Part 13

121 4 0
                                    



'Ang bagal mo naman' sigaw ni Bea kay Jho. Nag jo jogging sila at pabalik na sila sa bahay. Nagpasyang mag race sila pabalik. Hingal na hingal na si Jho. Tawa ng tawa si Bea.

Jho : S-sandali. P-pahinga m-muna a-ako.

Umupo muna ito sa buhangin. Patakbong bumalik naman si Bea at umupo sa tabi ni Jho. Pawis na pawis na sila.

Bea : Lampa ka yata, hahaha.

Jho : Heh, weakness ko talaga ang pagtakbo. Madali akong mapagod.

Bea : Let's just watch the sunrise. Ang aga mo na yata nagigising ngayon.

Jho : Kasi maaga din ako natutulog. Gusto mag jogging, e. Matagal na rin di ako nakapag workout.

Bea : Sabagay, running is a good exercise and of course, swimming din.

Nag cool down muna sila. Unti unti naman lumabas na si haring araw. Nagliwanag na ulit ang paligid.

Bea : Lika, ligo tayo.

Sabay hatak sa kamay ni Jho. Napasunod na lang si Jho sa kanya.

Bea : Woooh, sarap ng tubig.

Jho : Hahaha!

Matamang nakatingin si Jho kay Bea. Para syang bata. Tuwang tuwa sa simpleng pag ligo sa dagat.

Bea : Bakit?

Jho : Anong bakit?

Bea : Why are you staring at me na naman?

Jho : Ah, ang laki kasi ng diperensya nong una kitang nakilala. Napaka lungkot ng mga mata mo non. Pero ngayon, your eyes are really smiling, too.

Bea : And that's because of you.

Jho : Huh? Ako?

Bea : I mean, it's because of ate Ly, ate Den, Jamie, ate Ella, Jia, Kim, Giselle, Ponggay and Maddie. It's because of you guys. You showed me how you care about me kahit sandali pa lang tayo magka kilala. All of you, some sort adopted me. I consider you as my second family na nga, e. Sayang di tayo agad nagka kilala. Napakasaya siguro nong college days nyo. Parati kayong magkakasama.

Bigla syang niyakap ni Jho. So many emotions ang napi feel nila ngayon.

Jho : Basta support ka lang namin. Pag may problema ka, sasamahan ka namin sa pag iyak at pagtawa mo.

Bea : Naks naman, hahaha. But thank you.

Jho : Totoo yun ha? Di biro yon.

Bea : Touch naman ako, hahaha.

Jho : Ba't ka ba tumatawa. Ang seryoso ng usapan natin, ah.

Bea : Wala lang, your so cute, getting serious, like a mother talking to her child, hahaha.

Hinampas ni Jho ang shoulder ni Bea.

Bea : Ouch, aray. Sakit non ha?

Jho : Bagay sa yo yan. Kung ano ano pinagsasabi mo.

Naghabulan pa sila. Ayaw na kasi mahampas sya ulit ni Jho. Tawa ng tawa si Bea, habang si Jho ay inis na inis.

Seryosong nakatutok si Jho sa mcbook nya. Si Bea naman ay nasa piano. Wala si Manang kaya si Jho nagluto kaninang tanghalian nila. May pupuntahan daw si Manang at sa makalawa pa ang balik. Today is Wednesday, bilis ng araw. Biglang tumugtog si Bea. Love song ulit. Nakapikit sya, parang pini feel ang musika. Naririnig naman ito ni Jho. Napatingin si Jho kay Bea. 'Bea De Leon on her element' nasambit nito sa sarili. Nakatingin pa rin sya rito. 'So sweet, nakaka in love naman ang tanawin na ito' sabi pa nito ulit sa sarili. Nagpatuloy na si Jho sa ginagawa nya. Maya maya ay nakita na lang ni Jho sila Bea at George na naghahabulan sa tabing dagat. Pinanood naman nya ito. HIndi ulit tinapon ni Bea ang kahoy para kunin ni George, kaya sya hinahabol ni George, gusto nito na itapon ulit ang kahoy. Tawa ng tawa si Bea. Maya maya ay itinapon na ni Bea ang maliit na kahoy, tumakbo naman si George para kunin ito. Nakatayo lang si Bea, nasa likod nya ang papalubog na araw. 'Wow' bulong ni Jho. Parang naka silhouette ito. Naka hulma ang body ni Bea. So sexy, napalunok si Jho. Parang na magnet siya kay Bea. Pinuntahan nya ito. Nang nasa harap na sya ni Bea ay nginitian nya ito. Ngumite din si Bea. Maya maya ay bigla syang niyakap ni Bea, ng mahigpit. Napayakap na rin si Jho. Grabe ang emosyon ngayon. Walang nagsasalita. Parang ang daming dapat sabihin, pero nanatiling nakatikom ang mga bibig nila. Matagal sila sa ganoong posisyon. Hinalikan ni Bea ang ulo ni Jho. Napapikit naman si Jho. Parang maiiyak sya. Pinigilan nya lang tumulo ang luha nito. Di maintindihan ni Jho kung bakit sya naiiyak. Seryoso naman ang mukha ni Bea. Lalim ng iniisip. Bumitaw na sila sa isa't isa. Umupo sila sa buhangin. Tahimik pa rin sila. Lumapit na sa kanila si George at naupo sa tabi ni Bea. Pati aso na feel ang tensyon. Tahimik din eto sa tabi ni Bea.

Jho : Sasama na pala ako pagbalik mo sa Manila sa friday.

Bea : Okey. Natapos mo na?

Jho : Oo, matatapos na tomorrow. E present ko na sa may ari ang blue print.

Bea : Okey. Mag isa na naman ako next week.

Tumulo na ang mga luha ni Jho, parang nalungkot sya sa sinabi ni Bea. Yong lang ba ang dahilan ng pag iyak nya. Napasulyap si Bea kay Jho.

Bea : Hey, why are you crying?

Pinahid ni Bea ang mga luha ni Jho, gamit ang thumb niya.

Bea : Please don't cry. Nasasaktan ako, e.

Pinahid na ni Jho ang luha na tumulo na naman at pilit na ngumite. Tumayo na sila na magka hawak kamay at pabalik sa bahay.


Falling for You     (COMPLETED)Where stories live. Discover now