko binubuhat, san mo ko dad...........

At hinagis ko sya sa tubig. Tawa ako ng tawa. Napaka epic ng facial expression nya, nong ihagis ko sya.

Jho : Isabel Beatriz!!!!

Wow, kumpleto ha? Lumapit s ya sa akin kaya tumakbo ako. Naghahabulan kami sa dagat. E, syempre lampa nga, e kaya di nya ako maabutan. Tawa ako ng tawa. Huminto si Jho sa paghabol sa akin para magpahinga.

Bea : O, ano, suko ka na.

Nilapitan ko sya para tulungang bumalik sa pangpang. Bigla na nya naman akong hinampas ng hinampas.

Bea : Araaay!

Hinawakan ko mga kamay nya at dinala sya sa may malalim na parte ng dagat. Napakapit naman si Jho sa akin. Nakahawak ang dalawa nyang kamay sa leeg ko.

Jho : Ibalik mo ko don.

Bea : Saan?

Nakakaloko kung tanong. HInawi ko ang buhok na nakatakip sa mukha nya at inilagay ko ito sa likod ng tainga nya. Nakangiti akong tinitigan sya. Ang ganda talaga ng mga mata ni Jho, nakaka akit ang mga ito. Parang mahi hypnotize ka pag tinitigan mo ito. Napatitig na rin sya sa akin. Nakapulupot pa rin ang dalawa nyang kamay sa leeg ko. Nakahawak naman ang mga kamay ko sa beywang nya. Napatingin ako sa labi nya. Shet, napalunok ako. Parang may hinahanap sya sa mukha ko. Niyakap ko sya. Bigla na lang umulan ng mahina.

Bea : Lika na, baka mabasa pa tayo.

Nagtawanan na naman kami. Dahan dahan kaming umahon, hawak ko pa rin kamay nya. Nakatungo syang naglalakad pero kita ko pa rin ang pamumula ng mukha nya.



Manang: Good morning, Bea, Jho.

Bea/Jho : Good morning, Manang.

Manang: Maligo na kayo at magpalit ng damit, at nang makakain na.

Pumasok kami ni Jho sa kanya kanyang kwarto. Mayamaya ay lumabas na rin kami na bagong ligo at bagong bihis.


Manang: O, upo na kayo.

Bea/Jho : Salamat, Manang.

NIlagyan ko ng sinangag at itlog ang plato ni Jho, tsaka luncheon meat at bacon. Tsaka ako naglagay ng pagkain sa plato ko. Uminom agad ako ng coffee. Tahimik kaming kumakain. Nakatungo lang si Jho na kumakain.

Bea : Okey ka lang?

Jho : Oo naman. Sinadya mong inisin ako kanina no?

Bea : Yeah. Ang dali dali mo kasing mainis. At nakaka tuwang tingnan pag naiinis ka na....ang ganda mo.

Jho : Bolera ka talaga. Ikaw lang naman nakakagawa ng ganyan sa akin, e. Madali mo akong mainis pero sa ibang tao ako ang nang iinis.

Napa isip ako sa mga sinasabi ni Jho. So, am I special. Ako lang daw, e. hahaha. Iniba ko ang usapan, awkward, e.

Bea : Ano nga pala gagawin mo today?

Jho : As usual, gagawa ng plans and templates. Ikaw?

Dinagdagan ko ng sinangag at luncheon meat ang plato ni Jho, ni refill ko rin ng coffee ang mug nya, bago ako sumagot.

Bea : I'll try to write songs. I need to two songs every month, para makumpleto ko ang eight songs. I have five months lang kasi para ma complete, yun. They want me also to sing those songs. August daw ang release date.

Jho : Sigurado maganda yan at maghi hit.

Bea: Mag dilang anghel ka sana.

Jho : Napaka galing mo kaya kumanta. Galing sa puso pag kumakanta ka, feel na feel mo ito. Kitang kita sa mga mata mo ang emotion ng kanta. Parang totong totoo kung magbigay ka ng emosyon.

Bea : Wow, thanks, ha?

Nagpatuloy na kaming kumain.

Falling for You     (COMPLETED)Where stories live. Discover now