BeaNagising ako na masakit ang ulo ko, tuyong tuyo lalamunan ko. Bumangon ako, mas sumakit pa ang ulo ko. Ang sakit sa mata ng araw na sumisingit sa window. Isinara ko ang blinds. Kumuha ako tubig sa pitcher. Dalawang baso na inom ko. Napa tingin ako sa salamin. Eto pa yong suot ko kahapon. Pumasok na ako sa cr para maligo kahit parang binibiyak ang ulo ko sa sakit. Nag toothbrush ako matapos maligo at nagbihis. Lumabas na ako sa kuwarto at naupo sa sofa. Naalala ko na kailangan kung uminom ng gamot para mabawasan ang sakit. Nong binuksan ko ang medicine cabinet. Ubos na pala ang gamot. Bumalik na lang ako sa sofa at humiga.
Nagising ako sa ingay sa may pinto. May kumakatok. Dahan dahan akong bumangon at nagpunta sa pinto para buksan. Pagkabukas ko ay tumambad si Jho na may pag alala ang mukha.
Bea : Hi.
Jho : Bakit di mo sinasagot ang phone mo?
Bumalik ako sa sofa at naupo.
Bea : Di ko naman narinig na nag ring.
Jho : Bakit di mo narinig. Madaming beses na ko tumatawag sa yo pati text.
Pumunta ako sa kwarto para kunin ang cellphone ko. Tiningnan ko ito. Madami ngang misscalls si Jho at mga text. Bumalik ako sa sala at naupo ulit sa sofa. Sumandig na ako, ang sakit talaga ng ulo ko. Pinikit ko mga mata ko.
Jho : Anong nangyari sa yo?
Bea : Nagkita kami ni Ged kagabi. Nagka inuman. Sakit nga ng ulo ko.
Jho : Nag lunch ka na?
Bea : Di pa nga ako nag breakfast, e.
Napa iling na lang si Jho.
Jho : May gamot ka ba dito?
Bea : Ubos na.
Jho : Sandali lang, dito ka lang. Bibili lang ako.
Jho
Kaya pala di nya masagot ang cellphone nya, nag inuman magdamag at lasing na lasing. Pumunta ako sa drugstore para bumili ng gamot, pagkatapos ay nagpunta naman ako sa pancake house para mag take out.
Jho : Bea, gising ka na. Kain ka muna, para maka inom ng gamot.
Nagising naman ito at bumangon. Para itong robot na nagpunta sa dining area.
Jho : Ayan kain na.
Pinakialaman ko na coffee maker nya para mag brew ng coffee.
Jho : Inom ka muna ng coffee para mainitan ang tyan mo.
Parang bata si Bea na pinagsilbihan ko, sumusunod naman ito. Nakatingin lang ako sa kanya habang kumakain ito. Nenirbyos ako kanina, ng mag ring lang na mag ring ang phone nya. Di ko alam kung ano na nangyari sa kanya. Simula umaga pa ko tumatawag sa kanya. Kaya napag pasyahan ko na puntahan sya sa condo nya. ' My God, Beatriz, a atakehin ako sa puso' nasabi ko sa isip ko. Kahit wala akong sakit sa puso.
Nang matapos kumain ni Bea ay pina inom ko na yong gamot.
Bea : Thank you, ha?
Jho : Your welcome. Pahinga ka na.
Inalalayan ko sya papunta sa kwarto. Humiga na ito. Kinumutan ko na naman sya. Nakatulog agad ito.
Lumabas na ako sa kwarto ni Bea at nagpunta sa kusina. Niligpit ko pinagkainan ni Bea at tinapon sa basurahan. Binuksan ko ang ref nya. May pork adobo cut. May gulay din. Hinanda ko na ang mga sangkap para sa nilagang pork. At niluto ko na ito. Kailangan ni Bea ng sabaw para matanggal ang hangover nya. Nagsaing na rin ako ng rice. Pag nagising na sya iinitin na lang.
YOU ARE READING
Falling for You (COMPLETED)
FanfictionShe's from a heartbreak. Can she find peace....peace of mind in this new place. 'Sana nga... sana nga' nasabi nito sa sarili..