Part 18

118 2 0
                                    



Nang bumalik na sila ng Manila ay parehong naging busy na sila. Nagsimula na ang construction ng project ni Jho, minsan may mga revisions na pinapagawa ang may ari. Si Bea naman, tinanggap na ang offer sa kanya. Nagsisimula na rin ang recording ng mga kanta nya. Wala na silang balita sa isa't isa. May bagong offer na project si Jho pero tinanggihan nya muna ito. Tatapusin muna na ang nasimulang project. Mag aantay naman ang new client nya, di naman daw ito nagmamadali. Pinay na naka pag asawa ng foreigner ang new client nya. Nakabili ng 5,000 square meters na lote sa Zambales. Balak gawing mini resort ito ng mag asawa at dito na manirahan. Magpapa gawa din ng house para sa kanila.

Kabila bilang guesting ang ginawa ni Bea para e promote ang bago niyang album.


Martin : She's a writer, a composer and now she chose to sing her composition, finally. She'll be the new sensation, please welcome, Ms. Bea De Leon.

Nagpalakpakan ang mga audience, pupwesto na si Bea sa gitna ng stage. Nagsimula na itong kumanta. Naghiyawan ang mga tao.

'Bea, Bea, Bea, Bea' sigaw ng mga ito. Kinawayan naman ang mga ito ni Bea. Naghiyawan itong muli. 'I love you, Bea' sabi ng isang fan. Madami na talagang fans si Bea. May mga taurpauline pa itong mga hawak, na may picture ni Bea at pangalan. Nang matapos ang kanta ay nilapitan sya ni Toni G at Sarah G.

Toni: Hello, Bea. Ganda naman ng kanta mo. Feels na feels ko.

Bea : Thank you, ate Toni.

Sarah: Sikat na sikat ka na, Bes' pabiro nitong nasabi.

Bea : Hindi naman po.

Toni/Sarah: Ay, humble na humble. Sabay nagkindatan ang dalawa.

Toni : You look like your a perfect package, Bea. Mahal na mahal ka ng mga tao. Kami din we like you, too.

Bea : Thank you po.

Sarah: Okey, tells us about your new album.

Bea : The song is all about a person who's in love to her friend. But, hindi pwede, e. She chose to keep her feelings and keep their friendship.

Toni/Sarah: Bakit naman hindi pwede?

Bea : Yun na nga po ang tema ng mga kanta. Am sure marami ang makaka relate dito.

Toni: How sad naman pala ng songs.

Sarah : Sige e promote na yan.

Bea : Ah, guys please listen to my songs and be in love secretly and love from afar. You may download it on itunes, it's also in cd form and available in all record stores.

Toni : Thank you, Bea.

Bea : Thank you din po.


Napanood ni Jho yun. She's having her lunch in her condo. 'Sikat na sikat na talaga sya' sabi ni Jho sa sarili. Matagal tagal na rin na di kami nagkikita. Nami miss ko na sya. That was two months ago ng last nila magkita, sa bora pa yun.


Lovel : O, anak napadalaw ka? Lika maghahain ako.


Yumakap si Jho sa ina at humalik sa pisngi nito.


Lovel: kumusta ang work?

Jho : Okey naman po, in one month matatapos na po. Nagmamadali kasi ang may ari kaya dinagdagan ang laborers.

Lovel : Mabuti naman. Sige, kain na.

PInapanood ni Lovel si Jho na kumakain. 'Ang ganda talaga ng anak ko' bulong nito sa sarili.

Lovel: Kumusta naman lovelife mo?

Biglang nasamid si Jho, uminom muna ito ng tubig at ng mahimasmasan ay nagsalita.

Jho : Wala naman akong lovelife, ma.

Lovel: Okey, Wala nga pala si Jaja, ayun may outing sila ng mga barkada. Bukas pa uwi non.

Jho : Ah, kaya pala di ko nakikita.

Lovel : Miss ka na rin non.

Jho : Miss akong asarin.

Nagtawanan sila.

Naka upo si Jho sa may sofa sa sala at may hawak na libro, pero nasa malayo ang tingin nito. Naalala na naman niya si Bea. Di man lang mag text sa kanya. Nahihiya din akong mag text o tumawag.

Lovel: Anak, may problema ka ba?

Jho : Ma? Wala po.

Lovel: Bakit ang lungkot ng mga mata mo?

Jho : Ah, may iniisip lang ako.

Lovel : Wag mo masyado isipin, mahal ka non. At ngumite ito ng makahulugan.

Jho : Ma? Ano bang pinagsasabi nyo po.

Lovel : Joke lang anak. Alam mo, pag kayo talaga, gagawa ng gagawa ang tadhana para magkalapit kayo, para maging kayo.

Jho : Siguro, kung mutual ang feelings. Tsaka hindi pwede.

Lovel : Bakit naman hindi pwede. Basta. Kung saan ka masaya, susupurtahan kita. Kahit ano pa yan, basta masaya ka.

Nakahiga na si Jho at naalala ang mga sinabi ng mama nya kanina. 'Ang swerte namin kay mama, very understanding' bulong nito sa sarili. Pumasok na naman si Bea sa isip nya. Ano na kayang ginagawa non ngayon' sambit nito. Syempre natutulog. Siya na rin ang sumagot sa tanong nya.

Lovel : Dami naman ng mga pasalubong mo.

Jho : Para kay ate Ella po at Jia.

Lovel : Okey, mag iingat ka don anak, ha? Sabay yakap dito.

Jho : Opo, mama. SIge po alis na ako. Kumaway na lang si Lovel sa paalis na anak.


Huminto muna sa isang coffee shop si Jho. Para di makatulog sa pag da drive, kailangan nya ng coffee.

Jho : Ate, one cafe mocha, please.

Palabas na si Jho sa coffee shop ng makita nya si Ged.

Jho : Ged? hello. Nag embrace sila.

Ged: Jho, ano ginagawa mo dito?

Jho : Umuwi kasi ako ng Batangas, pabalik na ako sa Manila.

Ged : Ah, okey. kumusta ka na?

Jho : Okey lang naman. Oy, inindyan mo kami sa bora, ha?

Ged: Sorry, something came up lang na dapat asikasuhin agad agad.

Jho : Okey lang, may next time pa naman, di ba?

Nagkatinginan muna sila.

Ged : Sige na, itanong mo na yan.

Jho :: Ang ano?

Ged: Ay sus.

Jho : Ano nga?

Ged : Nasa beach house nya ngayon si Bea. Sige alis na ako, bye.

Umalis na si Ged, natameme naman si Jho. 'Anong? Di ko naman tinanong kung nasaan si Bea, ah'. pabulong nitong sabi ni Jho.



Falling for You     (COMPLETED)Where stories live. Discover now